Arman's POV
Palakad-lakad na lamang ako sa loob ng silid na aming tinutuluyan. Naghihintay kung ano ang nangyayari at mga mangyayari. Nakakatakot na talaga, pero hindi ito dahilan para sumuko ako, sumuko kami.
"Arman, tama na nga 'yan. Nahihilo ako eh, " naiiritang pahayag ni Nosy. "Pasensiya na," maikling tugon ko.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin. Kami lamang ni Nosy ngayon ang nasa loob ng silid na ito at ang iba hay hindi ko alam kung saan nagpunta.
Litong-lito na ako. Sino ba talaga ang pumapatay? Malapit ba sa akin o hindi? Babae ba o lalaki? O pwede ding parehas?
Basta, naguguluhan na ako.
"Arman, sa tingin mo ba, makakalabas tayo dito, " malungkot na pahayag ni Nosy. Nabigla ako sa mabilis na pagbago ng ekspresyon nito.
"Tiwala lang, Nosy. Tiwala lang. Hindi tayo susuko, lalaban tayo hanggang sa huli, " pagpapalakas ko ng loob sa kanya ngunit sa kaloob-looban ko ay hinang-hina na ako.
"Paano mo yan masasabi ha?!" iyak na tugon nito. "Unti-unti na tayong nauubos, Arman. Tanggapin nalang natin na wala na talaga. Mamatay na tayo. Kung hindi man ngayon, baka mamaya, baka sa susunod na oras. Ayoko na, Arman. Sawang-sawa na ako sa pagiging matatag," napaiyak nalang din ako sa mga sinabi ni Nosy.
Alam kong may punto siya. Puntong kailanman ay maaaring maging reyalidad.
"Isipin mo nalang ang pamilyang naghihintay sayo. Alam ko namang nahihirapan ka na pero mas lalo mong bibigyan ang killer ng dahilan upang patayin ka nang una, at yun ay ang pagiging duwag, " malungkot ngunit may halong galit kong sabi.
Nabigla nalang ako nang tabigin ako ni Nosy. "Anong karapatan mong sabihin akong duwag?! Wala kang alam, Arman. Mahirap mag-isa lalo na nung nawala ang pinakamalalapit kong kaibigan. Hindi mo yun nararamdaman dahil wala kang pakiramdam!" galit na tugon niya sa akin.
"Anong wala?! Alam mo namang natatakot din ako sa maaaring mangyari! Wag mong sarilihin ang lahat nang sakit, Nosy. Minsan na din akong nawalan pero hindi ko hahayaang may mawala pa sa atin ngayon, " pagtatapos kong sabi.
"Hindi mo ako naiintindihan. " mahinang bulonh niya. "Sa lahat nang nangyari sa atin, may nagawa ka ba? May ginawa ka ba?! Diba wala, kaya wag mo akong papangakuan ng walang kwentang bagay na yan! " tugon ni Nosy at tumakbo na siya palabas ng silid.
Kahit gaano man kasakit ang mga sinabi niya sa akin, aaminin ko, naging tamad at duwag ako sa paghahanap sa killer dahil baka ako ang isunod niya, pero ang pangakong binitawan ko kanina, sisiguraduhin kong matutupad 'yon.
Sinundan ko si Nosy dahil baka mawala 'yon at baka siya na----. Hindi. Mali ang iniisip ko.
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa may pumatid sa akin dahilan kung bakit napahiga ako sa lupa.
"Aray," sabay tingin ko sa aking paa na kumikirot ngayon. Nagpalinga-linga ako sa paligid kung ano ang dahilan ng aking pagkatumba.
"Tela?"
"Oo, Arman. Tela, simbolismo sa aking sarili at oo na rin, ikaw na ang susunod. Akala mo ha makakaligtas ka sakin. Narinig ko lahat nang mga sinabi mo na magiging matatag ka, ililigtas mo sila, magpapakabayani ka at blah blah blah. Ang dami nun eh, ewan ko lang kung matupad mo pa lahat ng mga yun. " wika niya sabay tingin sa akin nang nakakapangilabot.
Siya ba 'to?
"Anong gusto mo?! Papatayin mo rin ba ako gaya nang pagpatay mo sa kanila o mas brutal pa dun? Sabihin mo lang, para maging handa ako. " pagpapalusot ko upang sumunod siya sa akin pero hindi ako papatalo sa kanya, mamamatay muna siya bago niya ako mapatay.
Hindi niya ako pinansin at nagbilang siya. "Isa, Arman takbo na. Dalawa, Arman isip na." sabi niya sabay ng paghanap ko ng tamang oras para makalayo sa kanya. Papatakbo na sana ako nang may tumusok sa aking ulo. "Tatlo, Arman patay na!" mga huling katagang binitawan niya bago ako tuluyang nalagutan ng hininga.
Someone's POV
"Aw, nakakalungkot naman at hanggang dito kalang talaga, Arman. Nagbilang ako pero hindi ka tumakbo agad eh. Sayang ang oras, " sabi ko sabay tingin sa kanyang bangkay na may palakol sa ulo.
"Mabuti nga at nahati ko ang matigas mong ulo, " sabi ng taong nasa gilid ko ngayon. Tinapik ko siya bilang pagsang-ayon. "Ang dami mong napatay ngayon ah. Good job, " nakangiti kong tugon.
"Syempre naman, para matapos na 'to at makaligtas na tayong dalawa. Alam mo naman, magandang maging survivor, " nakangiti din niyang pahayag.
Nilipat ko ang tingin ko sa kanya at mahinang bumulong. "Yun ang maling-maling. "

YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)