Chapter 27

90 9 49
                                    

Third Person's POV

Hindi alintana sa mga magkakaibigan na hanggang ngayo'y abala pa rin sa paghahanap ng daan palabas, na may nangyayari ng hindi maganda sa iba nilang kasamahan.

Hindi nila naisip na sa kanilang pagsasarinlan ay unti-unti rin silang nababawasan.

Hindi rin nasagi sa kanilang isipan na ang kapakanan ng bawat isa ay dapat isaalang-alang na hindi lang dapat ituon ang pansin sa kung paano sila makakalabas ng buhay.

Dapat rin silang magkaunawaan at magtulungan para matamo nila ang kanilang ninanais na makaligtas.

Ngunit sa kanilang ginagawa, mukhang isa-isa na silang nagbabago, kasabay ng pagkawala nila ng pag-asa at mukhang malabo nilang matupad ang kanilang naisin.

Ngunit ang hindi nila alam at siguradong hindi nila inaasahan, mayroong isang misteryosong nilalang ang nagmamasid sa kanila.

Na sa bawat pagkilos at planong kanilang gagawin ay mayroong nagmamanman at nagmamatyag sa kanila.

"Konti nalang, mabubuo ko na rin ang piyesang aking nakalap na magpapaturo sa sa 'yo. Konting tiis nalang, magtatagpo rin tayo, kung sino ka man." gigil na gigil niyang bulong.

Palihim niyang pinasok ang isang silid kung saan nanggaling sina Glea at Nicole kanina.

"Anong mayroon dito?" tanong niya sa sarili.

"Nakapagtataka namang kanina lang eh nandito pa sila, kainis naman kasi oh! Kung wala nalang sanang gagamba kanina, edi sana nabantayan ko pa sila kanina." muli niyang sambit.



Flashback

Sino kaya ang susundan ko?

Sina Tessa kaya? Ay hindi, nandoon naman si Arman.

Sina Nosy? Pwede, pero tatlo naman sila eh.

"-----Ano ka ba, kailangan pa nating maghanap ng daan palabas. Kaya tara na." rinig kong wika ni ---

Nicole? Oo tama, sila nalang yung pagmamatyagan ko.

Malay natin diba, isa na pala sa kanila ang salarin.

Yumuyuko akong sinundan sila habang nagtatago sa mga mayayabong na halaman.

Saan naman kaya sila tutungo?

"Huwag kang papasok. Delikado." rinig kong madiin na sabi ni Nicole.

Ano kayang meron sa loob? Kanina pa nila sinisilip yung nasa loob ah.

Ngunit may naramdaman akong hindi maganda.

Mukhang may gumagapang sa-------

"Ay shit! Meron nga!" mahina kong bulong.

Sinusubukan kong wag maging malikot kaya napaupo na lang ako.

Ngunit nakalimutan kong may mga bato pala akong naupuan kaya dali-dali akong humakbang pero huli na pala malaman kong may mga damo pala akong naapakan kaya agad akong sumandal sa isang puno.

Mga ilang segundo pa akong nasa ganoong sitwasyon nang sumilip ulit ako sa kinaroroonan nila.

"Asan na sila?" bigla ko nalang nasabi.

"Ang bilis naman yata. Pero sigurado akong hindi pa sila nakakalayo kung nasan man sila, imposible." bulong nito at tuluyan nang tumakbo.



You're NextWhere stories live. Discover now