Third Person's POV
"Cherry ito sa'yo. Ito naman kina Andy, Nosy at sa 'kin." mahinhing sabi ni Kris Anne pagkatapos ipamahagi ang pagkaing tira niya sa locker.
Kasalukuyan silang nasa iisang classroom habang hinihintay nila ang iba pang kasamahang nangakong babalik.
" O Yuan, Javier. Buti may sobra pa. Oh, itong sa inyo." sabi ni Kris Anne sa kanila.
Hindi mapakali ang ilan sa kanila at mukhang ninenerbiyos ang karamihan dahil sa posibleng maranasan nila.
Ang iba naman ay nagmamasid lang sa bawat galaw ng bawat isa sa kanila, halatang sabik nang matuklasan kung sino ang may kagagawan sa lahat ng ito.
Kanina pa paikot ikot si Julie na nag- alala na kina Alec dahil kanina pa sila umalis pero hanggang ngayon ay wala pa rin. At parang masama ang kaniyang kutob rito. Pero iniisip niyang huwag naman sana.
Gusto man niyang umalis para hanapin ang mga ito, ay alam niyang hindi papayag sila Blando dahil unang una ay delikado at maaaring may mangyari pa sa kaniya.
Pero dahil sa kagustuhan niyang malaman kung nasa ligtas silang kalagayan ay may naisip siyang paraan.
" Uhm, guys cr muna ako ha?" pagpapaalam niya.
" Ah Julie. Wait lang, samahan kita." concerned na sabi ni Kristian sa kaniya.
" Wow Tian ah, Dito lang naman oh. At tsaka kung inaalala niyo yung killer, hindi yun makakapasok dito. Kasi kung papasok siya edi makikita niyo. Diba? So don't worry, walang mangyayari sakin." natatawang sabi niya upang hindi mahalatang nagsisinungaling siya.
Iniwan niya ang kaniyang mga kasamahan at itinuloy ang plano.
Tessa's POV
"Saan na kaya sina Jasmine? Kanina pa sila wala ah. Akala ko may kukunin lang sila sa library, ba't ang tagal?" biglang tanong ni Glea.
"Oo nga. Natatakot na talaga ako eh. Diba bawal umalis? Pero bakit bigla silang nawala?" saad ni Pia.
Oo nga noh. Kanina kasi parang may pinaplano sila. Hindi ko rin namalayan na nawala na sila. Siguro nagpapahangin lang ang mga 'yon.
" Ah, guys may aaminin sana ako sa inyo eh. Pero sana walang magbago." nakayukong sambit ni Arman.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso sa tanang buhay ko. Tungkol saan ba to?
"Ano 'yon Arman?" ani ni Kris Anne.
"Kanina kasing hapon, eh may napulot akong not---" hindi na napatapos ni Arman ang sasabihin dahil kay Khloe na hingal na hingal na dumating.
" Guys sinong wala dito?" tarantang tanong niya.
" Ha? Bakit?" tanong pabalik ni Javier.
" Basta! Sinong wala dito?" pag-uulit niya.
" Sina Barto, Alec at Wannah. Bakit? Nakita mo ba sila?" sagot ko.
" Hindi. Pero may narinig akong mga sigaw. Ayaw ko man isipin, pero mukhang sila iyon. Nasa panganib sila." direktang tugon nito.
Natahimik ang lahat dahil sa takot at pangamba dahil sa narinig. Napalitan ito ng tunog ng tubig na umaapaw na tiyak akong galing sa cr.
Agad agad naman namin itong pinuntahan. At sunod sunod na katok ang aming ginawa.
" Julie! Julie! Julie! Nandyan ka ba? Julie?" sigaw ni Blando.
YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)