Blando's POV
Nag-isip isip ako kung ano ang marahil na gawin upang matagpuan ko si Javier.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit siya nagkakaganun ngunit alam ko na ito'y importante.
Nandito kami ngayon sa labas ng classroom upang magpahangin-hangin kasama ang mga kaibigan ko.
"Blands, bakit kaya ganun umasta si Javier kanina?" Tanong sakin ni Kristian.
"Hindi ko din alam eh. Pero alam kong may mahalaga siyang dahilan. Sana." Mahina kong bulong sa aking sarili.
Kung titignan mo kanina ang itsura niya, mukha siyang balisa na hindi ko malaman.
"Hanapin kaya natin siya tutal wala naman tayong natutulong sa mga kagrupo natin." Singit naman ni Yuan.
"Tumahimik ka nga, di ka nakakatulong eh." Angal naman ni Ignite.
"Eto naman, parang di na mabiro. " Pabalang na sagot ni Yuan.
"Tama na nga. Mauna na kayo at magpapaalam lang ako sa mga kagrupo natin para hanapin si Javier. " Sabi ko.
"Uhm basta sumunod ka Paul ha. " May halong pagbabanta ni Yuan.
"Oo na oo na. Mauna na muna kayo. " Pag-apruba ko ng kanyang suhestiyon.
Naglakad na ako pabalik ng classroom ngunit may narinig akong kaluskos galing sa kanan na parte ng kabilang silid.
Dahan-dahan ko itong pinuntahan ngunit sa kasamaang palad may nakita ako.
Itim. Itim siya.
Nagulat ako nang may tumalon na pusa. Pusa lang pala.
"Psssttt. " May narinig akong tumatawag sa akin.
Medyo may kalayuan ang kinakatayuan ko ngayon sa aming classroom.
Nanindig nalang ang balahibo ko sa narinig kung iyon. Paulit ulit hanggang sa--
"Paul, bakit ang tagal mo. Diba magpapaalam ka lang naman? " Angal ni Ignite.
"Kanina pa kami dun oh. " Sabay turo niya sa kanilang kinaroroonan.
Nakita ko namang kumaway si Yuan habang may nilalaro naman si Kristian sa kanyang iPhone.
"Halika na nga, sasamahan na kita. " Pagpukaw ni Ignite sa aking atensyon.
Tumango nalang ako upang magsilbing pagsang-ayon.
Narating agad namin ni Ignite ang classroom. Maingay ito at marami nang nagpapahinga dulot ng pagod sa paggawa ng isang proyekto.
"Hay nako. Ang hirap talagang mag-aral sa ganitong kaprestihiyosong paaralan." Saad ni Nicole.
Marami ang sumang-ayon dito at nadagdagan ng ingay ang buong kapaligiran.
"Kaya nga. Ano ba yan? Kung wala lang sana dito si ano, hindi ako mag-aaral dito." Mabilis na pagsabi ni Kate.
Marami ang nagkantiyawan sa kanilang dalawa ni Ignite.
"Ehem, edi kayo na ang may poreber. " Pabirong sabi ni Julie.
Natawa naman kami at bumaling ako kay Riane na tumatawa rin.
YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)