Chapter 33

34 6 10
                                    

Blando’s POV

“Nasaan si Don?”, narinig kong nag-aalalang tanong ni Yuan.

Binabalik-balik ko sa aking isip kung saan nga ba si Don? Siya kaya? Hindi maaari. Alam ko hindi niya ito gagawin sapakat may tiwala ako sa kanya. Sapagkat sinabi niya na sa akin kung ano ang kanyang plano. Kailangan lang daw na mag tiwala ako sa kanya para malaman na niya kong sino ang sa likod nang mga pangyayaring ito.
Pagkakatiwalaan ko ba talaga siya? Nililinlang niya ba ako? Hindi maari.

“Riane!” sigaw ko. Naiinis na ako kasi ayaw bumukas ng pinto. Sinipa ko ito ng napakalakas, ngunit ayaw pa rin bumukas.

Nakita kong kumuha ng isang material na bagay si Yuan upang mabuksan ang pinto.

“Bilis Yuan!” sigaw ko.

“RIANEEEEEE!” napakalakas kong sigaw.


Wag. Hindi pwede.


“YAN! Gumising ka! Di ko mapapatawad ang sarili ko dahil wala akong nagawa upang iligtas ka. Patawad. Ang tanga tanga ko. Ipaghihiganti kita. Pangako. Paalam.”, namamaos  kong sabi.
Pagkatapos ay humiwalay muna ako sa grupo. Gusto ko munang mapag-isa sapagkat hindi pa rin ako makalimot sa nangyari kanina. Tila bang, lahat nang mga malalapit na sakin agad kukuhanin? Riane? Bakit di ka lumaban?

Nababaliw na ako sa kakaisip kung may patutunguhan pa ba ang pagiging matapang kong ito? Wala na akong lakas. Wala na ang nagpapalakas sa akin.

Muli kong pinagmasdan ang kalangitan ngunit nagbabadya na itong umulan. Pinagmasdan ko rin ang paligid ngunit-----

“Christie?” bulong ko sa aking sarili.

Hindi ako nagkakamali. Siya iyong nakita ko. Buhay siya?
Sinundan ko ang anino nito ngunit bigla itong nawala. Napasabunot na lang ako sa aking sarili sa sobrang bagal.


Napahawak na lang ako sa aking bewang at napag isipan ko na ibalita nalang sa aking mga kasamahan. Mabilis ako tumakbo subalit nahagip nang mata ko si Yuan. Anong ginagawa niya sa Library?



Tessa’s POV

“Ang tagal naman ni Blando,” naiinip na sabi ni Nosy.

“Hayaan mo na alam naman natin na di niya matanggap ang nangyari kay Riane. Bigyan nalang natin siya nang panahon na makapag-isip nang mabuti,” sabi ko.


“Nga pala wala ka bang nakuhang impormasyon Nosy sa pagkamatay ni Arman? O di kaya ay isang clue man lang?” tanong ni Javier.

“Wala eh. Nararamdaman ko na hindi na iyon magbibigay dahil konti nalang tayo. Matalino rin siya eh!” wika ni Nosy.

“Mas mabuti siguro kung hanapin na natin si Don, laging nawawala. Di kaya siya ang killer?” tanong ni Nosy.

“Nararadaan kong hindi siya,” seryosong sabi ni Javier. “May plano siya eh,” dugtong nito.

May plano si Don? Nakakapagtaka. Kaya pala lagi siyang nawawala.



Don’s POV

Alam kong pinaghihinalaan nila ako dahil lagi nalang akong nawawala. Sa totoo lang may plano ako. Di ko kayang sabihin sa kanila dahil baka masira lang ito at baka mapag isahan na naman kami nang killer. Napag isipan ko kasi na sundan ang aking mga kaklase kaya ay lagi nalang akong nawawala na parang bula. Sa tuwing susundan at pinagmamasdan ko sila lagi ako may nakikita naka maskara na laging umaaligid sa kanila. Di ko ito makilala dahil maraming nakabalot sa kanyang katawan at napakalayo niya sa akin. Nakakamangha nga at hindi niya ako nakikita. Magaling akong magtago. Syempre.

Ngunit habang kumokonti kami mas lalong humihirap ang plano ko. Baka makita nila ako at mapagtanto pa nila na may alam ako. Sa totoo lang hinala ko talaga na babae ang killer. Ngunit may gumugulo sa aking isipan. Paano niya nakayanan na patayin ang mga kaklase ko? Ang weird.

Nararamdaman ko na may kasabwat siya. Alangan na susugod nalang siya bigla bigla na walang resbak. Imposible.


Ngayon eto na naman ako nagtatago at pinagmamasdan ang mga kasamahan kong natitira.


Shit!


Nakita ko na naman siya. Ang killer to panigurado.

Pinagmasadan rin niya ang mga kaklase ko. Alam niya na ang kanyang gagawin dahil alam niya rin na may pinaplano ang iba kong kaklase.
Nakakapagtaka na wala si Blando at Yuan.

Napatingin ako sa direksyon kung saan ang pinaghihinalaan kong killer. Nakita ko nalang na bigla siyang umalis at tumakbo nang napakabilis.
Di kaya ay papunta siya sa kinaroroonan nila Yuan at Blando?



Nosy’s POV

Nakita ko si Don mabilis na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin.


“Don? Saan ka nanggaling?” tanong ko.


“Basta mamaya ko nalang ipapaliwanang. Kailangan natin mahanap kaagad sina Blando at Yuan.” pagpapaliwang ni Don.


“Tara na!” sabi Javier.

Mabilis kaming tumatakbo at sinusundan si Don alam niya siguro kung saan naroroon si Blando at Yuan.


Habang papalapit kami sa—WHAT? Sa library?


“Don, sa library? Alam naman natin na ito ang ruta ng killer.” sabi ni Tessa.

“Dito tumungo si Blando kanina. Ngunit nakita kong nakita niya si Yuan kaya’t sinundan niya ito. Sa isip ko parang gusto niya lang na wag papuntahin si Yuan kasi delikado. Ngunit nagtaka ako kung bakit hindi pa rin sila nakakabalik. Kaya dito tayo pupunta.” pagpapaliwanag ni Don.

Pumasok kami na walang pag-aalinlangan. Ngunit nang pagkapasok namin, dumilim at nagsimula nang tumaas ang aking balahibo sa takot.

Shit!




We’re trapped.

You're NextWhere stories live. Discover now