Chapter 22

60 8 25
                                    

Third Person's POV

Kakaunti nalang ang natitirang estudyante, kakaunti nalang ang papatayin.


Kasalukuyang nagpupulong ang mga magkakaklase tungkol sa bangkay nina Leigh at Aira. Nagulat talaga sila sa balitang patay na ito dahil kabigla-bigla ang mga pangyayari.


Alam at aktibo na ang lahat maging ang killer pero ang ilang mga estudyante ay hindi papatalo at lalaban hanggang sa kamatayan.


Wala na rin silang dapat pagkatiwalaan maliban sa kanilang sarili ngunit hindi nila lubos maisip na isa sa kanilang mga kaharap ngayon ang pumapatay.


May isa namang estudyante sa loob ng classroom ang nag-iisip ng plano tungkol sa susunod na pagpaslang. Malapit na talaga. Malapit na ang panahon, paulit ulit na bulong ng salarin sa kanyang isipan.


Sa kabilang dako naman, patuloy na tumatakbo si Hannah palayo sa mga pangyayaring nagaganap. Pangyayaring pagpatay.


Litong-lito na talaga siya kung sino talaga. Litong-lito na siya kung tama talaga ang pinaghihinalaan niya.


Mabilis ang kanyang paghinga, tingin ng tingin kahit saan at hindi alam ang kanyang gagawin. Parang mababaliw na siya, nababaliw na si Hannah.


Kasalukuyan namang sumunod si Stella sa paghahanap sa kanya dahil nag-aalala ito sa kaklase. Takbo din siya ng takbo upang maabutan ang dilag.


"Nasaan ka na ba, Hannah?" Tanong nito sa kanyang sarili habang tinitignan ang distansya nila ni Hannah. Napagod na siya sa kakahanap at mukhang nakakalayo na ito.


"Sana, di ka nalang tumakbo Hannah. Sana, di ka nalang tumakas," dugtong pa nito habang nakatingin sa direksyon na tinakbuhan ni Hannah.


Nagpahinga muna si Stella dahil sa labis na pagod na naranasan sa kakahabol sa kaklase. Palingon-lingon din siya sa paligid. Sumandal siya sa pintuan ng isang Computer Laboratory na kung saan malayo sa kinaroroonan ng mga kaklase nito.


Bigla nalang may humablot sa kanya patungo sa loob. Laking gulat ni Stella nang makita niya ang killer.


"Anong gagawin mo sa 'kin?" mahinhing tugon nito. Napangisi naman ang pigurang nasa harap niya ngayon at bumunot ng isang kutsilyo.


"Edi, papatayin," mapaglaro niyang sabi sabay palibot ng kutsilyo sa mukha ni Stella.


Sinubukang makalabas ng dalaga ngunit huli na siya, nalock na ng killer ang laboratory. Pangisi-ngisi pa ito habanf ginagawa iyon.


Kasabay ng kanyang pagsarado ng pintuan ang pagsipa ni Stella sa paa nito upang mawalan ng balanse ngunit, sadyang napakalakas ng killer upang siya'y matumba.


Nawawalan na talaga ng pag-asang makakatakas pa si Stella at ang tanging nagawa nito ay ang pagdadasal.


"Huwag ako!" Malakas at naiiyak na tugon ng kawawang si Stella.


"Anong 'wag ikaw? Dinidiktahan mo ba ako?" Tanong killer kasabay ng pagsaksak ng killer sa tiyan ng dalaga.


Ngumiti ito kasabay ng palalim na palalim na saksak. Nakita niya ang dalagang nakapikit ang mga mata habang ginagawa ito at nagulat nalang ang dalaga sa nasaksihan. Hindi ito pwede, sabi niya sa kanyang sarili habang nakaturo sa killer kasabay ng pagbagsak nito sa sahig.


Ignite's POV

Alam kong alam na ng killer na alam ko ang sikreto niya. Papalapit na talaga at panahon ko na. Hindi ako makakapayag na mamatay ako, hindi ako papayag na walang poprotekta sa pinakamamahal ko. Magkamatayan man, ipaglalaban ko siya.

"Guys, 'wag na maghiwalay-hiwalay ha. Delikado na baka may mawala pa, hindi ko kakayanin, " sabi ni Blando kasabay ng pagtitig niya kay Riane.


Sumang-ayon naman ang lahat ngunit iba pa rin talaga makatitig itong si Blando kay Riane.


Protektahan nalang ang magaganap ngayon. Dalawa lang naman ang pinagkakatiwalaan ko, ang sarili ko at si Kate.


Hindi ko hahayaang may mapahamak pa, na mapahamak siya. Kaya simula ngayon, may ginawa na kaming plano nina Blando upang madaling mahuli at matuklasan ang killer.


Killer's POV

"Hay salamat, natapos rin, " sabay punas ko ng aking pawis.

Nilinis ko na ang pinangyarihan ng krimen na ako naman ang may gawa at nagtungo na muli sa mga kaklase ko. Naabutan ko silang nagpupulong parin. Tsk.

Mga bulag ba sila? Hanap pa sila nang hanap, nandito lang naman sa harapan nila.

"Uy, nakakatakot na ang mga nangyayari. Ayoko na," paawa kong sabi kay Nicole.


"Malapit nalang talaga at matatapos na 'to. Makakaligtas tayo, " sabi naman ni Nicole sabay hagod ng aking likod.


Sus, anong makakaligtas tayo? Ako lang, ako lang ang nag-iisang makakaligtas sa larong ito. Kaya manahimik ka at baka masunod pa kita. Galit kong tugon sa aking isipan.


Sige, tignan natin kung sino ang pumapatay, kung sino ako. Kahit magtago pa kayo sa kailaliman ng lupa, mahahanap at mahahanap ko pa rin kayo.


Walang makakaligtas, matalino ka man o hindi, matapang ka man o duwag, babae ka man o lalaki. Sisiguraduhin kong ako lang ang makakaligtas. Tandaan niyo 'yan.



Sorry, short update.

You're NextWhere stories live. Discover now