Chapter 30

90 10 58
                                    

Third Person's POV

Habang naglalakad ang binata pabalik sa kanyang tinahak na ruta, nagtataka parin siya kung ano ang ibig sabihin ng iginugit nang dilag. Napag isip-isip siya. 

"Konektado ba ito sa killer?", tanong ng binata sa kanyang sarili. 

Isang ibon?

Walang makalap na impormasyon ang binata sa kanyang isip.Naisip na lang niya na mas mabuti pang bumalik siya sa kanyang mga kasamahan. 

Ipaliwanag nang binata ang buong pangyayari. Sinabi niya rin na bago mawalan ng buhay ang dilag ay nag iwan siya ng kapirasong papel na ang nakalagay ay isang ibon. Isang ibin na hindi niya maintindihan kung ano ang kahulugan. 

" Mabuti at nakaligtas ka.", saad ni Riane. 

"Nakaligtas nga ako ngunit nabawasan na naman tayo.", malungkot na sagot ng binata.

Tumahimik ang lahat. 

"Iilan na lang tayo.", sabi ni Tessa. 

Tumango-tango ang iba niyang kasamahan. Napakalungkot dahil sa sandaling ito alam rin nila na iisa-isahin na sila ng killer. 

"Napakalungkot dahil alam kong dito na magtatapos. Bilang na lang tayong natitira.", napakalungkot na sabi ni Nosy subalit mayroon paring ngiting makikita sa kanyang mukha.

"Kumilos na tayo. Alam kong mayroong makakaligtas sa atin. Kahit hindi ako iyon, pangako magkakaibigan pa rin tayo.", paluhang sabi ni Riane. 



Javier's POV 

Pagkatapos ng drama namin kanina, umalis na ako dahil gusto ko na lahat kaming natitira ngayon ay makakaligtas. Umupo ako sa sulok isang abandonang lugar. 

"Alam kong hindi lang isa ang may kagagawan nito.", bulong ko sa aking sarili. 

Napagisipan ko rin na kung isa lang ang may gawa nito, makakaya niya bang patayin lahat ng to na walang kahirap-hirap? Imposible.

Lumakas ang ihip ng hangin. Sana'y maging payapa na ang lugar na ito. Paano magiging tahimik at payapa kong ang puno't dulo ay magkatulad? 

Flashback

"Kukuhain ko lang sa.locker ko ang mga gamit na gagamitin natin.", wika ni Stella. 

 "Sige, Stella.", sagot ni Wannah. 

Tandang-tanda ko na sinamahan ni Arman si Stella na kumuha ng gamit. Sinundan ko sila. Ngunit habang pahinto-hinto akong tumatakbo para sundan sila may nakita akong isang libro na puno ng mga drawing na may dugo at may nakasign na X. Habang sinusuri ko ang bawat pahina nito, may nakikita akong may nakasulat na mga numero sa sulok sa may ilalim na 131208

131208?

" Nararamdaman kong may kakaiba ngayong araw.", bulong ko sa aking sarili. 

Bigla nalang sumagi sa aking isipan ang panahon na iyon. Tama nga ang hinala kong may masamang magyayari sa amin. Ngunit inaalala ko parin ang librong iyon at ngayong nandito pa sa akin at hawak------ Teka, si Nicole yun ah. Bakit siya tumatakbo ng mabilis at parang natataranta? Alam ko kung saan siya patungo, sa library, kaya't sinunda ko siya. 

"Ayoko na.", humihikbing sigaw ni Nicole. 

Ayaw niya na?

"Hirap na hirap na akong magpangggap. Hindi ko rin kakayanin pang pumatay.", sigaw parin niya. 

Di ko natiis kaya't binuksan ko na ang pinto. 

"Pumapatay ka?", mahinang tanong ko.

"Magpapaliwanag ako, Javier", humihikbing sabi niya. 

"Traidor.", sigaw na sabi ko. 

"Sorry kung nag paalipin lang ako sa killer. Isa akong duwag. Alam kong maling- mali iyon ngunit gusto ko lamang na makaligtas ako at makaligtas kayo na makaligtas tayo subalit nararamdaman kong alam ng killer ang pinaplano ko kaya hindi muna ako nagpadalos- dalos. Sorry kung may mga pinatay ako. Wala din namang saysay dahil alam kong mamamatay at mamamatay din ang mga pinatay ko. May mga listahan ang killer at doon nakalathala ang mga kaklase natin. Sinasabi ko matalino siya, Javier.", pagpapaliwanag niya. 

"Sabihin mo, sino ang sa likod ng pangyayaring ito? Sino ang killer?", sigaw ko. 

"S-s--i...?", putol-putol niyang sabi. 

"Sino?", sigaw ko muli. 

"Si M---", hindi na nasabi ni Nicole sapagkat nahuli siya at nakita ko nalang na mayroon ng kutsilyo sa kanyang ulo, leeg at tiyan.

Dumadaloy na ang dugo sa kanyang katawan. Hawak-hawak ko siya at sandaling iyon pinipilit niyang magsalita ngunit hindi niya kaya. Kaya ginamit niya ang kanyang dugo at isinulat sa palad ko ang letrang W bago siya binawian ng buhay. 

W? Pamilyar

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

W? Pamilyar.

"Ngayon alam ko na.", bigla ko nalang nasabi sa sarili ko.  

You're NextWhere stories live. Discover now