CHAPTER TWENTY: Beautiful In My Eyes
Everything is set, simula na ng merging ng Yap Constructions Company at JGC Phils. Na-orient na ni Stan ang kanilang mga empleyado regarding sa mga possible changes at adjustment na mangyayari ngayon sa kumpanya. Binanggit din nito na may mga bagong mukha na from time totime ay bibisita sa kanila. Nakinig naman ang lahat at umaasa na ito na ang makakatulong sa kasalukuyang problema ng kumpanya.
Ngayon magaganap ang muling pagbabalik ni Trish sa Yap Construction Company para bumisita. Kabilang siya sa team na binuo para tulungan ang nasabing kumpanya. Pinamumunuan ito ni Keith na siya ring makakapartner ni Stan para muling ibangon ang kumpanya ng huli. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ngayon ng dalaga sa muling pagbalik sa dating kumpanya. Lulan ang dalaga ng bagong sasakyan ni Keith. Nag-insist ang binata na huwag ng dalhin ang sasakyan ng dalaga at sa kanya na lang sumakay. Kasunod nila ang isa pang sasakyan na lulan naman ang ilan pang miyembro ng team. Napansin ni Keith ang pananahimik ng dalaga.
“Are you excited? For the longest time, makikita mo na ulit ang mga dati mong kasamahan”, tanong ni Keith.
“Yeah, ang tagal ko na nga silang hindi nakikita. Sigurado mabibigla yung mga yon pag nakita ako”, nakangiting turan ni Trish.
“And they will be definitely proud of you. Imagine from being an intern, you’re now the Senior Artchitect of JGC Phils. You must be proud also kasi maganda ang pinagsimulan mo”, sabi pa nito.
“Yeah, definitely”, tugon ni Trish. Hindi nito maiwasan mangiti kapag naaalala ang mga magagandang experiences nya sa kumpanya.
Wala namang masyadong ipinagbago ang pisikal na anyo ng kumpanya maliban na lang sa mga empleyado nito. Pagpasok nila sa may lobby ng building sy si Shane agad ang hinanap nito sa reception area ngunit wala ang dalaga sa dati nitong pwesto. Habang sakay ng elevator ay tahimik lang ang dalaga, wari’y ninanamnam ang bawat segundong nasa loob siya nito. Tumigil ang elevator sa 6th floor at nagtungo ang team ni Engineer Keith sa departamento ni Engineer Stan. Maaliwalas na mukha ng mga empleyado ang bumati sa mga bagong dating. Sinalubong ang mga ito ng Sekretaryang si Tita Lucy. Magalang at pormal nitong binati ang mga bisita ngunit hindi naman nito napigilang halikan at yakapin ang dalaga. Mangiyak-ngiyak pa ito ng makita si Trish.
Iginiya na niya ang mga bisita papunta sa opisina ni Stan. Samantalang nasa likuran naman si Trish at panay ang kumusta ng mga dating kasama. Parang itong artistang pinagkakaguluhan ng mga fans.
Nang buksan ni Tita Lucy ang pintuan ay nagsitayuan ang team ni Stan na binubuo ng mga Engineers at head ng iba’t-ibang departamento. Kabilang dito si Engineer Mark na boyfriend ni Kate. Malugod na winelcome ng mga ito ang mga bagong dating at pinaupo sa mga bakanteng upuan.
“Good Morning Gentlemen... and to our two ladies”, bati ni Stan sa grupo ni Keith. Tanging si Trish at Kate lamang ang babae sa buong team. Tumugon naman ang mga bagong dating. Hindi naiwasang magngitian ng magnobyong Mark at Kate, natupad din ang kagustuhan ni Kate na magkasama sila ng nobyo sa trabaho.
Matapos maipakilala ng mga team leaders ang kani-kanilang miyembro ay sinimulan ang brainstorming at planning para sa mga gagawin sa susunod na araw. Sa una ay napakapormal ng lahat pero dahil sa hindi naman nagkakalayo ang mga idad ay naging light at comfortable na rin ang usapan. Nagkakabiruan pa ang mga ito bago lubusang matapos ang kanilang meeting.
Past 2 na nang matapos ang nasabing meeting kaya late na rin ang lunch ng mga ito na ipinahanda ng grupo nina Stan. Matapos ang pananghalian ay nagpaalam na si Keith at nagkamayan ang dalawang leaders. Nang makalabas sa opisina ay nagpasabi si Trish na susunod na lamang ito sa ibaba dahil nais muna niyang makipagkumustahan kahit sandali sa mga dating kasama. Una nitong pinuntahan ni Tita Lucy.