Third Person's POV
Kahit anong hirap at pagod ang kinakaharap ng mga magkakaklase ay patuloy lang sila sa pagtitiwalang may pag-asa pa silang makalabas sa impyernong hindi nila lubos maisip na mangyayari sa kanila. Na makakaranas sila ng kalunos-lunos na pangyayari, sa loob pa mismo ng kanilang itinuturing na tahanan.
Tahanan na wala silang kasiguraduhan kung lahat sa kanila'y pareho ang turingan. Tahanan na ni minsan ay hindi pa nasusubok kung gaano katibay ang pundasyon ng kanilang samahan. Pero ngayo'y sinusubok na ang kanilang kapalaran. Na maaari pa nilang maging libingan.
Ngunit hindi lahat ng nakikita ng iyong paningin ay katotohanan, maaaring maging taliwas ito sa ating inaasahan.
Sa kabilang banda, abalang-abala ang mga natitirang magkakaibigan sa paghuhukay ng daan na maaari nilang maging lagusan. Kahit madilim na at tanging ilaw lang ng buwan ang gumagabay sa kanila ay patuloy lang sila sa kanilang ginagawa dahil sa labis na pag-aasam na makalabas ng buhay.
"Nasaan na kaya sila? Mukhang kanina pa tayo naghihintay dito ah." biglang pagbasag ni Tessa sa katahimikang bumabalot sa kanila.
"Baka may nangyari na sa kanila. Wag na tayong umasang darating pa sila." seryosong sambit ni Javier.
Hindi alam ni Tessa kung ano ang dapat maramdaman niya sa mga salitang binitawan ng kaniyang kasamahan. Magagalit ba siya o maniniwala na lang din sa posibilidad na hindi niya maitatangging iyon din ang nasa isip niya.
"Yan, okay ka lang?" tanong ni Tessa sa kaharap niyang si Riane nang mapansin niyang kanina pa ito walang kibo na para bang may malalim na iniisip.
Napahinga ito ng malalim at napabuntong hininga na lamang ng mahalata niyang wala itong balak sagutin siya.
Napasapo na lamang siya sa kaniyang nio nang maisip niyang mukhang mali ang kaniyang nasabi.
"Huwag kang mag-alala, Yan. Kung tungkol yan kay Kate, siguradong nasa langit na siya ngayon at masayang masaya na dahil payapa na ang kaniyang buhay. Wala na siyang kaba at takot na mararamdaman at hindi na siya iiyak sa sakit na dulot ng pagsilay sa mga bangkay na minsan nang naging parte ng ating buhay. At isa pa, kasama naman niya si Ignite doon. Siguradong walang araw, oras, minuto na hindi siya masay---" hindi na napatapos ni Tessa ang gusto niyang sabihin nang makarinig siya ng yapak ng mga paa.
Pati si Javier ay naalerto at ang kaninang tulalang si Riane ay nabalot na ng takot at pangamba.
Hindi man sila sigurado kung papunta nga sa kanila yun, ay nagtago parin sila sa isang gilid kung saan hindi sila makikita. Nang marinig nilang tumigil na ito sa paglalakad ay napagdesisyonan nilang silipin kung sino nga ba talaga ang mga ito.
"Kayo? Mga wala kayong awa! Pina---" hindi napatapos ni Tessa ang sasabihin ng bigla nilang tinakpan ang bibig nitong nagpupumiglas.
Riane's POV
Pwede bang mamatay nalang agad? Pwede bang mawalan nalang ng hininga o mauntog na lang sa pader, o di kaya'y mahulog na lang sa isang gusali? Pwede bang ganoon na lang kasimple mamatay?
Bakit ba kailangan pa naming pagdaanan ang ganitong klase ng kaganapan? Kaganapan na hindi namin alam kung kaya pa namin ipakita ang aming katapangan.
"Nosy sshhh, tahan na. Huwag mo ngang sisihin 'yang sarili mo." pagpapatahan ni Don kay Nosy na halos hindi na makasalita dahil sa kakaiyak.
Kasalukuyan kaming nasa iisang silid na lubusan ng nilamon ng dilim.
Para kaming pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa bago na namang karahasang nangyari at sa kadahilanang isa na naman sa amin ang pinatay.
YOU ARE READING
You're Next
Mysterie / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)