Jasmine's POV
Hindi na muna kami sumama sa iba naming mga kaklase dahil sa labis na paghihinagpis nila sa pagkamatay ni Pau pau.
Masakit din sa amin ang nagyaring iyon at talagang puno na ng kapangi-pangilabot na mga pangyayari ang eskwelahang ito.
Tinawag ako ni Alec na kasaluluyang naghahanap ng libro sa library ng aming paaralan.
"Jas, halika nga dito" sabi niya sa akin sabay ayos ng kanyang salamin.
Itinuro niya ang gusto niyang ipakita sa akin at iyon ay tungkol sa mga impormasyong may kaugnayan sa paaralan namin dati. Baka makakita kami ng pruweba kung sino ang killer katulad ng mga nababasa ko sa mga libro.
"Alec, Jas, baka sa dulong bahagi ng library natin makikita ang mga impormasyon" suhestiyon naman ni Wannah.
"Sige, subukan natin" pagsang-ayon naman ni Alec.
Sumunod na lamang ako dahil baka maiwan pa ako dito.
Baka may mangyari pa.
Habang naglalakad kami papuntang dulong bahagi ng library, may napansin akong ingay sa labas ngunit hindi nalang ako nag-isip pa dahil baka mga kaklase lang namin iyon.
Mahaba-habang oras ang iginugol namin sa paghahanap ng libro ngunit wala talagang impormasyon kaming nasagap.
Bigo. Yan ang makikita sa aming mga mukha ngayon.
"Tapos na ba kayo?" mapaglarong tanong ng kaklase namin sa bandang likuran.
"Hindi pa nga eh" sabi ko sabay kamot ng aking ulo.
Paano pala siya nakapunta dito?
"Uy tulungan mo naman kami oh" saad naman ni Wannah sabay tapik sa balikat nito.
"At bakit naman?" biglang sumeryoso ang kanyang mukha.
Hindi ako nagkakamali. Siya iyon. Siya ang killer.
Akala ko hindi niya magagawa iyon. May hinala na talaga ako pagkatapos namatay ni Pau pau.
"Takbo" sigaw ko kina Alec at Wannah sabay hila sa kanila papuntang labasan. Malapit na talaga kami nang biglang sumara ito.
Napatay rin ang mga ilaw at unti-unti kaming nabalot ng takot.
"Wag kayong mag-alala guys. Nandito ako" matapang na tugon ni Alec.
"Shhhh. Wag kayong maingay, maririnig niya tayo" pagpapatigil ko sa kung ano man ang gustong sabihin nila.
"Ready na ba kayo o gusto niyo pa munang maglaro. Sa ayaw at gusto niyo, maglalaro tayo ng HABULAN" nakakapanindig balahibong tugon ng taong nasa harap namin ngayon.
Hindi kami umimik at pinakinggan lang namin ang mga susunod pa niyang sasabihin.
"Tama na muna yan sa pag-aaral, maglaro nalang muna tayo" sabi niya sabay halakhak ng pagkalakas-lakas.
Nakita ko si Wannah na balisang-balisa. Nais ko sana siyang tulungan ngunit bigla siyang nagtatatakbo papunta sa killer at hinampas ito.
Alerto naman ang killer at biglang sinaksak si Wannah sa kaliwang dibdib at tinusok pa ito ng tinusok.
Hindi naman nakapagpigil si Alec at pinuntahan niya ang killer at hinampas ng isang vase. Nakaiwas ito at biglang may kung anong bagay na pinaamoy niya kay Alec dahilan ng pagkahimatay ni Alec.

YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)