Chapter 37: Confusion

34 1 2
                                    

Chapter 37

YAP Constructiona company... Maaga pa lang ay abala na ang mga empleyado ng nasabing kumpanya dahil sa pagbisita ng kanilang CEO, ang Ama ni Stan. matapos ang matagal-tagal din na pagpapahinga ay ngayon lamang muli ito bibisita sa sariling opisina. Sa muling pag-angat ng YAP construction ay unti-unti ring bumuti at bumalik ang lakas ng matandang Yap, kaya naman ninais nitong muling magpakta at magpasalamat sa mga empleyado nitong hindi bumitaw sa kabila ng mabigat na pagsubok. Lubos din ang pagtanaw nito ng utang na loob sa kaibigang si Mr. ramos dahil sa malaking naitulong ng kumpanya ng huli sa muli nilang pagbangon kahit pa nga may na hingi pagkaaunawan sa pagitan ng kani-kanilang mga anak.

Kasama ng matandang Yap ang kanyang maybahay gayundin si Stan na patuloy pa rin na nakaalalay sa Ama. Naghanda ng munting programa ang mga empleyado para sa na-miss na Amo sa pangunguna ni Tita Lucy. Mangiyak-ngiyak pa ito habang nagbibigay ng pagbati para sa mga bagong dating. Inakap naman ito ni Mrs. Yap na matalik na kaibigan na ang turing sa matagal ng sekretarya ng asawa. Masayang tinnanggap ni Mr. Yap ang mga pagbati at matapos nito ay dumiretso na sa kanyang opisina na matagal ding nabakante. Bumalik naman sa pagtatrabaho ang mga insipradong empleyado.

"So, pa'no Dad? Do you plan to stay for the whole day?", si Stan, nang makapasok na silang mag-anak sa oipisina ng Ama.

Tumingin muna sa asawa nito ang matandang Yap bago nagsalita. "I'll just stay for a few hours. I'm planning to visit Roger to personally thank him for all his help", tukoy nito sa matalik na kaibigan at Ama ni Keith.

"Ganun po ba... Anything else Dad, Mom that you need?". muling tanong ni Stan sa mga magulang.

"We're fine anak. Go ahead, wag mo na kaming alalahanin ng Daddy mo", wika naman ni Mrs Yap. at lumabas na nga ng tuluyan si Stan. 

                                                                           ******************** 

Isang buwan matapos umalis ang kaibigang si Dianne ay naging busy na si Gwen sa pag-aasikaso ng kanyang nalalapit na kasal sa boyfriend nitong si Cris. Kagaya ng ipinanangko nito sa nobyo ay humingi ng mahabang bakasyon ang dalaga mula sa manager nito na kaagad namang pinagbigyan ng huli. Kasalukuyang nasa isang restaurant ang dalaga upang tagpuin ang kanilang wedding planner para sa ilan pang detalye ng kanilang kasal. Kasama dapat dito ang nobyong si Cris sabulit nagkaroon ito ng biglaang appointment sa isang importanteng kliyente. Naitindihan naman ito ng dalaga.

"I'm sorry, nalate ako Ms. Gwen, naipit kasi ako sa traffic", hinging paumanhin ng humahangos pang wedding planner.

"It's okay, kadarating ko lang din naman. Anything that you want before we start, coffee perhaps?", alok nito sa kaharap.

"Coffee pls", tugon naman ng wedding planner.

Kaagad tinawag ni Gwen ang waiter at sinabi ang order nito. Nang makaalis ang waiter ay kaagad din pinagusapan ng dalawa ang mga naiiwan pang detalye para sa nalalapit na kasal. Masinsinan ang usapan ng dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Gwen.

"Excuse me, "I need to answer this", hinging paumanhin nito sa kausap sa pag-aakalang si  Cris ang nasa kabilang linya. Subalit hindi kilalang numero ang nagregister sa telepono nito.

Hindi kaagad nakahuma si Gwen sa pagbati ng nasa kabilang linya. Boses ito ng isang babaeng hanggang ngayon ay pamilyar pa rin sa kanya. The way the girl greeted her sounds so excited and happy, pero bakit kabaliktaran ang naramdaman niya. She was shocked upon hearing her voice after a long time. 

                                                                             ******************** 

Lunch time at naisipang tawagan ni Trish ang nobyong si Stan. Katatapos lang ng kanilang board meeting at gusto niyang makasalo sa pananghalian ang binata. They seldom see each other this past few days dahil sa demand ng kani-kanilang mga trabaho. After Dianne's departure, everything went well and both of them had a peace of mind. Nasa rehab pa rin ang dating nobyo nitong si Keith na patuloy na nagpapagaling. Kaya naman sa trabaho natuon ang atensyon ng dalawa.

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon