CHAPTER THIRTY FOUR: Save You
Nakatulog sa biyahe si Trish, ginising na lamang ito ni Stan nang nasa tapat na sila ng condo. Pupungas-pungas pa si Trish ng bumaba sa sasakyan ni Stan. Magkahawak kamay na naglakad ang dalawa patungo sa unit ni Trish.
Lingid sa kanilang kaalaman ay kanina pa nakaparada ang isang kostseng asul sa kabilang gilid ng kalsada na tila may hinihintay. Nang makita sina Stan at Trish na bumaba sa sasakyan na tila masayang-masaya sa piling ng isa’t-isa ay naningkit ang mata ng nakasakay sa kotseng asul. Mabibigat ang paghinga nito na tila punong-puno ng galit. Mahigpit din ang kapit nito sa manibela na halos mamuti na ang mga butong naglitawan dito.
Pinapasok ni Trish si Stan sa loob ng unit nito at hindi naman tumanggi ang binata. Ibinaba ni Stan ang mga gamit ni Trish sa sofang andoon at nilibot ng paninging ang kabuuan ng unit.
“Nice Place Trish,” kumento pa ng binata.
“Thanks.... gusto mo ba ng juice?”, pag-aalok nito sa binata.
Akmang tatalikod na si Trish upang magtungo sa maliit na kusina nang hilahin siya ni Stan sa kamay papalapit sa kanya. Nabigla ang dalaga at sa isang iglap ay magkaharap na sila ni Stan. Inilagay ni Stan ang mga kamay sa baywang ni Trish at kinabig ito palapit sa kanya, napahawak naman sa mga braso ni Stan ang dalaga.
Nagtama ang kanilang mga mata na tila mina-magnet ang bawat isa. Walang kumukurap na tila pinagbabawal ata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Stan na kapiling na niya si Trish at hawak niya ngayon sa kanyang mga bisig. Parang ayaw na nitong mawalay sa dalaga at lagi na lang pagmasdan ang muha nito. Samantala , tila natutunaw naman si Trish sa mga titig ng binata. Kahit wala itong sinasabi ay dama naman ng dalaga ang pagmamahal nito sa kanya. Napapalunok na lang ang dalaga sa lakas ng kaba sa kanyang dibdib.
“Wag na... Kailangan ko na rin umalis...” turan ni Stan sa malamyos na tinig. “Pack your things at ihahatid kita sa inyo. Nangako ako sa mommy mo na babalik akong kasama ka”.
Natuwa ang dalaga sa mga narinig at hindi nito napigilang magpakawala ng matamis na ngiti. Dahan-dahan itinaas ng binata ang kanang kamay patungo sa baba ng dalaga. Iniangat nito ang mukha ni Trish at inilapit ang mukha niya dito pagkatapos ay ginawaran ng masuyong halik sa labi ang dalaga.
“I’ll be back in an hour... Lock the door when I leave”, bilin pa nito sa dalaga bago tuluyang bumitaw at lumabas ng unit ni Trish.
Tila lumilipad pa sa alapaap ang dalaga matapos mai-lock ang pintuan. Sobra sobra ang saya sa puso niya. Masigla itong nagtungo sa silid upang ayusin ang kanyang gamit. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ang tumunog ang door bell. Napangiti ang dalaga.
Hay naku Stan, akala ko ba after an hour ka pa babalik, sabi nito sa kanyang isipan at halos patakbong pumunta sa pintuan.
Pasikat pa lang ang araw ng dumating si Gwen sa unit nito. Kinaon siya ni Cris mula sa airport at inihatid na rin sa unit ng dalaga. Masayang nagkukwento si Gwen tungkol sa shoot niya sa abroad. Nagulat na lamang siya ng makitang medyo nakaawang ang main door ng unit niya. Nakita rin ito ni Cris na kaagad hinila si Gwen papunta sa likuran niya. Dahan-dahang binuksan ni Cris sang pintuan, kasunod nito ang nobya. Laking gulat ni Cris ng makitang magulo ang unit ng dalaga, takot naman ang nangibabaw kay Gwen. Bigla nitong naalala ang kaibigan si Dianne.
“Cris, si Dianne...”, turan nito na may takot sa tinig. Nag-aalala ito na baka sinaktan ng mga nanloob sa kanila ang kaibigan. Nagkatinginan ang mag-nobyo at patakbong tinungo ang silid ni Dianne.
Lalong hindi inaasahan ng magnobyo ang sunod na nakita. Napasigaw na lang si Gwen at napayakap sa nobyo.
Nang makita ni Keith na nakalabas na ng unit ni Trish ang binata ay kaagad itong bumaba sa kotse nito at pinuntahan si Trish. Kaagad itong nag-doorbell nang makarating sa may pintuan ng dalaga.
