Khloe's POV
Naghiwalay kami sapagkat kailangan namin mahanap sila Jasmine, Alec, at Wannah. Kasama ko sina Daphne, Riane, Kate, Aira at si Ignite. Habang naglalakad kami, may nakita akong anino sa bandang likod ng library. Ito na naman. Nakakapanindig balahibo.
"Hmm, guys naiwan ko yung cellphone ko sa classroom. Pwedeng kunin ko muna?" palusot kong sabi sapagkat gusto ko talagang pumunta sa library. Curiosity kills me. Sa tingin ko talaga siya yung killer. Kasi mata pa lang alam na.
"Khloe, samahan ka na namin at baka mapahamak ka pa." sabi ni Kate na classroom President namin.
"Ay nako, wag na. Kayang-kaya ko ang sarili ko." matapang kong sabi pero sa kaloob-looban, takot na takot ako.
"Khloe, kami nalang ni Aira ang sasama sayo. Daph, Kate, at Ignite mauuna na kayo.", sabi ni Riane.
Naku, sira na ang plano ko. Hindi na ako papalag sapagkat malalaman nila na parang may hinala na ako. Kaya okay na 'to.
"Mag iingat naman kami guys" sabi ni Aira.
"Sige. Please lang mag ingat kayo." alalang-alala na sabi ni Daphne.
Naglakad na palayo sina Kate at kami nalang naiwan.
"Guys, sa inyo ko lang to sasabihin hah? May nakita kasi akong anino doon banda sa library. Feel ko doon sina Jasmine." balisang sabi ko.
"Curious na curious ako eh." pahabol kong sabi.
"Nagsinunggaling ka?" tanong ni Aira.
"Hindi ah. Talagang naiwan ko yung cellphone ko kaso pag tingin ko doon sa may library, may anino. Tapos na curious ako kaya nag dahilan ako.", pagpapaliwanag ko.
"Sige pero mag-ingat nalang tayo. Tumingin kayo sa paligid at baka nasa tabi- ltabi lang siya." sabi ni Riane dahilan kung bakit biglang tumaas ang mga balahibo ko. Alam ko nasa tabi tabi lang siya ngunit alam ko rin na may dahilan kung bakit niya ginagawa ito at iyon ang gusto kong malaman.
"Tara na guys." sabi ni Aira na halatang natatakot na din.
Lumakad na kami patungong library.Nang binuksan namin ang pintuan, ngulat kami na nakabigti na sina Alec, Wannah at Jasmine.
"Oh my ghad" gulat na gulat na sabi ni Riane.
"Shhhh" sabi ko. Alam kong naririnig niya kami.
"Sinong may gawa nito?" paiyak na sabi ni Riane.
"Guys dapat natin sabihin ito sa ating mga kaklase." sabi Aira. Wag alam kong---- shockss, alam kong nandito siya. Nararamdaman ko siya.
"Guys, mauna na kayo. Please nararamdaman ko na andito na siya kaya please makinig kayo saakin." pabulong kong sabi at halata sa aking boses ang matinding takot.
"Khloe hindi ka namin pwedeng iwan dito." mangiyak ngiyak na sabi ni Aira.
"Please guys tumakbo na kayo." sabi ko habang pinagtutulakan sila sa pintuan sa likod ng library.
"Khloe wag---" sabi ni Riane dahil pinalabas ko na sila at nilock ko na yung pintuan para ako na lang ang maiwan. Alam ko kasi na hindi nila ako iiwanan at baka madamay pa sila sa kuryosidad kong ito. Shockss. Nadito na siya.
"Hero ang peg? Ano sacrifice? Magaling Khloe." sabi niya habang pumapalakpak.
Sabi ko na eh.
"Ang bait mo naman. I'm so proud of you Khloe." sabi niya ulit.
"Wag ka ng magtabon pa ng tela sapagkat tama ang hinala ko, ikaw nga ang may sala sa mga pangyayaring ito. Napaka plastic mo! Bait-baitan ka pero may kulo pala sa loob!" sigaw ko.
"Tumahimik ka! Wala kang alam kaya you better shut your mouth up, Tamayo!" sigaw niya."Well, well, well wag na nating patagalin pa ito" sabi niya.
"Mabuti pa nga!" sigaw ko.
"Wow! Ang tapang pero wala ako panahon sa mga taong kwenta!" sigaw niya at bigla niyang tinutok ang baril at nakarinig nalang ako ng isang malakas na putok.
Aira's POV
Khloe. Khloe. Tumakbo kami ni Riane ng mabilis. Hingal na hingal na kaming tumakbo ng may narinig kaming isang napakalakas na putok galing sa library.
"Airs, si Khloe." malungkot na sabi ni Riane.
"Yan, huli na ang lahat. Kailangan na natin magmadali at baka maabutan pa tayo ng killer." sabi ko.
"Tama, halika na." sabi ni Riane.
Tumakbo kami ng tumakbo nang makita na namin ang iba naming kaklase at sa wakas ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Guys si Khloe" pag-uunang bungad ni Riane sa aming mga kaklase.
"Anong nangyari?" tanong ni Arman.
Pinaliwanang namin ang lahat ng nangyari sa amin pati na rin ang nangyari kina Alec. Habang tumatakbo ang oras mayroong isang namamatay. Kailangan na namin na kumilos at mag-ingat sapagkat alam ko na isa sa amin ang susunod.
Killer's POV
Bilang na lang ang natitira at mayroon na ring mga itinakda.

YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)