Yuan's POV
Dumidilim na at mukhang lumalakas ang ulan, pero nandito pa rin kami sa school. Parang, parang may mali. At naghihinayang talaga ako kung bakit bigla-bigla nalang sumusulpot at nawawala yung mokong na 'yon. May problema ba kung binuksan namin yun? May mawawala ba? Diba wala?! Pwera nalang kung.....
May ITINATAGO siya samin. Ano yun? May pagka-mysterious effect pa siya ah.
" Ano bang kailangan mo?" sigaw ko dahil sa sobrang inis. Eh sino bang hindi magagalit kung kanina pang may kumakalabit dito sa gilid ko.
" Yu, gusto mo bang sumama?" pabulong na tanong ni Kristian sa akin.
"Ano na namang kalokohan 'yan?" pabulong ko ring tanong.
"Grabe ah. Kalokohan agad? Mukha mo namang ipinamumukha saming mga BI kami." singit ni Ignite.
" O sige sige na nga. May choice pa ba ako at tsaka, boring narin naman siguro dun. Kaya tara." sagot ko na naging dahilan ng pag ingay nila.
Akmang lalakad na kami nang nagsalita si Arman.
"Oy, saan kayo pupunta?" tanong ni Arman.
" Iihi lang naman kami Man. Don't worry, saglit lang 'to promise." pagdadahilan ni Santo.
" So pag iihi, kailangang by group? O siya siya, basta diretso nalang kayo dun ah." paalala niya.
Naglakad na kami papunta sa aming lugar na patutunguhan.
Nagulat ako ng ibang direksyon ang tinahak namin.
"Akala ko ba iihi kayo? Ba't tayo nandito sa guard house? Kung kukuha kayo ng susi, eh wag na kasi buka------". Hindi ko na tinapos ang aking sasabihin dahil may tumakip sa aking bibig.
"Sshhh Yuan naman, wag kang maingay. Ang slow mo talaga kahit minsan. Hindi tayo pupunta sa CR ok? May kukunin lang tayong mga gamit para sa ating palabas." paliwanag ni Blando.
Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang sasabog na si Blando sa inis kahit maraming naglalarong tanong ang nabubuo sa aking isip.
Dahan dahan kaming naglakad patungong likod ng guard house at agad pumasok sa isang pinto na nakakonekta pa rin dito.
Sa pagbukas ng pintuan ay agad nilang tinungo ang isang kahon na malapit sa isang bintana at agad hinukay ang mga laman, habang ako'y nakatunganga lamang sa kanila.
" Uy, aanhin naman natin yung mga yan? Eh malayo pa ang Halloween, September palang ah." tanong ko kay Ignite na siyang naghahalungkat ng mga gamit na gagamitin daw namin.
" Basta nga gagamitin natin yan mamaya. At kaysa tumunganga ka diyan eh try mong tumulong dito." sagot naman ni Kristian.
" Ay naiihi nga pala ako prends. CR muna ako at babalik rin kaagad." paalam ko at agad na umalis.
Sa totoo lang, hindi ako tumakas para hindi ako pag-utusan, totoo naman talagang naiihi na talaga ako.
Humanap ako ng madilim na parte at dito piniling umihi dahil malayo pa ang CR ng boys.
" Hay salamat" bulong ko sa aking sarili pagkatapos kong umihi.
Habang inaayos ko ang aking zipper ay may naramdaman akong basang tumutulo sa aking balikat. Hinawakan ko ito at----ang lapot.
Kinuha ko ang aking cellphone at tinutukan ito ng flashlight. Dugo lang pala, akal------------" Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh" sigaw ko sabay takbo.
Ba't naman may dugo doon? At sa puno pa nanggaling?
Tumakbo ako pabalik sa aking kasamahan habang lumilingon sa aking pinanggalingan dahil sa aking pagkabigla.
*Boooooggssshhh*
"Aray naman, ang sakit non ah." reklamo ko dahil sa pagkatumba na sanhi ng sariling katangahan.
"Oh Yuan nay problema ba? Ba't ka sumigaw?" alalang tanong nila.
Ano sasabihin ko? Isip Yuan. Isip Yuan dali.
" Ahh ehh... Wala lang, ginagaya ko lang yung mga girls kung pano sila magulat. Alam niyo naman mga OA, ang sarap pagtripan." pagsisinungaling ko.
" Hahahahahahaha nice Yu. Ang galing mo nga eh, parang totoo kaya dali dali ka naming hinanap." sabat ni Santo sa sarkastikong tono.
" Oo nga, napaniwala mo nga kami eh. Oh siya, dalian na natin at baka nag-aalala na sila." ani ni Blando.
Tama bang nagsinungaling ako sa kanila? Tama bang nilihim ko ang nasilayan ko? Pero tama na rin siguro ang desisyon kong 'to upang walang mabahala, lalo na siya.
Riane's POV
Wow. Just. Wow.
Ang galing talaga ng mga boys noh? Irarason nilang hinahanap nila si Javier upang makatakas sa gawain. At kanina lang, si Arman lang ang bumalik dahil nagpaalam silang magcr eh kanina pa yun ah! At gumagabi na oh! Wala pa namang jeep nito pauwi sa amin.
" Guys ligpit na tayo. Bukas nalang natin ipagpatuloy. Kawawa naman kasi yung iba, malayo pa yung inuuwian." concerned na sabi ni Tesa.
" Ay oo nga 'no. Hala gabi na pala! Hindi ko na namalayan yung oras, hilong-hilo na talaga ako prends." sabi ni Nicole habang nakapikit ang mga mata.
" Nics hindi ka nag-iisa, tandaan mo yan." sabi naman ni Daphne habang nagliligpit.
" Ay Yan, pasama naman ako doon sa faculty, ilalagay ko na 'tong natapos naming paper works." sabi ni Kate na tinanguan ko nalang bilang tugon.
" Daph punta muna kaming faculty ha?" paalam namin ni Kate.
Naglakad na kami ni Kate papuntang faculty. Grabe bakit ba ang layo nito sa room namin.
Mabilis kaming nakapunta sa faculty dahil sa mismong pagmamadali namin.
" Dalian mo Kate. Ilapag mo nalang kasi diyan." iritado kong sabi kay Kate. Kahit minsan talaga, ang babaeng to oh!
" Oh tara na. Pag iyan nawala ik-------" hindi na niya pinatapos ang kaniyang sasabihin dahil sa di-inaasahang ingay ang narinig namin.
" Yan sino 'yon?" pabulong na sabi ng katabi kong 'to.
Sunod-sunod na sigaw at mga palahaw ang aming narinig, na sigurado akong galing sa aming mga kaklase.
Sa aming pagkatakot ay agad agad naman kaming tumakbo papasok muli sa faculty dahil ito ang mas malapit at tiyak na walang mangyayaring masama sa amin dito.
Pipihitin ko na sana ang door knob papasok sa loob nang biglang may nangyaring hindi kapani paniwala.

YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)