CHAPTER THIRTY TWO: Love Always Finds a Way
Sa isang simple at tahimik na pamumuhay sa Cavite naisipang magpalipas ng ilang araw ni Trish. Doon ay malayang nagagawa ng dalaga ang mga bagay-bagay na walang isinasa-alang-alang kundi ang maging Masaya. Sa pananatili niya dito sa loob ng halos tatlong araw ay nakatulong upang magkaroon ng peace of mind ang dalaga at maipahinga ang puso nitong halos bugbog na sa mga pangyayari nang nagdaang mga araw.
Kasalukuyang na sa isang burol ang dalaga at nagmemeditate. Ginagawa niya ito tuwing umaga, nakakapagparelax kasi ng kanyang isipan. Nagtatagal siya dito hanggat hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw. Kung minsan ay inaabutan na siya ng pananghalian dito dahil sa pagkalibang sa pagmamasid sa kapaligiran.
Nasa biyahe na ngayon si Stan para puntahan sa kinaroroonan nito si Trish. Walang pagsidlan ang kaligayahan ng binata ng malamang nasa mabuti itong kalagayan. Hindi mapaknit ang mga ngiti nito sa labi habang tinatahak ang daan patungong Cavite. Hindi na siya makapaghintay na makita at mayakap ang dalaga. Marahil ito na ang tamang panahon at oras upang ihayag at ipaglaban ang tunay na nilalaman ng kanyang puso. Hinding hindi na niya ito sasayangin at pakakawalan pa. Tila gusto nang hilahin ng binata ang oras upang makarating agad sa destinasyon nito.
Samantala nasa isang tagong parte ng parking space ng condo building ni Gwen si Dianne. May kausap ito na tila galit na galit. Hindi na rin maitago ng lalaki ang galit sa pagsigaw sa kanya ni Dianne.
“Ano na naman ba to, Anong ibig mong sabihing wala siya a unit nya!?” galit na tungayaw ni Dianne. Tila nafu-frustrate na ito sa pagpalya ng kausap.
“Pwede ba, wag mo ‘kong sigawan!”, ganting sigaw naman ni Stephen.
“Alam mo Stephen, sabihin mo na lang kasi kung ayaw mong gawin. Hind yang pinagmumukha mo kong tanga!”
“Teka nga Dianne, Kanino bang plano ‘to? Hindi ba sa’yo? Sinusunod ko lang naman ang mga sinsabi mo ah!”, galit na rin ang tinig ni Stephen. Naiinis na rin kay Dianne.
“My God Stephen! Ikaw ang lalaki. Bakit hindi mo madiskertehan ng tama?”, hindi naman nagpapatalo si Dianne.
“Alam mo Dianne, kung atat na atat kang mawala sa landas mo si Trish, E di ikaw ang gumawa!”, galit na sabi nito at tinalikuran na si Dianne. Sumakay ito sa sariling sasakyan at pinaharurot paalis.
Tila natulala naman si Dianne sa biglang pag-alis ng binata.
“Stephen! Bumalik ka dito! Stephen!!!”, galit na galit na sigaw ni Dianne.
Tanghali na nang pumasok sa opisina si Keith. Aburido ito at tila may hang-over pa ng nagdaang gabi. Pinagtitingnan ito ng mga empleyado habang papasok sa opisina nito. Wala namang pakialam ang binata sa mga ito at derederetso lang ito sa paglalakad. Hindi rin naman ito nakaligtas sa mapanuring tingin ni Kate. Nagkaganito si Keith nang tuluyan nag makipagbreak si Trish. Hindi malaman ni Kate kung saan lulugar sa sitwasyong ito. Pareho niyang kaibigan ang dalawa at parehond niyang mahal ang mga kaibigan. Naglakas loob itong pumasok sa opisina para kausapin si Keith.
Naabutan nito si Keith na nakatayo sa tapat ng malaking bintana ng kanyang opisina. Seryoso itong nakatingin sa labas na wari’y may malalim na iniisip. Hindi nito narinig ang pagpasok ni Kate.
“Keith”, alanganing tawag ni Kate. Sinulyapan lang siya ng binata at ibinalik na muli ang atensyon sa labas ng bintana. Tila wala itong pakialam kung sino pa man ang pumasok sa opisina nito. Lumapit dito si Kate at muling nagsalita.
“Ahmm... Keith... I Know I’m not in the position to talk to you about this, but I’m here as a friend. Pede akong makinig”, sinserong pahayag ni Kate. Naaawa ito sa nakikitang paghihirap ni Keith.