Blando's POV
Hingal na hingal ako habang tinatahak ang posibleng daang pinanggalingan na aking sinusundan. Malakas man ang ulan, ay hindi ito naging hadlang upang sumuko, hindi sa ngayon. Lalo na't may dahilan na ako para pumatay, para maghiganti.
Ngunit sa kasamaang-palad, tuluyan nang nawala sa aking paningin si Yuan. Nagtataka ako kung bakit siya bigla na lang napatakbo kanina ng walang kadahilanan.
Wala nga ba?
Sa mga oras ngayon, hindi ko ipagkakailang magduda sa kanila. Sa mga nangyari, mukhang malabo nang magtiwala sa kanila sa kahit na sino sa amin at mukhang mahirap nang ibalik ang aming dating pinagsamahan.
Sa ngayon, ang alam ko lang ay wasak na kami. Wasak na wasak.
Takbo ako ng takbo habang sinusulyapan ang bawat pasilyong aking dinadaanan sakali mang may mahagip akong kakaiba o maaari rin namang magkasalubong kami.
Hindi ko na namalayang nandito na pala ako napunta sa bandang gitna ng likuran ng eskwelahang ito, ang gubat.
Napakadilim sa bahaging ito at tanging ilaw lang na nanggagaling sa buwan ang nagsisilbi kong gabay sa paghakbang at pati na rin ang madaliang sinag na nagmumula sa sunod-sunod na kidlat na nagpapadagdag sa aking nararamdamang kaba.
Hindi ko alam kung bakit ngayon ko la 'to naramdaman, dahil ba sa posibilidad na ako na ang susunod? O dahil sa rasong malapit lang sa akin ang salarin ngunit hindi ako sigurado kung sino sa kanilang lima.
Si Javier ba na simula pagkabata ay naging kaibigan ko na at itinuring ang isa't isa bilang tunay na magkapatid? Ngunit bahagyang nag-iba nitong nagdaang araw sa hindi ko maipaliwanag na dahilan na nagpabago sa amin?
Si Yuan ba na naging isa sa pinakamatalik kong kaibigan? Na kapwa kami nakasaksi sa pang-araw-araw kong problemang kinakaharap? Na hindi ko lubusang kilala dahil kumakailan lang kami naging magkalapit?
Si Nosy kaya na naging mabuti ang pakikitungo sa amin at naging kalapit ko simula 'nung magkausap kami? Pagdududahan ko ba ang isang taong pinagkaloob sa akin ang tiwala niyang hindi ko sasabihin ang mga sikreto niyang iniingatan ngunit sa akin ay ibinahagi niya?
Si Tessa ba na itinuring hindi lang ako kundi naming lahat bilang isang ina sa loob ng silid? Na responsable sa pag-alalay sa bawat isa sa amin at tumutulong sa kahit na sinong nangangailangan? Siya kaya na isang napakabuti at kagalang-galang ang ugali ang gagawa nito sa amin?
O si Don, na hindi ko gaanong nakakausap dahil tahimik ito at kadalasang nagsasawalang-kibo sa karamihan? Ngunit masayahin pagkasama ang matatalik na kaibigan? Pero may minsang matagal itong naglaho na inakala naming namatay ngunit napag-alaman naming nagmamatyag lang ito para sa aming kaligtasan?
Sila, sila ang natitirang kasama kong nagdurusa sa kamay ng isa mismo sa kanila. Ngunit, papaano kung may iba pa?
Napatigil ako sa paghakbang ng mayroon akong narinig ng pagkahulog ng mga bagay. Hindi man malinaw sa aking pagkakarinig, pero sigurado akong hindi lang ito dahil sa hangin, kundi dahil sa posibilidad na hindi ako nag-iisa ngayon.
Napayuko ako at dali-daling naglakad tungo sa ingay na iyon. Habang hinahanap ang pinanggalingan ng tunog ay nagtatago ako sa isa-isang naglalakihang puno papunta roon.
Habang sumisilip ay nagulat na lang ako nang biglang kumidlat ng napakalakas. Napatunganga ako ng hindi katagal at napabalik sa sarili nang makaramdam ng kalamigan na dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Hindi dahil sa kidlat kaya ako naantig, kundi dahil sa aninong aking naaninag dahil sa sinag na nagmumula sa kidlat.
Naghakbang ako ng dahan-dahan habang papunta sa kabilang puno para mas mapalapit sa kaniya.
