Chapter 30: What about now?

624 12 4
                                    

CHAPTER THIRTY: What about now?

Maagang pumasok si Trish sa opisina, handa na itong harapin si Keith. Dala na rin nito ang resignation letter. Buo na ang loob ng dalaga, handa na niyang baguhin ang takbo ng kanyang buhay. Binati ito ng mga kasamahan at mukhang namiss siya sa tatlong araw na pagkawala. Hindi naman nagpahuli si Kate na kaagad pinuntahan ang kaibigan sa opisina nito.

“Welcome back girl! Namiss kita sobra... actually kayong dalawa... Hmmm sa ba kayo nagtago ha at ginawa nyo pang alibi yang sprain mo. Umamin ka”, si Kate na direretso sa pagsasalita.

“Anong bang sinasabi mo, totoong may sprain ako no! Nagtago? Dun sa condo ko, dun ako nagtago. Tsaka hindi kami magkasama ni Keith no”, paliwanag ni Trish. Nagtataka ito sa mga sinabi ni Kate.

“E kung hindi mo kasama si Keith, e bakit hindi rin siya pumasok nung naka-leave ka?”, naguguluhang tanong din ni Kate. Hindi naman kasi nagfile ng leave ang amo nito.

“Ha? What do you mean na hindi rin siya pumasok?”

“Absent... No appearance... hindi nga nagfile ng leave eh”.

Napaisip ngayon si Trish, ang buong akala niya ay busy lang sa trabaho ni Keith kaya’t hindi man lang niya ito kinumusta.

“Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ni Keith ha? And girl, nabalitaan ko yung nangyari sa birthday ni CEO. Marami kang ikukwento sa akin mamaya. Iwan muna kita, marami pa akong trabaho. Babush!”, at lumabas na nga ito ng opisina ni Trish.

Naiwang nag-iisip pa rin si Trish. Asan na si Keith?

Madilim sa loob ng silid. Nag-inat ang binatang si Keith. Masaki tang ulo nito dahil sa dami ng nainom nang nagdaang gabi. Bumalikwas ito ng pagkakahiga at humarap sa kabilang bahagi ng kama. Dumantay ito sa inaakalang unan na natakluban lamang ng kumot ngunit laking gulat nito ng gumalaw ito. Biglang napaupo ang binata, hindi siya nag-iisa sa kama. Pilit niyang inaalala ang nagdaang gabi subalit blanko ang isipan niya. Muling kumilos ang katabi at humarap sa gawin niya. Mas lalo pa siyang nabigla ng makilala ang katabi, si Dianne! Hindi ito makapaniwala kung paanong napunta sa kama niya si Dianne. Napasabunot sa sarili. Ano ba  itong gulong pinasok niya. Agad itong tumayo at nagpunta sa banyo. Naligo at nagbihis at pagkatapos ay lumabas ng silid. Nang magising si Dianne ay wala na sa tabi niya si Keith. Nagtaka din ito dahil hindi pamilyar sa kanya ang kwartong ito. Nagulat pa ito ng makita ang sarili, wala siyang saplot sa katawan. Agad nitong hinigit ang kumot at itinakip sa sarili. Hinanap nito ang mga damit at inaalala kung sino ang huli niyang kasama kagabi. Nakita nito ang litrato ni Keith na kasama si trish na nakapatong sa side table ng kama. Napatakip ito sa bibig ng maalalang si Keith ang huli niyang kasama ng nagdaang gabi. Dali-dali itong nagbihis at lumabas ng silid.

Kausap ni Stan ang kaibigang si Carlo sa isang coffee shop sa isang kilalang mall. Galing ito sa isang site nila at nag-inspeksyon.

“Today is our third year anniversary. I’m planning to propose to Gwen tonight”, excited na balita ni Cris kay Stan.

“Really! Tonight?... Good luck to you Bro... I’m happy for you”, sinserong bati ni Stan sa kaibigan. Pero hindi lubos nag kasiyahan nito. Medyo nakaramdam siya ng inggit sa kaibigan.

“By the way, Gwen told me something. She said that Dianne has been acting weird this past few days. Madalas daw itong lumalabas at gabi na umuwi. And last night, she didn’t even come home”.

Hindi nagsalita si Stan. Wala rin itong maisip kung saan pwedeng magpunta si Dianne. Biglang naisip nito si Stephen.

“Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?”

“We broke up”.

“I’m sorry to hear that”.

Hindi alam ni Dianne kung paano siya nakalabas ng mansion. Pumara ito ng taxi at nagpahid sa condo ng kaibigan. Naabutan pa nito si Gwen na naghahanda pa lang para umalis. Nagtaka ang kaibigan na ngayon lang ito umuwi.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon