Chapter 13

121 11 15
                                    

Killer's POV

Lintek namang mga bangkay 'to oh. Ang bigat bigat, kanina ko pa 'to hinihila patungong dulo ng library.


"Oh! Dyan ka na Khloe ha, magsama kayo ni Juliana dyan. Mga wala kayong kwenta. Mga wala silang kwenta" sabi ko sa aking sarili sabay irap sa mabahong bangkay ni Khloe.


Mga tanga talaga ng mga kaklase ko, hindi ba nila pinagkaabalahang hanapin yung bangkay ng Juliana'ng 'yon?


Sabagay, mga traidor naman yung iba dyan eh.



"Magpasalamat ka sa akin Khloe ha, magkasama na kayo ng bestfriend mong si Pauline. Magsama kayo! Parehas kayong mga weirdo. Opsss! correction, lahat pala kayo mga weirdo" sabi ko sa kanya ng natatawa.


Bumaba ako upang pumantay sa kaawa-awang si Khloe.


Sinabunutan ko lang naman siya at dinuraan. Mas magandang tadyakan pa natin.


"Bagay sayo 'to," sabay tadyak ko sa kanya sa iba't ibang bahagi ng katawan.


Maswerte nga siya eh, baril at tadyak lang ang inabot niya. Sabagay, may mas magaganda pa naman akong plano para sa iba. Sa kanila ko nalang gugugulin ang lahat ng iyon.



Humanda sila.




Cheurlette's POV

Andito kami ngayon sa loob ng classroom. Hindi kami mapakali sa mga nangyayari.


Bakit nga ba ito nangyayari?


Ayoko na talaga. Takot na takot na kami. Yung tipong parang magiging baliw na ako sa kakaisip kung paano kami makakalabas dito sa school o kung paano namin matutuklasan kung sino ang killer.


Pagod na pagod na kami, sa kakatakbo, kakaisip at maging sa kakatago.


Hindi na talaga ligtas ang lugar na ito, hindi na kami ligtas. Maaaring ngayon ay may mamamatay o namamatay na sa amin. Pero ayoko pang mangyari sa akin 'yon. Ayoko.


Kaya mas mainam na ako nalang ang pumatay. Labag man sa akin pero alam kong ito ang paraan upang makaligtas ako.


Papatayin ko nalang sila. Patawad nalang pero hindi ko na kaya.


"Uy Cheur, kanina ka pa tulala dyan" pagpupukaw ni Tessa sa akin.


"Sorry Tess, wala lang 'to. Pagod lang siguro" pagod sa kakatago, hindi ko nalang ipinagpatuloy ang sasabihin ko at dahil baka pati si Tessa ay matakot pa tapat.


Sana mapatawad ako ng mga kaklase ko sa aking gagawin. Sana maintindihan nila. Traidoran na ang magaganap ngayong gabi.


"Tess, pwede mo ba akong samahan sa labas?" Tanong ko kay Tessa.


"Ha? Ah, gabi na rin kasi at mukhang delikado pa yatang lumabas. Mas mainam na dito lang muna tayo" pagpapaliwanag niya sa akin.


"Sige na Tess, ihing-ihi na talaga ako oh" sabay pag-aarteng naiihi na talaga ako.


"Andyan oh, sa cr" sabi niya sabay turo sa sirang cr.


"Diba nasira na nga dahil sa kagagagawan ni Juliana at may tao rin naman sa cr kaya sa labas nalang tayo. Madilim naman Tess. Sige na please" pagmamakaawa ko kay Tessa.


Ano ba naman 'to? Ang hirap pakiusapan ng babaeng 'to ah.


"Kaya nga delikado dahil madilim diba? pabalik na tanong niya sakin.


"Eh wala ngang makakakita sa akin pagkatapos. Sige na kasi, Tess samahan mo na ako. Pagmay mangyaring masama sa akin, mumultuhin talaga kita" pananakot ko sa kanya.


"Sige na nga" pagsang-ayon niya sa akin sabay kamot sa kanyang ulo.



