Chapter 1

325 19 12
                                    


Nosy's POV

"Asan na ba sila?" Iritado kong tanong sa aking sarili.

Nandito ako ngayon sa isang plaza na may kalayuan sa aming bahay. Medyo makulimlim ang langit dahil hapon na din at mukhang uulan pa yata.

Kakaunti na lamang na tao ang natatanaw ko sa kalayuan. Talagang sa mga ganitong oras ay natutulog pa ang mga tao.


Nagtipa ako ng mensahe para kay Leigh, kaklase at kagrupo ko sa isang asignatura.

Ako:

Leigh asan ka na ba? Diba sabi ko 2:30pm tayo magkikita. Ako palang yung nandito. Bilisan mo na.

Sent


Naghintay ako ng mga ilang minuto. Maya-maya ay natanaw ko na siya mula sa kalayuan na nag-aayos ng kanyang tuwid na buhok sabay hawak nito sa kanyang bag na siguro'y paglalagyan niya ng mga materyales na gagamitin namin mamaya.


"Mabuti ka pa Stella at nandito kana, samantalang yon si Leigh eh ang tagal tagal." Medyo pagalit ngunit pagbibiro kong sabi.


"Ah eh oo nga." Sabi niya na mukhang nahihiya pa.


"Oh, andyan na pala siya. " Sabi ko nang may pagkagalak.


"Kanina pa kayo?" Tanong niya.


"Letse naman Leigh, nagtext ako sayo nu." May pagkairitado kong sabi.


"Dead battery na ako kahapon pa at di ko po mahanap yung charger ko kaya sorry naman." Sarkastiko niyang sabi.


"Kumpleto na ba yung mga dala niyong gamit?" Mahinhin na tanong ni Stella.


"Oo naman 'no. Ready na ako kanina pa, ewan ko lang sa isa dyan." Patama ko kay Leigh.


"Ikaw talaga Nosy." Sabi niya ng pahalakhak sabay hampas sa aking braso.


"Wag lang tayong magpapagabi ha. Nakakatakot kasi dun eh." Medyo may pag-aalalang wika ni Stella.


"Bakit natatakot ka ba Stella? Wahaha, wag kang matakot nandito naman kami eh." Sabi ni Leigh na imbis ibsan ang takot ni Stella ay mas lalo niya itong tinakot dahil sa tono ng kanyang pananalita.


"Hoy Leigh! Ano ka ba naman? Wag mo nga siyang takutin." Pagdepensa ko kay Stella.


"Bakit natatakot ka ba Stella?" Pagbaling ni Leigh kay Stella.


"Tama na nga Leigh. At ikaw Stel, uuwi tayo ng maaga kung matatapos natin to. Kaya bilis-bilisan nalang natin.


"Oh sige." Maikling tugon ni Stella.


"Oh sya sya, pumunta na tayo sa school para maaga tayong makauwi." Pag-iiba ko ng topic.


Pumara na kami ng tricycle papuntang school. Tahimik pa rin ang paligid at tanging tunog lang ng tricycle ang aming naririnig.



Boring naman kasi dahil ang tahimik tahimik ni Stella at medyo di ko siya feel tapos si Leigh naman himala at mukhang tahimik ngayon.


Matapos ng ilang minuto at nakaraos sa mukhang Biyernes Santong mga oras na iyon ay narating na namin ang paaralan.


"Bukas ba yung school?" Tanong ni Leigh.


"Salamat at bukas naman." Sabi ni Stella.


"Kukunin ko muna yung susi kay Manong guard at mauna na kayo sa classroom ha." Sabi ko sa kanila.


Tumango ang mga ito at tumungo sa aming silid. Medyo makulimlim na rin at mabuti'y nakadala ako ng payong.


Hinanap ko si Manong guard ngunit di ko siya makita. Pumunta nalang muna ako malapit sa covered court at nagbabakasakaling nandon siya.


Sa hindi kalayuan ay may naririnig akong nagtatawanang mga tao. Nakakatakot at nakakapangilabot ang kanilang mga halikhik.


Walang kung ano-ano'y pinuntahan ko kung saan nanggaling ang mga tawa ngunit may biglang humawak sa balikat ko dahilan ng pagsigaw ko. Natakpan niya agad ang aking bibig.


Unti-unti akong humarap at nakita ko sila Stella at Leigh na para bang pinapatahimik ako.


"Kayo lang pala. Tinakot nyo ako." Utas ko sa kanila.


"Pinuntahan ka namin sa guard house pero wala ka doon. Nag-alala kami dahil baka iniwan mo na kami." Sabi ni Stella.


"At saan naman ako pupunta?" Pagalit kong tanong.


Nanahimik nalang ito at nag-iwas ng tingin.


"Nosy may narinig kasi kaming tawanan eh. Baka may iba pang tao dito." Pagpapaliwanag ni Leigh.


"Oo nga, narinig ko rin yon. Tara puntahan natin." Sabi ko.


Unti-unti naming hinanap kung saan galing ang mga tawanan na 'yon hanggang sa napadpad kami sa likod ng stage.


Unti-unting luminaw ang mga tawanan at napagtanto naming sila Arman lang pala iyon, isa sa aming mga kaklase. Kasama niya ang ilang mga kaklase namin. May mga kagrupo din kami doon ngunit nauna na sila dito dahil hinintay ko pa sina Stella at Leigh.


"Kayo lang pala." Iritado kong sabi.


"Oo naman. Bakit parang iritado ka yata dyan?" Tanong ni Arman sabay hagikhik.


"Ah wala wala." Sabi ko nalang.


Natuklasan kong halos lahat kaming magkaklase ay nagkasundong ngayon magkikita para sa group project na aming gagawin.


Hanggang sa nagsidatingan pa ang iba at sa tingin ko ay kumpleto na kaming magkaklase. Hindi ko na kinuha kay Manong guard ang susi dahil day off niya daw ngayon.


Laki ang pagtataka ko kung bakit bukas ang gate ngunit hindi na ako nag-abalang tanungin pa iyon.


Sinabi rin nila, bukas na daw kanina pa ang classroom. Halos lahat kami ay nagkukwentuhan patungo roon.


Ang kaninang tahimik na paaralan ay napunan ng aming hagikhikan at kwentuhan.


Ano nga ba ang susunod na mangyayari sa amin?

You're NextWhere stories live. Discover now