Chapter 21

88 12 37
                                    

Third Person's POV

Hindi mapakali ang ilan sa mga kasamahan nina Blando habang tinatahak ang pasilyo pabalik sa kanilang silid. 

Ang iba'y nagluluksa parin sa nasapit ng kanilang yumaong mga kaibigan. 

Kaibigan? 

Alam pa ba nila ang kahulugan nito? May maituturing pa kaya silang tunay na kaibigan?

Mangilan-ngilan sa kanila'y nag-aalala sa kaligtasan ng bawat isa. Pero ang iba'y sinasarili ang mga binabalak sa kanilang mga isipan dahil hindi ito sigurado kung sino nga ba ang mapagkakatiwalaan sa mga ito. 

"Aray, ano ba 'yan?" mahinang angal ni Stella sa kaharap niyang si Arman nang bigla itong tumigil sa paglalakad. 

 Hindi siya pinansin ni Arman na abala sa pagtitig sa isang bagay na animo'y may sinisiyasat.

Bigla rin namang napatigil ang iba nang napatingin sila sa iisang direksiyon. Nagtaka naman si Stella sa inasal nila kaya sinundan niya ng tingin kung saan nakasulyap ang lahat. 

Sa totoo lang, hindi naman siya interesado sa mga ito, pero dala narin siguro ng kuryusidad kaya niya ito tinignan. 

Walang ano-ano'y napaatras ito at nanginginig sa kinatatayuan habang nagtatago sa gilid ng isang pader gaya ng iba. 

Hindi niya, nila alam kung ano ang dapat na gawin. Litong-lito sila kung lalapitan ba nila ito o mananatili lang sa kanilang puwesto habang tinititigan ang isang anino na para bang may hinahanap sa bandang likod ng stage. 

Ngunit natigilan sila sa pag-aabang sa susunod na gagawin ng misteryosong taong iyon, dahil sa isang matinis na tili na sinundan pa ng sunod-sunod na palahaw na nagpabalot sa kanila ng malamig na hangin. 

Agaran nilang tinungo ang pinanggalingan ng ingay at tiyak nilang galing sa mga nagpaiwan nilang kasamahan iyon.

Nagulantang naman ang taong kanina pa nila binabantayan nang marinig rin niya ito.



"Mahahanap rin kita." dismayado nitong sabi. " At sisiguraduhin kong, mamamatay ang may sala." dagdag pa nito sabay lakad pababa. 

Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang may mapansin siyang taong pinapanood siya.

"J ---jav--javier." bulong nito sa hangin. 

Ngunit taliwas sa kaniyang inaasahan ay nginisian lang siya nito at naglakad papalayo na lubos niyang ikinaba.  


Hannah's POV

Takbo kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa aming silid. Maraming konklusyon ang namumuo sa aking isipan. Konklusyong pinipilit kong tanggalin at iwasang isipin.

Ngunit mukhang nakatatak na sa aking isipan na sa bawat tili na aking maririnig ay may malagim na mangyayari.

Pagbukas na pagbukas palang ng pintuan ay agad akong nanlumo sa nakita at unti-unting napaluhod kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha.

Totoo ba 'to o sadyang imahinasyon ko lamang?

Pero hindi eh. Ang walang humpay na pag-iyak ng aking mga kasamahan ang nagpapatunay na totoo 'tong nakikita ko. Na pinatay na naman ang dalawa kong kaibigan. 

Wala na sila. Wala na sina Aira at Leigh.

Pero sino namang walang pusong nilalang ang gagawa nito sa kanila? Ang tanong eh, tao pa ba ang may gawa nito? Halos madurog na ang puso ko sa nakikita ko sa loob ng silid na ito.

You're NextWhere stories live. Discover now