Chapter 37

66 4 36
                                    

Nosy's POV

"Wala na talaga kayong kawala sa akin! Matapos niyong malaman na isa ako sa pumapatay, asahan niyong walang matitira sa inyo!" matigas na tugon ni Yuan na ani mo'y isang demonyo mula sa malayo.

Nanggigitgit naman ako sa sobrang galit at kasabay na rin ng unti unting paghina ng katawan ko. Siguro'y may lason ito kaya't mabilis akong mawalan ng enerhiya.

"Tess, tumakas ka na, hindi na ako magtatagal dito. Iligtas mo na ang sarili mo." kasabay nun ang malakas na patak ng ulan at nakakatakot na kidlat na may kasamang kulog.

Hinang-hina na talaga ako. Shit! Ayoko pang mamatay.

"Hindi pwede, Nosy. " sabi naman ni Tessa pagkatapos hinawakan niya ang aking binti kung saan ako natamaan.

May lumandas na mainit na likido sa kanyang mukha dahilan kung bakit nanlambot ako.

"Sana naprotektahan kita para di kana mahirapan ng ganito. " tugon niya.

"Ano ka ba?! Tumakas ka na dito! Iligtas mo ang sarili mo. Gawin mo lahat, mabuhay ka lang, Tessa." hindi ko na talaga kaya pero gagawin ko ang lahat para may makaligtas manlang sa amin.

Itinulak ko siya ng marahas mula sa pagkakaluhod niya upang makapantay sa akin. Basang-basa na kami pero damang dama ko na umiiyak siya.

"Iwanan mo na ako dito! "

"Hindi ko kaya!"

"Mapapahamak ka lang! "

"Yun nga eh, maraming napapahamak dahil sa akin!" at dahil dun, may narinig kaming kaluskos.

Malapit na siya.

"Ano yun? Mamamatay na ba ako?" tanong ko dahil alam kong ako na ang susunod. Parang mababaliw na yata ako.

"Nosy, halikana, aakayin nalang kita."

"Hindi!" matigas kong sabi.

"Iwanan mo na ako dito. Madadamay ka lang!" at itinulak ko siya palayo. "ALIS! ALIS! UMALIS KA NA!! BILIS TUMAKBO KA, ILIGTAS MO ANG SARILI MO! " hindi ko alam kung saan ko nakuha ang aking lakas ng loob para paalisin si Tessa at harapin ang lahat ng ito.

"Wag kang mag-alala Nosy, babalik ako. Hihingi lang ako ng tulong. Mag-ingat ka." at doon na talaga siya humagulgol kasama ang paglaho niya sa kadiliman.

"Ano?! Alam kong nandiyan ka lang!! Lumabas ka!" sigaw ko kahit hinang-hina na ako.

Anong akala niya? Magpapatalo ako? Pwes, hindi.

Kumuha ako ng kahoy at sinubukang tumayo. Alam kong anumang oras, maaari akong maglumpasay dito.

"Harapin mo akong hayop ka! Taksil ka, Yuan! Ano bang nagawa namin at pinapatay mo kami?! Wala kang awa!" naghihikahos kong sabi.

Lumitaw siya mula sa isang puno at ngumiti siya ng nakakaloko. Basang-basa na rin siya at hindi mo makikilala ang dating Yuan na ipinakita niya sa amin.

Itinago ko ang aking kahoy at unti unting lumalayo sa kanya.

"Alam mo ba? Meron pang tao sa loob ng isang Yuan." sabi niya habang papalapit ng papalapit sa akin.

"Ano?" halos walang lakas kong tugon.

"It's a Monster." pabulong niyang wika.

Tumindig naman ang balahibo ko dun at sinubukang makalayo sa kanya kahit ika-ika.

Tiningnan ko siya mula sa likod ngunit wala akong makita. Yuan? Saan ka?

Tumakbo nang tumakbo pa ako kahit mahirap na para sa akin. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako.

"Tulong!! Ahhhhhh" hapo kong sigaw. Ang sakit na ng sugat ko.

"Wala nang tutulong sayo!!" hindi ko na namalayang nasa harapan ko na siya.

"Ahhhh layuan mo ako. Tulong!!!"

"Walang makakarinig sayo lalo na't oras mo na. Mamamatay ka na, Nosy!" at dun na siya humalakhak ng tuluyan.

Hindi ito ang Yuan na nakilala namin. Pero totoo ngang nag-iiba ang tao.

"Hindi ako magpapatalo sayo!" at sinipa ko siya sa tuhod dahilan kung bakit napahiga siya at nasinubukan kong tumakbo.

"Ahhh." sigaw niya sa sakit.

Hapong hapo akong tumayo at tumakbo kahit mahirap.

"Walang nakakatakas sa akin!"

Napahiga nalang ako dahil sa sugat na natamo ko dahil sa pagkakatisod. "Ahhhh,  ang sakit!"

Tumawa naman siya at ang naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking mga paa. Shit.

Sinipa ko siya ng sinipa hanggang sa mapagod ako.

May naramdamam naman akong masakit na tumusok sa aking binti. "Ughhh!!! Tama na! Itigil mo na 'to!" kasabay nun ay nahugutan na ako ng hininga, hindi dahil sa may may tumusok sa akin kundi dahil sa balang lumandas papunta sa aking puso.


Killer's POV

BOOGSH!

"Isang bala ka lang!" sabi ko habang iniihipan ang usok na galing sa aking baril.

Tinapos ko na kaagad para ang iba naman ang masunod namin.

"Muntikan ka na dun ah. Ano bang nangyari sayo at bakit parang humina ka yata, Yuan?"

"Sana malaman mong ang dami ko nang napatay habang ikaw? Saan ka?!" Aba, kaya na akong pagtaasan ng boses ng isang 'to ah. Tingnan lang natin.

"Oh! Easy lang!" at tinulungan ko na siyang tumayo.

"Pahiram," sabi niya sabay extend ng kanyang kamay. Tiningnan ko naman ito at nakita kong gusto niyang hiramin ang isang mahabang kutsilyo sa akin. "PAHIRAM!" sigaw niya pa.

Ibinigay ko naman sa kanya.

"AHHHH!  PINAHIRAPAN MO 'KO!" at pinagtataga na niya si Nosy. Nanlaki naman ang mata ko at tumawa ng bahagya. Ayaw talagang magpatalo ng Yuan na 'to.

"Kadiri ka" sabi ko nang naiirita kasi tumatalsik ang dugo ni Nosy at nakita kong hindi na siya makilala.

Labas ang mga mata nito at buka ang tiyan. Nakikita ko ang mga laman niya. Hayop ka talaga, Yuan.

Hapong hapong napaupo si Yuan habang tumatawa.

"Akala ko, ako na ang susunod kanina." bahagya akong natawa sa kanyang sinabing yun.

You're NextWhere stories live. Discover now