Someone's POV
Akala nila di ko malalaman ang plano nila. Pwes, akala lang nila yun. Magdusa sila dahil bilang na lang ang natitira at tumatakbo na rin ang oras. Kailangan ko ring kumilos sapagkat alam ko na hahanapin at hahanapin nila ako pero sadyang matalino lang ako kaya hindi nila ako makakaya. May paplano-plano pa silang nalalaman. Hoy! Wag niyo ng gawin iyan mga ungas, nagsasayang lang kayo ng oras. Dapat na ninyong tanggapin na hindi na kayo makakalabas at ako na ang maghahari sa paaralang ito. Wala na kayo. Sagabal lang kayo sa mga plano ko sapagkat hindi pa dito nagtatapos.
Nagsisimula pa lang.
Third Person's POV
Nawalan na ng malay ang binata sapagkat ang lakas ng palo ng killer sa kanya. Hinila ng killer ang katawan ng binata dahil alam niyang ang bigat nito at di niya kaya. Sinigurado at planado niya din na walang makakakita sa kanya. Ang talino niya sobra."Isa pa tong sagabal eh!" sabi niya.
"Ang galing ko talaga!" hangang-hanga na sabi niya sa kanyang sarili.
Dinala niya ang binata sa may likod ng Science lab."Boy, ang bigat mo naman. Buti at may awa pa ako. Di muna kita papatayin dahil gusto ko dalawa kayo." sabi niya.
"Hmmm... Sino kaya?" tanong niya sa kanyang sarili na parang nasisiraan na ng bait.
Nag isip muna siya kung sino ang kanyang isusunod."Aha, alam ko na, ang bestfriend mo nalang na si Santo. Haha siya nalang." tawa niyang sabi.
Nag ayos ayos siya at tumahak uli papunta sa kinaroroonan ng iba pa niyang kaklase.
Someone's POV
"Si Santo ba talaga? Pwede namang si Yuan? O di kaya ay isa sa mga babae? Hannah? Si Santo nalang nga." bulong ko sa aking sarili.Habang naglalakad, inayos ko ang aking sarili upang maging desente ako sa harapan nila.
"Oh, saan ka nanggaling?" tanong ni Hannah.
Aba, kung ikaw kaya isusunod ko."Hinanap ko sina Christie at Kristian ngunit nabigo ako." pagsisinunggaling ko. Ang galing ko talagang umacting.
"Uhmm, Santo come here." sabi ko. Yes ito na."Oh wait."sabi ni Santo. Mapipilitan akong mag-English nito. Nakakainis.
"Pwede mo ba akong samahan?" tanong ko.
"Where?" tanong niya kasabay ang pagkunot ng kanyang noo.Umoo ka nalang kasi para hindi ka masaktan. Ang dami pang arte.
"May importante lang akong sasabihin." ani ko.
"Ano iyon?" tanong niya.
"May impormasyon ako tungkol sa killer." painosente kong sabi.
"Wait, I will inform our clasmmates." sabi niya.
"Ano? No! Hindi na tayo nalang muna baka madamay pa sila." sabi ko. Muntik na ako doon ah.Nag-isip-isip pa muna siya bago tumugon sa aking sinabi.
"Sure." sabi niya.
Sa wakas.
Dinala ko siya sa isang lugar na walang makakakita sa amin. Sa lugar na halos dito ko pinatay ang iba niyang kaklase. Sa library."Santo, dito ko nahanap ang mga informations" sabi ko.
Eh uto-uto pala ang isang 'to. Ang dali lang pala lokohin. Kung ganito sana sila lahat, madali lang para sa akin. Ngunit yung iba ang aarte pa, ang dami pang satsat.
Pumunta si Santo sa dulo sapagkat sinabi ko na kunin niya ang libro na naglalaman ng impormasyon tungkol sa killer. Habang hinahanap niya ang libro, dali dali kung kinuha ang inihampas ko kay Kristian kanina. Inihampas ko sa kanya. Boom. Sapol.Dinala ko rin siya sa kinaroroonan ni Kristian at hinila ko rin siya sapagkat parehas silang mabigat. Nakakapagod.
Nagpahinga ako ng ilang oras at ulit pinagpapalo ko silang dalawa dahil kailangan ko pang bumalik sa mga kaklase ko at makipag plastikan ulit.Pagkatapos, nilock ko ang lugar na iyon at tumungo ako papunta sa aking mga pinakamamahal na kaklase. Pshhh.
Arman's POV
Abala ang iba sa paghahanap sa iba kong kaklase at iba naman ay nagconcentrate sa na trace ni Santo. Speaking of Santo, saan na kaya iyon? Bigla biglang umaalis. Siguro'y may na trace na naman.
Nakita ko na hingal na hingal na tumatakbo si Christie patungo sa amin.
"Christie, nakita mo na ba si Don?" tanong ni Hannah."Hindi eh. Nakasalubong ko rin si Javier kanina pero sinabi niya na hindi niya rin nakita si Don." hingal na sabi ni Christie.
"Oh, tubig." sabi ni Arman."Thanks, Arman." sabi ni Christie.
Don? Nasaan ka na ba? Bakit ka nawala? Parang may kakaiba na akong naramdaman. Hindi kaya siya ang killer? Palagi nalang kasi siyang nawawala.
Hindi maari.

YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)