CHAPTER FIVE: All This Things
First day of Internship
Maagang nagising nang araw na iyon si Trish. It was her first day of internship sa Y & E Construction Company. She was nervous but at the same excited sa bagong journey nila ni Patty. Ilang months na lang at welcome to the real world na talaga ang peg nila. But more than that, may ibang dahilan ang pagiging excited ng dalaga. Hanggang ngayon ay may hang-over pa sya sa kilig buhat ng ma meet niya ang magiging boss for a few months.
Trish is a typical college student. She likes hanging out with friends, having fun and making memorable moments. She and Patty are partners in crime, they are always together in whatever they do, even sa kakikayan. One of their past time was boy hunting. Madalas nila itong gawin sa tuwing tumatambay sa soccer field at ang madalas nilang biktima ay mga soccer players. Kanya-kanya silang pili ng natitipuhan hanggang sa magpapayabangan pa at sa bandang huli ay magkakatawanan na lang dahil alam nilang hanggang pantasya lamang ito. Kung paminsan-minsan ay may makakapansin at magpapacute din sa kanila subalit wala naman din pinatutunguhan. She has lots of crushes but she was never been in love. Kaya sa tuwing may nanliligaw sa dalaga ay nauuwi lamang ito sa pagiging magkaibigan.
She wore a simple formal clothes that day, simple yet fashionable na bagay sa personality ng dalaga. Nag-apply din ito ng simpleng day make up. Kasalukuyan itong nakaharap sa salamin at pinagmamasdan ang sarili at nang makuntento ay lumabas na ng kuwarto at nagpaalam sa mga magulang. Sa office na daw ito mag-aalmusal. Today is special, she don’t want to be late.
It takes 45 minutes ng marating niya ang Y & E Construction Company. Pagkapark nito ng sasakyan ay dumeretso sa reception area para kunin ang ID at naglog-in na rin. Wow, feeling professional. Maya-maya pa ay dumating na rin si Patty na hindi rin maitago ang excitement. Lumapit din sa mga ito ang magandang receptionist na nagngangalang Shane.
“Good Morning Ms. Policarpio and Miss Padilla, I’m Shane. Please follow me, I’ll show you your cubicle”.
Habang tinatahak ng tatlo ang cubicle na magiging opisina ng dalawa for a few months ay ipinakikilala na rin sila ni Shane sa mga makakasama na kanilang nadadaanan. Halos puro kalalakihan ang naroon at karamihan ay Engineer. Ayon pa kay Shane iba’t ibang department mayroon ang kumapanya at ang department na ito ang pinamumunuan ni Engineer Stan Yap. Y stands for Yap and E for Estevez, and business partner ng mga ito. Ibang department naman ang pinamumunuan ng mga Estevez, ayon pa rin kay Shane. Ilang cubicle pa ang dinaanan ng mga ito bago huminto si Shane sa di naman kalakihang espasyo. Tamang tamang lamang ito sa dalawang tao. May dalawang laptop na rin na nakalaan para sa mag-ookupa nito.
“And this will be you’re place for the span of your stay. You will be treated as a regular employee so you are also expected to work like one. Kung may kailangan kayo, puntahan nyo na lang ako sa reception area. And one more thing, dyan sa katabing cubicle ang table ng secretary ni Engineer Yap. You’ll be receiving instructions from her, so better be attentive. Medyo strict kasi sya, but she’s fine. O pano, maiwan ko na kayo. Good luck”, at matapos mai-orient ang dalawa ay bumalik na sa pwesto nito si Shane. Nagpasalamat naman ang magkaibigan.
Nang makaalis ang receptionist ay naupo na ang dalawa sa kani-kanilang swivel chair. Pinaikot-ikot pa ito ni Patty na animo’y naglalaro. Sinaway ito ni Trish at nagkatawanan ang dalawa. Muling iginala ni Trish ang paningin sa paligid, lahat ng tao doon ay nakasubsob na sa trabaho kahit napakaaga pa. Hanggang nagawi ang kanyang paningin sa kanang bahagi ng opisina kung saan matatagpuan ang main door ng department na iyon. Iniluwa ng pinto ang isang babae na nasa mid forties na marahil ang idad. Very stiff ang pananamit nito at mukang strikto, hindi rin ito ngumingiti kahit binabati ng mga nakakasalubong nito. Tinahak nito ang daan papunta sa direksyon nila at napagawi ang paningin ng babae sa direksyon nina Trish. Kaagad naman siyang umiwas ng tingin at inayos ang pagkakaupo. Marahil ito ang sekeretarya na tinutukoy ni Shane.