Chapter 14

110 10 13
                                    

Third Person's POV

Hindi maipinta ang mga mukha ng mga magkakaibigan at halos hindi na rin mapakali dahil sa nangyayari sa kanila. 



Ang iba nama'y tulala, na dulot na rin ng pag-iisip kung makakaalis pa sila o kung sino nga ba ang may planong gawin sa kanila ito. 



Habang ang iba'y hindi nagkikibuan dahil iniisip nilang baka tama ang sinabi ni Javier, na baka kaibigan pa nila ang may pakana. 


Pero ang hindi nila alam, 



 May pinaplano na pala ang ilan sa kanila. 



"Guys, bumangon muna kayo diyan. Mag-aalay lang tayo sandali ng dasal sa mga yumao nating kaibigan." mahinang sabi ni Kate. 



Nagsilapitan naman sila ngunit ang iba ay nakahiga parin na parang walang narinig. Ginising naman ni Kristian ang natutulog niyang mga kaibigan. Ngunit tanging si Yuan lang ang nagising sa kanilang tatlo. Habang ang himbing-himbing ng tulog nina Ignite at Blando. 




"Huy, Blando, Ignite. Gising na! Aba't ang daya niyo ah! Ako lang ang nagising. Sana pala nagtulug-tulugan nalang ako." mahinang sambit ni Yuan ngunit narinig ito ni Kate. 



"Yuan, hayaan mo sila dahil pagod 'yang dalawang yan. Lika na dito, kala mo mauutakan mo pa ako ha." ganting tugon ni Kate.  



Hindi nila alintana na may kulang pala sa kanila ngayon. Except sa mga namatay na, ay meron pang nawawala sa kanila. Wala silang kamuwang-muwang sa mga nasapit ng mga ito.




 Habang sila'y nananalangin, may bigla silang narinig na basag na ingay na tiyak nilang nanggaling sa bintana.   

 

Nilapitan nila agad ito at tama nga ang hinala nila, basag ang bintana nila. May bumasag sa bintana nila at alam nilang sinadya ito dahil may nakita silang supot na may laman na bato na naging dahilan ng pagbasag ng bintana. 

"Wala na bang ibang paraan na alam ang killer na pampanakot? Hay nako, walang kathrill thrill! Common na yan, ano ba?!" masiglang sabi ni Santo.



"Santo! Tumahimik ka nga dyan! Di ka nakakatulong!" pagsita ni Nosy.



Tahimik namang nagmamasid si Don, ang pinakamabait at mahinhing lalaki sa kanila, sa isang supot sa ilalim ng bintana. Nang hindi siya sigurado kung tama ang kaniyang hinala, ay agad niya itong pinulot at tinignan ang laman. 



"Uy oh! Hindi lang pala bato ang laman eh, may papel oh." manghang sabi nito dahil ta ang hinala niya, na may iba pang-ibig iparating ang killer.



"Patingin nga." sabay kuha ni Nicole. 



 Binasa niya ito at sabay tingin sa kanila ng may halong pangamba.  



"Guys, kailangan nating pumunta sa Com Lab." deretsahang sabi nito. 




Yuan's POV 

Kitams, ng dahil sa dalawang 'to iniwan tuloy kami dito. Ang tagal kasi matulog at ang hirap gisingin. Kumbaga, parang walang nangyari. Parang walang killer na iniisa-isa kami. Nakakatakot pa naman. Ako lang kasi yung gising, tapos sila tulog na tulog, pano kung may mangyari?



"Hay." rinig kong sabi sa gilid ko.


Salamat naman at nabalakan nilang gumising.


"Oh Yuan, nasaan sila?" sabi ni Ignite.



"Doon sa Com Lab." simpleng tugon ko.


You're NextWhere stories live. Discover now