Chapter 26

65 9 35
                                    

Cherry's POV

Nakakapagod palang maghanap ng daan palabas. Tago pa naman ang paaralan namin kaya mahirap makahanap ng malulusutan dito.



Kasalukuyan kong kasama sina Andy at Nosy sa paghahanap, isa sa matatalik kong mga kaibigan.



"Nos, pagod na ako, pahinga muna tayo oh, " sabi ko sabay upo sa isang malaking bato.



"Ha? Ah, maghanap pa tayo. Alam kong may mahahanap tayo, " pagpapalakas ng loob sa amin ni Nosy. Si Andy din ay halatang pagod na pagod na dahil sa pawis na tumutulo sa kanyang suot.



Kanina pa kami naghahanap dito at nawawalan na ako ng pag-asa. Nakaabot na kami ng tanghalian pero wala pa rin kaming nakikitang daan pabalik. Hindi pa nga kami nakakakain eh.



Medyo kumakalam na talaga ang sikmura ko, nahihilo na rin ako. Sumandal muna ako kay Andy na nakaupo na rin ngayon sa aking tabi.



"Nos, nakakapagod na talaga, " sabi ko na mukhang nangiyak-ngiyak na din.



"Wag kang mag-alala che, makakahanap tayo ng daan palabas, " sabi naman nito.



"Hindi naman talaga nakakapagod maghanap ng daan eh, ang nakakapagod ay ang pagtago. Pagod na akong magtago sa pagiging matapang, duwag lang naman ako eh. Duwag ako, duwag!" hindi ko na mapigilan ang emosyon ko dahil sa mga nangyayari. "Pero hindi ko hahayaang matalo tayo ng killer, lalaban tayo hanggang sa huli, " tugon ko.



"Tama 'yan Che. Nandito lang naman kami ni Andy oh. Hindi ka namin pababayaan," sabay yakap namin sa isa't isa.



Ngumiti naman kami sa isa't isa pagkatapos nun. Kahit ano pang sinasabi ni Javier na sarili mo lang ang dapat mong pagkatiwalaan ay hindi ko 'yon paniniwalaan. Alam kong iba silang dalawa, pagkakatiwalaan ko sila.



"Maghanap na tayo?" sabi ni Andy sabay tayo at lahad ng kamay sa akin.Habang si Nosy naman ay nakangiti sa akin.



"Wait lang muna, pahinga muna tayo kahit saglit."



"Sige na nga pero kailangan kong bumalik muna--" hindi na napatapos ni Nosy ang kanyang sasabihin dahil biglang dumating si Arman.



"Nosy halika na, kailangan ka muna namin dun," sabay hila niya kay Nosy. "Dy at Cherry, pwedeng maghanap pa talaga kayo ng daan," pagbaling niya sa amin ni Andy.



"Sige," maikling tugon ko.



"Che, Dy mag-ingat kayo ha," sabi ni Nosy na halatang nag-aalala pero nginitian ko nalang siya para naman mapanatag ang kanyang kalooban.



"Sige, una na kami ha," sabi ni Arman sabay palayo kasama si Nosy.



Kami nalang ni Andy ang natitira dito at mukhang tumahimik ang paligid. Nagsimula nalang muli kami sa paghahanap ng daan upang makabalik kami ng mas maaga.



Mas natakot ako at hindi ko alam kung bakit, baka umiiral na naman ang pagkaduwag ko. Wag naman sana.



"Dy baka sa bandang kanan nun may makita tayong daan," sabi ko kay Andy sabay turo ang masukal na lugar.



"Hala, wag na Che. Nakakatakot kaya dun, " sabi naman niya. Walang kung ano-ano'y hinila ko nalang siya. Baka ito talaga yung daan.



Tinahak namin ang magkaibang daan upang mabilis kaming matapos.



"Aray! Wag ka ngang nanunulak, Che," tugon ni Andy na parang naiirita. Nairita din ako sa kanya, siya kaya ang nauna pero hindi ko lang pinansin dahil baka natatakot lang siya.



"Ikaw nga dyan yung nauna eh, " tugon ko naman sa kanya na magkasalubong ang kilay.



"Anong ako? Kanina pa kaya ako naghahanap dito tapos bigla ka nalang nanunulak, " pag-uulit niya.



"Hindi ako yun ha. At bakit naman kita itutula---" hindi ko na napatapos ang sasabihin ko dahil may sumulpot na nakapulang tela sa harap namin na may hawak na isang kitchen knife.



Kami na ba ang susunod? Jusko, wag naman sana.



Hihilahin ko na sana si Andy nang itinulak niya ako papunta sa killer at tumakbo siya sa kabilang daan upang makaalis na.



Hindi ko na muna pinansin ang traidoran na ginawa ni Andy sa akin at binaling ko na muna ang aking atensyon sa killer na nais akong saksakin.



Saktong nakaluhod naman ako dahil sa pagkakatulak sa akin kanina ay kinagat ko ang kanyang paa sabay pagtakas ko sa kanya. Tinahak ko rin ang daan kung saan tumungo si Andy.



Alam kong alam niya na nandito ang killer ngayon at siya ang nanunulak sa amin pero mas pinili niyang ilihim sa akin para makatakas siya. Akala ko ba kaibigan kami? Hindi pala.



Trinaidor niya ako.



Ang sakit na mismong matalik mong kaibigan ay hahayaang mapahamak ka, makatakas lang siya.



Gagawin ko ang lahat ngayon makatakas lang ako at sasabihin ko sa kanilang lahat ang pagtraidor na ginawa ni Andy. Nagulat naman ako na sobrang pamilyar ng killer, parang si---.



Naputol ang pag-iisip ko nang may tumakbo sa isang sulok kung saan ako nagtatago ngayon. Nakita ko si Andy na hinahabol ng killer, takbo lang talaga siya ng takbo hanggang sa madapa siya kasabay ng pagtaga ng killer sa kanyang balikat.



Kailangang may magawa ako, kahit papaano'y naging totoong kaibigan sa akin si Andy maliban kanina.



"Hoy! Layuan mo siya!" sigaw ko sa killer kasabay ng paglingon niya sa akin at humalakhak nang napakalas. May voice changer yata siya kaya di ko malaman ang kanyang boses.



"Bakit naman?" sabi niya gamit ang isang batang boses. Baliw yata 'to eh.



"Kasi, kasi kaibigan ko siya."



"Eh sa gusto kong pumatay eh, " doon na talaga ako kinilabutan at di pa siya nakuntento dahil sinaksak nang sinaksak pa niya si Andy na akala mo'y baboy ang kanyang pinapatay.



Nakita ko naman ang tumatalsik na dugo at dilat na mata ni Andy. Sinunog niya ang katawan nito kasabay ng pagsipa-sipa nang hindi pa nalalamon ng apoy ang katawan ni Andy.



Nang magising ako sa katotohanang wala na si Andy ay kailangan ko nang makatakas at humingi ng tulong.



Paglingon ko ay hindi ko inaasahang may sasaksak sa akin.



"I-ikaw?" gulat kong tanong.



Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng nangyayari, ay siya pala ang pumapatay.



Tinusok pa niya ng madiin ang kutsilyo hanggang sa mabaon ito sa aking tiyan. Mukhang hindi na ako tatagal, sana makaligtas ang mga natitira. Sana malaman na nila.

You're NextWhere stories live. Discover now