Patawarin mo ako Tessa pero kailangan ko talagang gawin 'to.



Naglakad kami palabas ng classroom at pumunta sa isang madilim na lugar para masigurong walang tao dito.



"Uy Cheur, bumalik na kaya tayo" sabay kapit ni Tessa sa aking braso.



"Ano ka ba? Andito na tayo oh, ang gagawin ko lang naman ay iihi" pagwawala ko sa kanya ng kaba.



Tumango na lamang siya sabay pagbitaw ko sa kanyang kamay na nakakapit sa aking braso.



Naglakad na ako sa mga damuhan kung saan maraming mga puno. Doon ako pumunta sa likod nito upang di makita ang gagawin kong plano sa pagpatay kay Tessa.




Pasensya Tessa at kailangan kitang patayin, baka kasi alam mo kung sino ang killer o baka naman kakampi mo siya o ikaw mismo ang pumapatay.



"Cheur, matagal ka pa ba dyan?" tanong niya sa akin.



Hindi ako umimik. Sa halip ay kinuha ko ang isang tali sa aking bulsa upang pampulupot sa leeg ni Tessa.


Umikot ako sa puno upang matanaw kung ano ang ginagawa ni Tessa at upang hindi din niya ako makita.



Hahakbang na sana ako nang may tumakip ng aking bibig at dinala ako sa mas liblib pang parte ng lugar.


Nagpupumiglas ako. Baka siya ang killer at hindi si Tessa. Natatakot ako ngayon. Hindi ko na kaya.



Nagulat ako nang bitawan niya ako at ipinaharap sa kanya.



"Wag kang maingay ha. Baka marinig tayo ng killer. Siya ang killer Cheur, si Tessa ang killer" sabi niya sa akin.

"Tinakot mo talaga ako" hampas ko sa balikat niya. Kinilabutan ako nun ah. Si Tessa nga talaga ang killer.



"Halika na, sabihin natin sa kanila na si Tessa ang killer" sabay hila ko sa kanya ngunit hindi manlang siya nag-abalang lumakad.


"At bakit naman?" mapaglaro niyang tanong sa akin.



"Para malaman nila" natigilan ako at napagtanto na baka siya ang killer at hindi si Tessa. "Wag, wag mong sabihing ikaw ang kille---" hindi ko na napatuloy ang sasabihin ko dahil inagaw niya sa akin ang dalang tali ko at ipinulupot sa aking leeg.



Hindi ako makahinga at hindi rin ako makapaniwalang siya iyon. Siya ang killer.


Akala ko, siya ang isa sa liligtas sa amin ngunit salungat lang pala lahat sa iniisip ko.



"Akala mo ha, may plano ka pang patayin si Tessa at patayin kami. Uunahin muna kita, walang hiya ka. Isa kang malaking hadlang sa mga plano ko kaya itong bagay sayo" may panggigigil niyang tugon sa akin.



Mas lalo lang niyang hinigpitan ang tali. Hindi na ako makahinga. Ang higpit higpit na ng tali sa leeg ko. Siguro ito na ang katapusan ko.



Pero bago ako maalagutan ng hininga,naramdaman ko pa ang masasakit na hiwa sa aking katawan. Siguro'y gutay gutay na ang katawan ko ngayon.



Naramdaman ko na ang unti-unting panghihina ng aking katawan kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.




Killer's POV

"Yes naman. Ang dami ko ng napatay. Ang galing galing galing ko talaga" mapaglaro kong bulong sa aking sarili.



"Ikaw Cheurlette ha, ang galing mong makipaglaro. Nice one, dear!" Pagbaling ko sa nakabitay na bangkay ni Cheurlette.


Plano mo pa sanang patayin kami ha. Pwes, hindi ka magtatagumpay. Mang-aagaw ka pa ng pwesto.


Ako. Ako lang dapat ang pumapatay at papatay sa inyo. Ako lang.

You're NextWhere stories live. Discover now