CHAPTER TWENTY TWO: Why do we always hurt the ones we love
Sa huling gabi ng team building seminar ay isang social gathering ang inihanda ng mga organizers para sa mga empleyado, na ginanap sa Highlander Steakhouse ng nasabing country club. Nakahain sa buffet table ang masasarap na pagkain. Nakahanda na rin ang mini stage para sa imbitadong banda na Freestyle, naglaan na rin ng espasyo para sa dance floor. Party party lang ang peg ng mga empleyado ngayon.
Nang matipon na ang lahat ng empleyado ay sinimulan na ang kasiyahan. Nagbigay ng kanya-kanyang pananalita ang dalawang batang-batang engineers na pinalakpakan naman ng mga empleyado. Binuksan na rin ang buffet table para sa masarap na hapunan.
“Good evening everyone! Are you ready to party!”, masiglang announcement ng inhouse Dj. Tapos ng kumain ang lahat at mukhang in the mood ng magparty. Sabay sabay naghiyawan ang mga empleyado at lalo pang naging party ang mood ng patugtuging ng Dj ang musika ni Jennifer Lopez na “Dance Again”. Muli na namang nag-ingay ang mga empleyado at naki-indak sa musika kahit nakaupo pa sa kanya-kanyang upuan. Tila nagbalik sa high school ang mga participants. Mas lalong naging hype ang mood ng isunod ng Dj ang “Starships” ni Nicki Minaj.
“The dance floor is now open! LET’s PARTY!!!”, muling sigaw ng Dj at unti-unti na ngang napuno ang dancefloor.
Tumayo si Kate at hinila ang boyfriend para sumayaw, game namang tumayo si Mark at nagpunta sa dancefloor. Mukhang naingit naman si Keith at inaya nito si Trish, medyo hesistant pa ang dalaga na makipag-sayaw subalit ng maisip na maiiwan sya sa table nila na si Stan lang ang kasama ay kaagad din itong pumayag. Naiwan si Stan sa upuan nito na pinapanood lang ang mga kasama. May dumaan na waiter sa tabihan nito na may dalang isang tray na puno ng beer. Tinawag niya ito at kumuha ng dalawang bote, mukhang wala siyang gagawin ngayon kundi ang iinom ang ligalig na damdamin.
Sa dance floor ay masayang nagsasayaw ang magkakaibigan. Tawang-tawa si Trish sa mga dance step na ginagawa ni Keith, tila nagpapakitang gilas ang binata. Naisipan naman makipag-showdown ni Mark na parehas namang kaliwa ang paa. Napapakamot na lang sa ulo nito si Kate na tila nahihiya sa ginagawa ng boyfriend. Ganunpaman, Masaya pa ring tinapos ng magkakaibigan ang sumunod na tugtog bago bumalik sa kanilang table.
Nang makabalik na ang magkakaibigan ay wala na sa upuan nito si Stan. Pasimple itong hinanap ni Trish sa paligid ngunit hindi niya makita ang binata subalit nakita naman ni Trish ang tatlong bote ng beer na wala ng laman sa tapat ng inupuan ni Stan kanina.
Asan na kaya yon!, tanong ng dalaga sa kanyang isipan.
Tinawag ni Keith ang isang waiter na may dalang iba’t-ibang uri ng drinks. Kumuha ng tig-isang beer sina Keith at Mark samantalang ladies drink naman ang kina Trish at Kate. Ilang tugtog pa ang umere bago muling nagsalita ang Dj para ipakilala ang imbitadong banda.
“Folks.. Let’s give it up for... The Freestyle!” at umere ang unang kanta ng banda.
Freestyle Band singing:
“Each time the wind blows, I hear your voice so
I call your name...
Whispers at morning, Our love is dawning
Heaven’s glad you came...
You Know how I feel, This things can’t go wrong
I’m so proud to say I love you...