Tessa's POV
Gulong gulo na ako sa mga pangyayari. Naalala ko pa noon na tinangka akong patayin ni Cheurlette subalit siya yung napahamak. Tandang-tanda ko rin yung anino nang pumatay kay Cheurlette ay parang lalake. Kaya may hinala ako sa mga natitirang buhay na mga lalake na isa sa kanila ang killer. Kung minsan napapansin ko na nawawala si Javier at Yuan. Hindi kaya silang dalawa? Sana.
Someone's POV
Kanina ko pa pinagmamasdan si Hannah. Malalim ang kanyang iniisip pero hindi ako maaawa. Nakapagdesisyon na ako na siya ang susunod. Nilagyan ko na ng X ang kanyang pangalan. Ano kaya ang pwedeng gawin? Di ako ready ngayon.
Nakatalikod siya saakin.
Unti- unti akong lumapit sakanya at tinakpan ko ang kanyang mga bibig. Sumigaw siya ngunit bigla siyang nahimatay.
Ano kaya ang mararamdaman ni Arman sa gagawin ko? Kawawa naman. AHAHAHA.
Tumungo kami sa pinakasulok ng paaralan para masigurado ko na walang makakakita.
Antagal naman gumising ng babaeng 'to. Mabato nga ng bato.
"Aray!" sigaw niya at tinakpan ko nang mahigpit ang kanyang bibig.
"Wag kang maingay."sabi ko na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakatakip sa kanyang bibig.
"Ikaw? Ikaw ang killer?" nagtatakang tanong niya.
"Oo. Ako nga, may angal ka?"
Iginapos ko na ang kanyang paa at kamay sa isang upuan para hindi na 'to makagalaw. Mabuti nga at parang nanghihina na 'tong babaeng 'to.
"Yes. Any problem?" tanong ko nang di maalis ang masama niyang tingin sa akin. Nakakainis siya ha.
"Akala ko----" naputol ang kanyang sasabihin dahil sinampal ko siya ng bato at nawalan na naman siya nang malay. So weak.
Alam ko nang ang sasabihin ni Hannah kung pinatuloy niya iyon.
Habang walang malay ang mahinang 'to. Kinuha ko ang lubid na nakagapos sa kanya.
May naiisip na naman ako.
May puno sa gilid namin at doon ko iginapos ulit si Hannah at sa ibaba niya ay ang mga pako na matutulis. Kaya kung mahulog siya, mga pako ang sasalo sa kanya. Bye bye Hannah.
Hinintay ko siyang magising upang maging matagumpay ang aking plano.
"Please. Ibaba mo na ako dito." mangiyak-ngiyak na sabi nito.
"Gising na pala ang bruha." sabi ko.
"Please." pagmamakaawa niya.
"Sayang ang beauty mo pero paalam na." unti-unti ko siyang binaba gamit ang hawak kong lubid.
Dead.
Ganoon kabilis. Walang kapawis-pawis, walang kahirap-hirap. Hahanap nalang nga ako ng mas challenging.
"Yuck." may tumalsik sa aking dugo.
Habang ako ay naglalakad pabalik ng room kung saan kami mananatili, nakita ko sina Javier at Arman na nag-uusap.
Aba't saan naman galing ang dalawang iyon?
Wala na akong proproblemahin dahil may mahalaga pa akong dapat gawin.
Bahala na sila. Di naman nila ako makikilala.
Riane's POV
Kakabalik lang nila Arman at Javier sa classroom at meron ako nahahalata sa kanila. Nararamdaman ko na may mahalagang silang sasabihin.
"Guys, patay na si Stella." malungkot na tugon ni Arman.
Nagbulungan ang mga kaklase ko. Ang iba ay natatakot sa mga susunod pang mangyayari.
"At sina Christie at Hannah ay nawawala parin." sabi ni Javier.
"Feeling ko talaga ay lalaki ang killer." sabi ni Tessa.
At oo, nakabalik na siya.
"Paano mo nasabi Tess?"
"Noong pinagtangkaan akong patayin ni Cheurlette, may naramdaman akong humila sa kanya at siya ang pinatay. Pagkatapos, nakita ko ang kanyang anino at lalaki ito."
"Feeling ko din Tess." sabi ko.
Feeling lang naman. Hindi naman totoo.

YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)