Chapter 6

112 14 9
                                    

Blando's POV

"Prends, handa na ba kayo?" tanong ni Yuan.



"Aba syempre. Kailangan nating mapaniwala sila. Mag seryoso tayo ngayon." sabi ko.


"Haha excited na akong makita ang mga expression nila." sabi Kristian.


"Hahaha siguro uulan to ng katatawanan." sabi naman ni Ignite.


"Let's play the game." ani ni Santo.


"Teka lang naisip ko na baka mahimatay yung iba nating kaklase."sabi ni Ignite na halata namang concern kay Kate.



"Lumalovelife si toto." tawang tawa na sabi ni Yuan.



"Ay nga pala di ba natin ipagpapatuloy ang pag hahanap kay Javier?" tanong ko.


"Mamaya nalang pag nagtagumpay tayo dito." sabi ni Kristian.


"Tara na."sabi ko.


Sa totoo lang ako ang nakaisip na gawin ito. Kaso tinanong ko naman sila at sumang-ayon naman sila na gawin ito. Kasalukuyan naming dala-dala ang mga costume na pang halloween. Ang tanging layunin namin dito ay takutin ang mga girls. Mukha ngang exciting to kasi mag gagabi na.



Habang nalalakad kami, nakita kong pumasok sa loob ng faculty room sina Kate at Riane. Tumpak. Sila ang una naming bibiktimahin.


Hinintay namin sila at pinaringgan ang kilos nilang dalawa. Siguro ay hinahanap pa nila ang mesa ni ma'am para makapasa ng pinapagawa sa amin na mga paper works. Naramdaman ko na parang bubuksan na nila ang pintuan kaya dali-dali kong tinawag ang aking mga kaibigan na tumungo sa pinto. Nang pagbukas nila..........
parang maluluwa na ang mga mata ng dalawang dalaga at halos ma-estatwa sila sa nakita. Halata na sobra silang natakot. Ngunit sa hindi inaasahan kami ni Yuan ay bigla tumawa dahil sa reaksiyon ng dalawa.



"Aray!"sigaw namin ni Yuan dahil pinaghahampas kami nina Kate at Riane.


"Kayo talaga puro kalokohan ang nasa isip niyo. Akala niyo naman nakakatawa." sabi ni Riane na napatingin sa akin. Bigla akong umiwas dahil sa sinabi niya.



Naguilty naman ako 'non.



"Wag niyo na ngang ulitin iyon. Hindi iyon maganda. Hindi lahat ng biro ay nakakatawa." sabi naman ni Kate.


"Sorry na nga eh." sabay na sabi ni Yuan at Kristian.


Niligpit namin ang mga nagkakalat na papel at naglinis. Dahil sa gulat ng dalawang ito ay parang parusa na sa amin ang pagliligpit ng mga papel na nagkalat. Paano ba naman sinabutahe kami ng dalawang 'yon dahil ang epic daw nang mga itsura nila. Totoo naman ngunit aaminin kong maganda pa rin silang dalawa.



Pagkatapos ay naglakad kami patungong covered court ngunit nang makarating kami doon nakaramdam ako na mayroong masamang balita. Ano kaya iyon?



Riane's POV

Di pa rin maalis sa aking isipan ang nangyari kanina. Akalain mo, mapapaniwala kami ng mga mokong na iyon. Grabe ang kaba ko nun. Puro kalokohan talaga ang sa isip ng mga lalaking iyon. Kung iniisip nila na nakakatawa ang ginawa nila, pwes para sa akin hindi. Haysstt. Moved on na nga doon.



Nang makarating kami ng covered court napansin ko na may kakaibang awra sa mga mukha ng aming kaklase.


"May problema ba? Para kayong nakakita ng multo ah. Share niyo naman guys." sabi ni Yuan.



Biglan napako ang aming mata nang makita na paparating si Javier sa aming kinaroroonan.



"Vier, saan ka nanggaling? Kanina ka pa hinahanap nina Blando." tanong ni Julie.


"May inasikaso lang ako." sabi ni Javier.



"Ano naman ang inasikaso mo?" tanong ulit ni Julie.



"Guys tama na nga yan. Ang mahalaga ligtas si Javier. Ang dapat natin pag tuunan ng pansin ay kung paano makalabas dito." ano ni Alec.


"Ha? Di ko gets." sabi ni Kate.


"Guys, sarado na kasi yung gate. Hindi na tayo makakalabas."sabi ni Wannah.



"Chineck ko rin Wannah. Hindi talaga tayo makakalabas. Wala ding signal dito at lowbat na rin ako." sabi ni Javier.



Tama nga si Javier wala talagang signal.


Nahiwalay kami upang mas mapadali ang paghahanap ng ruta upang makaalis dito?



Na cucurios ako. Sino ba namang tao ang gagawa sa amin nito. Napakasama. Ikukulong niya kami dito. Parang may naaamoy akong di maganda.

You're NextWhere stories live. Discover now