Habang ginagawa ko iyon ay hindi matanggal ang titig ko sa kaniya. Kinusot ko pa ang aking mga mata dahil sa paglabo nito na dulot ng mga butil ng ulan na humahadlang sa aking paningin.
Siya nga. Si Yuan nga. Hindi ko aakalaing dito ko siya matatagpuan.
Ngunit imbes na lumapit sa kaniya ay nagdesisyon akong manatili sa aking pinagtataguan para bantayan ang bawat galaw niya.
Mahirap na. Baka ako pa ang madehado. Nagsisiguro lang.
Kumuha ako ng isang bagay na maaari kong gamiting proteksiyon kung sakaling siya nga ang salarin.
Pinagmasdan ko ito at nakikita ko lamang na parang, parang may hinahanap ito? Parang katulad ko din na panay ang lingon.
Nang nasa harapan na siya ng punong pinagtataguan ko at tuluyan niyang lagpasan ito ay naisipan kong unahan siya. Naisipan kong atakihin siya para malaman kung tama o mali ba 'tong iniisip ko.
Tinulak ko siya ng malakas hanggang sa napadausdus ito sa daang maputik. Hindi ko na hinintay na makabangon ito at agad na pinaghahampas ng matigas na kahoy hanggang sa ito'y hindi na nakagalaw pa.
Ngunit nakita kong unti-unti itong gumalaw at napaawang sa sakit na kitang kita sa pamimilipit nito sa kaniyang tiyan.
Hindi ba talaga siya? Tanga! Pinagpapalo ko pa, hindi naman pala siya!
Dali dali ko siyang nilapitan at inalalayang maglakad para tumungo sa isang tabi na pwedeng pagtaguan.
"B-Blan-nds b-bat m-mo a-ako p-pin-nalo?" nauutal nitong sabi sabay subok nito na umupo.
"Nagsisiguro lang ako. Pagpasensyahan mo na." ang tangi kong tugon na mukhang nag-aalangan pa.
Tanga ko talaga! Pinagdudahan ko 'tong kaibigan ko. Sinaktan ko pa talaga na imbes ay para sa walang pusong killer iyon! Minsan na akong nagkamali, hindi ko na muling uulitin iyon. At ngayon, ito na ang umpisa ng totoo kong balak, ang patayin ang salarin. Kasama itong si Yuan na alam kong iisa kami ng nais.
"Tara na at tapusin ang lahat." saad ko sa kaniya na ngayo'y mukhang nakarecover na mula sa pasakit.
Tinanguan niya ako bilang tugon at inalalayan ko itong tumayo at tsaka maglakad. Akay-akay ko siya nang maramdaman ko na parang may gusto itong gawin at bigla na lang itong nagsalita.
"Sandali. May pupulutin lang ako, kailangan ko kasi 'yun." saad nito at sinusubukang abutin iyon ngunit mahirap para sakaniya.
"Ako na. " ani ko naman sabay abot sa kaniyang paanan.
May kinapa-kapa ako sa may putikan ngunit wala akong makitang bagay na naroroon.
Narinig ko siyang napabuntong-hininga at nagsalita. "Makakatulong iyan para matapos na ito."
Patuloy lang ako sa paghahanap kahit na hindi ko masyadong nakikita.
"Sigurado ka? Sige diyan ka lang muna at huhukayin ko yung putikan, baka kasi natabunan lang." sabi ko at isinantabi muna siya sa isang tagong gilid.
Ngunit pupunta pa lang sana ako nang hindi ko na nagawang maglakad pa ng isang hakbang. Parang may mabigat na bagay akong pasan.
"Hindi na, tapos na pala yung dapat kong tapusin." narinig kong wika ng taong nasa likuran ko sabay 'tss' niya at dinuraan pa ako.
Lumingon ako sa kaniya at nakita na lang ang kaniyang mala-demonyong pag ngisi at ang dating Yuan na kilala ko ay unti-unti nang nawala. Dati sa kaniyang mga matang makikita ang pagka masayahin ay napuno na ng galit at poot.
Hindi inakalang siya pala ang may kagagawan nitong lahat-lahat. Na siya pala itong tatapos sa aming kapalaran.
Namalayan ko na lang nasa lupa na pala ako at unti-unti nang bumibigat ang aking pilok sa aking mata.
Ito na yata. Ito yata ang sinasabi kong katapusan. Katapusan kong hindi ko inasahang kagagawan ng isang Yuan na pinagkatiwalaan ko. Tiwalang nasayang lang.
YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)