Riane's POV
So ayun nga. Nakita kita kami sa school ng mga ka grupo ko and then BOOM andoon pala kami lahat para gumawa ng ay ewan basta tungkol sa research. Hindi ko nga maintindihan masyado ang lessons dito. Paalala ko lang psychologist ang kukuhanin kung kurso at ano konek ng research na to sa course ko?
"Guys haha alam niyo ba yung balita na nasa radyo kaninang umaga?" pagpapatawang sabi ni Andy.
"Haha nakakatawa ngunit nakakatakot." sabi naman ni Cherry.
Hay ito namang dalawa ay mapagbiro. Imbis matakot sa balita ay pinagtatawanan pa.
"Haha hindi ako makapaniwala na gagawin pala iyon nang kapitbahay niya." ani naman ni Aira.
"Sabi nila tig isa-isa daw na chinop chop yung katawan at may limang saksak sa puso. Pero tama na wag na nating pag-usapan yan nakakatakot.", seryosong sabi ko.
Pagkatapos ng mga sinabi ko nagtawanan ang lahat. May mali ba sa sinabi ko? Totoo kaya iyon.
"Riane naniniwala ka sa mga ganyan? Chismis lang yan. Ikaw talaga. Nagpapatawa ka ba?" patawang sabi ni Andy.
"Uyy guys seryoso ako." sabi ko.
Sabi ko na nga ba. Di sila maniniwala alam kong ganyan mga ugali nila pero totoo iyon, ang babae ay pinatay ng kanyang kabit-bahay sa hindi malamang kadahilanan. Nagtataka lang ako kung bakit ginutay-gutay talaga ang kanyang katawan at may limang saksak sa kanyang puso. Sino ba naman ang masamang gumawa non? Walang awa. Ngunit bigla nalang akong natauhan ng kinalabit ako ni Daphne.
"Yan, halika na gagawa na tayo. Para matapos na tayo agad." ani niya.
Dali-dali naman akong pumunta sa aking mga ka grupo. Tama na muna ang chismisan.
"Uhm guys, bakit ang tagal nila Arman?" tanong ni Wannah.
"Wannah baka hinahanap pa nila yung gamit." sabi ni Pauline.
"Baka nga." ani ni Wannah.
"Andyan na sila!" pasigaw na sabi ni Yuan.
Nakakapagtaka may mga bakas sa kanilang mukha. Parang may mali. Itanong ko nga.
"Bakit ang tagal niyo?" mahinahon kong sabi.
"Ah eh-", naputol ang pag sabi ni Javier nang mag salita si Arman.
So anong nangyayari. Sigurado akong may tinatago itong tatlo at halatang si Javier ay magsisinungaling kaso pinutol ni Arman. Feel ko talaga magsasabi ng totoo si Arman.
"Guys, alam niyo ba kung ano ginawa ni Javier kay Stella?" tanong ni Arman sa amin.
Dali-dali namang pumunta ang ibang kaklase namin upang makahagilap ng impormasyon.
Halata ngang namumula si Stella at parang natatakot.
"Ano na Arman? Dalian mo!" sabi ni Julie.
"Ayun nga habang umiihi ako may narinig akong mga halinghing at alam kung si Stella at Javier lang ang tao dahil sila ang kasama ko. Kaya dali-dali kong binuksan ang pinto ng CR at nadatnan kong sinasabutahe ni Javier si Stella." pagpapaliwanag ni Arman.
"Vier, grabe ka naman. Pinapatulan mo ang isang walang ka muwang muwang." may pag-aalalang sabi ni Kate.
"Vier, bakit mo iyon ginawa?" tanong naman ni Christie.
"Vier, mag sorry ka naman kay Stella." sabi naman ni Hannah.
Alam ko na nagtataka ang lahat kung bakit iyon ginawa ni Javier. Siguro may dahilan iyon pero ano?
"Di niyo kasi ako maitindihan. Di bale, balang araw maiintindihan niyo rin ako. Sa tamang panahon." pagdedepensa ni Javier sa kanyang sarili.
Bigla nalang siyang nag walk-out. Panay ang tawag namin sa kanya ngunit hindi manlang siya lumingon. Isa lang naman ang hiling namin ang mag sorry siya kay Stella. Mahirap ba 'yong gawin? I'm stressed.
"Mapapanatag din iyon." sabi naman ni Blando nang nakatingin sa akin. Umiwas nalang ako.
"Sige guys ipagpatuloy na natin." sabi ni Wannah.
Alam kong babalik din si Javier. Kailangan na namin tapusin ito dahil dapit hapon na. Pero hindi ko pa rin maintindihan ang nais iparating ni Javier. Siguro nga balang araw. Sa tamang panahon.
YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)