Chapter 34

49 5 37
                                    

Javier's POV

Lintek talaga. Walang hiya ang killer na iyon. Hindi patas makipaglaro, sasaraduhin niya kami sa library ng wala man lang kalaban-laban. Tapos ano? Itutulad niya rin kami sa mga pinatay niya? Pwes, di ako makakapayag.

"Natatakot ako, ano nang gagawin natin?" narinig kong bulong ni Tessa kay Nosy.

Pinasadahan ko nalang ng tingin ang library at wala akong makitang daan upang makalusot kami palabas. Hindi ko alam ang gagawin ko pero hindi ko rin dapat ipakitang takot ako, dahil alam kong sa akin lang sila kukuha ng lakas.

"Hindi tayo dapat matakot dito. Siya o sila ang dapat matakot sa atin. We are the survivors here and they are the killers, and at the end of the day, I'll make sure that all of us here, will still be the survivors." hindi ko yata matatanggap kung may mawala pa sa amin.

Nakita ko namang may pag-aalangan sa mukha ni Nosy ngunit nawala rin iyon. Ano? Gusto niya na bang sumuko? Kasi ako, hindi, hinding-hindi. Magkamatayan man.

"Hindi ba tayo gagalaw? Hahayaan ba natin ang killer na patayin tayo tapos ano? Isasama niya tayo sa mga bangkay ng mga kaklase natin? Shit! No! Ayoko! Hindi ako makakapayag!" naghihikahos na wika ni Tessa.

Naawa naman ako sa kanya dahil siya ang pinakamatandang mag-isip sa aming lahat tapos ngayon, ang hina niya tingnan.

"Hindi tayo magpapatalo. Hindi tayo matatakot at hindi natin hahayaang manalo ang killer!" sigaw ni Don na nag echo sa bawat sulok ng library.

"Nosy, tingnan mo ang pintuan kung talagang lock na at kung hindi na ito kayang buksan. Tessa, ikaw sa mga bintana, icheck mo kung kasya tayo doon at ikaw Don, doon ka sa may sulok na bahagi ng library. Doon ako sa kabilang bahagi nito. Tapangan niyo lang ang loob niyo. Huwag magpapadala sa takot. " sumang-ayon naman ang lahat.

Dali-dali kaming gumalaw at pumunta sa mga inassign kong lugar kung saan pwedeng makahanap ng daan palabas. Alam kong meron, kailangan lang naming makita.

Doon ako pumunta sa may kanang bahagi, masyadong malaki ang library para makahanap kami rito.

May narinig akong kumalampag sa may di kalayuan sa aking pwesto. Baka hindi iyon narinig nila Don at hindi na ako nag-abalang sabihin sa kanila iyon kaya pinuntahan ko ito.

Una kong nakita ay mga tela. Halatang gamit na gamit na ito at napakarumi.

Ikalawa kong napansin ang pagiging malangsa ng mga ito. Sinubukan ko itong tingnan.

At ikatlo kong nakita ang pugot na ulo ni Cheurlette at mga iba't ibang bahagi ng katawan ng aking mga kaklase.

Kinilabutan ako sa mga iyon.

"Ahhhhhh!!!" narinig kong sigaw malapit sa kinaroroonan nila Nosy kaya dali-dali akong pumunta doon.

"Anong nangyari?! Bakit ka sumisigaw?" hingal na hingal kong tanong dulot na rin ng pagmamadali at pangingilabot.

"Si-si-si Solano, nakita ko yung bangkay niya sa ilalim ng mga upuan." kahit madilim, makikita mo iyon dahil nakaadjust na ang aming mga mata dito at unti unting lumiliwanag.

Pansin ko ngang sa bawat ilalim ng mga lamesa ay may mga tatlo hanggang pitong bangkay dito.

"Ano?! Gusto niya ba tayong takutin?! Walang siyang hiya, hindi tayo magpapatalo sa kanya!" sigaw ngunit mangiyak-ngiyak na sabi ni Don.

"Nakita ko rin ang mga katawan ng mga kaklase natin banda doo---" hindi ko na napatapos ang pagsabi ko dahil nagkaroon na ng ilaw.

"Tama na yan! Simulan na nating maghanap ulit. " pagpukaw ni Don sa amin.

You're NextWhere stories live. Discover now