CHAPTER TEN: I don’t have the Heart
Gising na si Trish subalit hindi pa rin ito bumabangon. Nakatitig lamang ito sa kisame ng kanyang kwarto at malalim na nag-iisip. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Maraming tanong sa kanyang isipan na hindi niya masagot. She was naive pagdating sa ganitong bagay. She was already 20 years old but it was her first kiss. When he laid his lips to hers, it was pitch black... blanko... all she knows is that she’s feeling it, the tenderness of his kiss and the sensation that rolls all over her body. And it feels so good. Ipinikit niya ang mga mata at ipinilig ang ulo para gisingin ang diwa nito na tila nananaginip pa ng gising.
Biglang tumunog ang cellphone nito at nagitla ang dalaga. Bumangon ito upang tingnan kung sino ang nagtext. It was Stan. Kung dati ay pure excitement ang nararamdaman nito sa tuwing nakakatangap ng mensahe sa binata subalit ngayon ay magkahalong kaba at alinlangan. Nandoon pa rin ang excitement subalit nangingibabaw ang pagka-ilang. Binasa nito ang mensahe ng binata.
Good Morning! Just wear casual clothes today. Sa site tayo ngayon. Be at the office before seven. See you!
STAN
Biglang napatingin sa orasan ang dalaga. It was already 6:00 in the morning at nakahiga pa sya kama. Napabalikwas tuloy ito at dumeretso sa banyo upang maligo. It takes her 30 minutes to fix herself. Patakbo nitong tinungo ang garahe upang ilagay ang gamit sa sasakyan pagkatapos ay pinuntahan ang Ina sa kusina at nagpaalam. Nagtataka naman ang Ina nito dahil sa pagmamadali ng anak.
She was 15 minutes late ng marating ang opisina. She saw Stan na nakasandal sa kotse nito habang nilalaro-laro ang car key. Hindi naman napansin ng binata ang pagdating ni Trish. Matapos maipark ang sasakyan sa usual parking space nito ay pinuntahan nito ang binata. Nag-angat naman ng mukha si Stan ng maramdamang may papalapit sa kanya.
“Sorry...,” si Trish in an apologetic face.
“Good Morning!,” si Stan in his cute smile. “Let’s go?,” at umikot ito upang pagbuksan ng pintuan si Trish.
Mukang maganda ang gising ng binata, kaya naman napalitan na rin ng ngiti ang kanina’y nag-aalalang mukha ni Trish. Pagkasakay ng dalaga ay sumakay na rin si Stan at kaagad na pinaandar ang sasakyan. Sa una ay walang umiimik sa dalawa hanggang sa nagtanong si Trish.
“Ahmmm.... Saan ba tayo pupunta?” si Trish.
“Sa site... sa bagong project ng kumpanya,” simpleng tugon ni Stan. Tumango lang ang dalaga. Maya-maya ay nagtanong ulit ito.
“B-bakit isinama mo ako?,” nag-aalangang tanong nito.
“Isang housing ang idedevelop naming sa Cavite. We need an architect.”
“P-pero hindi pa ako architect.”
“Well, not for long.... and besides, Jeric recommend you. Maganda raw ang mga designs mo. Very Innovative, which is what we need for this project.
Si Jeric talaga kahit kalian pahamak, bulong nito sa isipan.
“But... I don’t have any experience with a real and big project like this. Baka ako lang ang makasira sa inyo.”
“Trish, don’t think too much... Hindi pa nga tayo nagsisimula, nastress ka na.”
“Pero...”
“Don’t you have trust with your capabilities? And besides, pababayaan ba naman kita? I will always be at you side, remember that.”
Hindi na nagsalita pa si Trish matapos marinig sa binata ang mga katagang iyon. He was really a good-natured man. Pinalalakas nya lagi ang loob ng dalaga. She decided to relax on her seat and just enjoy the ride. Sinulyapan naman ito ng binata at ngumiti. Nang makarating na sa mataas na parte ng Cavite ay binuksan ni Stan ang mga binata. Humampas sa kanilang mga mukha ang malamig na simoy ng hangin. Nilanghap pa ito ni Trish at ipinatong ang braso sa may bintana. Nalilipad lipad pa ng hanging ang mahaba nitong buhok. Kita sa mukha ng dalaga na enjoy na enjoy ito sa pagmamasid sa nadadaanan nila. Ipinatong pa nito ang mukha sa braso na parang bata. Binuksan naman ni Stan ang CD player nito at pinatugtog ang musika ng bandang Stephen Speaks. And they enjoyed the rest of the ride...