Someone's POV
Nakikisabay talaga panahon may kulog, kidlat, at malakas na ulan. Biruin mo saktong sakto talagang pumatay ng tao. Gusto ko nang maamoy ang kanilang mga dugo.
Nakakaaliw pumatay. Na pag-isip-isip ko na kung paano kaya kung pahirapan ko muna sila? Siguro mas masaya iyon. Tutal nakahanda na ang mga gagamitin kong mga gamit para sa pagpapahirap sa kanila nang husto.
Gusto ko munang maglaro. Enjoy ko muna 'to, mukhang exciting. Iisa-isahin kong kukunin ang mga parte sa katawan nila.
This is FUN.
"Gising na ba kayong dalawa?" sabi ko. "Kawawa naman kayo iniwan niyo na mga asawa niyo sa South Korea. Aw. Iyak na mga bes o kaya'y manood muna kayo nang video para sa huling paalam." tumatawang sabi ko.
"Pakawalan mo na kami dito. Anong kailangan mo sa amin?"sabi ni Joliana.
"Inuutusan mo ba ako? Teka lang chill muna kayong dalawa. Gusto niyo bang munang maglaro?" tanong ko.
"Please maawa ka samin!" sigaw ni MJ.
"Maawa? Pwes. Wala akong awa." sigaw ko.
Nakakapikon naman ang dalawang 'to. Aba't inuutusan pa ako. Pero siguro magugustuhan nila ang gagawin ko.
"Let's start the game." sabi ko.
"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ni MJ.
"Tumahimik ka! Makinig kayo sa sasabihin kong mechanics ng game. You will surely like this. First, i roroll ko yung dice. Pag one ang lumabas sa pag roll ko ay ang gagamitin kong gamit ay pako. Pag two kutsilyo. Pag three ay gunting. Pag four ay pins. Pag five ay screw driver at ang pang anim ay baril. Are you ready girls? Let's start the game. By the way, sino ang gustong mauuna sa iyo? Wala? Sige fishbowl method ang gagamitin natin. So guys, prepare yourselves." sabi ko na parang natatawa.
Sinulat ko ang mga pangalan nila sa papel at BOOM si Joliana ang una.
MJ's POV
Nakakatakot. Nakakangilabot.
Kami na ni Joliana ang susunod. Ayoko pang mamatay. Lumuluha na ako dito at pati na rin si Joliana ngunit nagtama ang mga mata namin ng killer. Kilala ko siya. Kilalang kilala ngunit di ko masabi sapagkat nakagapos kami at mayroong packing tape ang aming mga bibig.
Game? Pahihirapan pa niya kami. Di ko na kaya.
"Magbunyi ka na dahil Joliana, ikaw ang mauuna." humahalakhak niyang sabi.
" Di ba kayo natatawa? " dugtong niya pa.
"Please patayin mo na kami wag muna kaming pahirapan." lumuluhang sabi ni Joliana.
"Di niyo na mababago ang isip ko!" sigaw niyang sabi.
Sinimulan niyang i roll ang dice at habang kami naman ni Joliana ay maga na ang mga mata sa kaluluha.
"Two? Ready?" tumatawa niyang sabi.
"Arayyy! Shet!" sigaw ni Joliana dahil sa matinding sakit. Bigla nalang akong napapikit sapagkat hiniwa niya ang paa nito.
Napakabrutal niya. Ako na ang masusunod. Gosh.
"MJ? READY?" naka smile niyang sabi. Wow may gana pa siyang mag smile. Grabe ang kaba at takot ko. Ayoko na.
"One! HAHAHA" humahalakhak niyang sabi.
"Araaayyyyyy!!!!", sigaw ko at tumingin ako kay Joliana at kita sa kanyang mata ang mga luha.
Halinghing niya ang aking naririnig.
"Nawalan na ako nang gana. Mas maganda siguro kong patayin ko na lang kayo ng diretso." sabi niya ng nakangisi.
Kinuha niya ang baril at itinutok iyon kay Joliana at ipinutok iyon. Saktong sakto na tumama sa kanyang ulo at dahilan ng kanyang pagkabagsak. Ngunit habang bumabagsak siya sa sahig ay nag iwan na lang siya nang tipid na ngiti at nadatnan ko na wala na siyang malay.
At nakarinig din ako ng isang putok dahilan rin sa aking pagbagsak. At huli kong nakita ang mukha niya. Hindi kapani-paniwala na siya pala ang killer. Mautak siya. Nagbigay pa siya ng isang malaking ngiti bago ako nawalan ng malay.
Di niyo siya makikilala sapagkat napaka misteryoso niya.
Khloe's POV
Bigla akong may narinig ng napakalakas na sigaw. Mukhang galing kina MJ at Joliana. Lalakad na sana ako pabalik sa lugar kung saan sila MJ ngunit may nakita akong nakaitim at nakatabon ang mukha niya ng tela ngunit makikita parin ang kanyang mata.
Dahil sa takot bigla akong tumakbo patungo sa aking mga kaklase.
Parang nakikilala ko na siya. Mata pa lang parang alam ko na.
YOU ARE READING
You're Next
Misteri / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)