Chapter 29

102 7 87
                                    

Kris Anne's POV 

Kanina pa ako nandirito sa silid na ito. Silid kung saan nagsimula ang lahat-lahat. Silid kung saan naging puno ng pagpatay sa aking mga kaibigan. 

Pagpatay na hindi na dapat napagdaanan ng ilan sa amin. Pagpatay na wala kaming kaalam-alam kung bakit ito ginagawa sa amin. 

Na maaari ring maging dulo ng kaniyang kasamaan. 

Kanina ko pa hinahalungkat ang bawat cabinet na nakikita ko rito. Pero puro lang mga testpapers ng mga estudyante ang naririto. 

Napaupo na lang ako sa sahig habang nakapatong ang dalawang kamay sa aking tuhod.

Wala na ba talaga? Wala na ba kaming magagawa? Dito na lang ba kami matatagpuan ng aming mga magulang? 

Hindi. Hindi. Makakaya namin to. Makakalabas kami dito ng buhay. At malalaman rin namin kung sino ang nasa likod ng mga nangyayaring ito at kung ano ang pinanghahawakan niyang dahilan para gawin niya sa amin ang karumal-dumal na trahedyang ito.

Ganun ba kami kasama? Para parusahan kami ng ganito? May ginawa ba kami? Para magdusa kami sa kasalanang wala kaming alam? 

Kung meron man, ano? Kailan? Dahil wala talaga akong maisip na sapat na dahilan upang gantihan kami sa ganitong laro na siya mismo hindi alam kung paano laruin ng patas.

Kailangan talagang may maisip na akong paraan o ideya manlang. 

Ideya. Ideya. Tama! 

"Kung hindi ko man siya makita o mahuli," bulong ko sabay hawak sa ilalim ng aking baba.

"Idadaan ko na lang sa mga bagay na galing mismo sa kaniya." dugtong ko sabay kuha ng bagay na pwedeng sulatan.

Napag-isip-isip kong mas mabuti yata kung ituon ko ang aking atensiyon hindi lang sa paano kami makakalabas rito, kundi sa kung paano kami mapapanatiling buhay. At upang makasiguro sa aming kaligtasan, kailangan naming maging alerto at mapagmatyag sa mga nasa paligid namin. 

Alam naman nating hindi natin hawak ang ating buhay. Na darating rin ang punto kung saan babawiin din sa atin ito, sa panahong hindi natin inaasahan. 

Pero tama bang kapwa mismo natin ang gumawa nito? Na sila ang tatakda sa ating kamatayan? 

Mukhang hindi na kailangan pa ng sagot. Dahil alam naman natin kung ano ang dapat.

Dapat na para sa iba ay isang malaking kabaliwan

Nagsulat na ako ng mga bagay na kadalasan kong naaabutan sa mga bangkay. Sa aking mga napapansin, sa ibang mga bangkay ay mayroong nakatabon na tela. Kung minsan ay itim, mayroon ring pula. 

At mayroon din siyang ginagamit na pinapatulo niya minsan sa ibang bangkay. Oo tama, naaalala ko pa noong ginawa niyang may lamay yung aming silid dahil sa mga nakasinding kandila.

Kandila? Kung pagbabasehan sa isang salitang ito, ay may kung anong tunog akong naririnig at may namumuong bagong salita na para bang dati ko pang alam. 

Hindi kaya konektado ito sa kaniya? Sa kaniyang karanasan? Sa pag-uugali? Sa sarili niya mismo?

Ako lang ba to, O sadyang nililito ulit kami ng salarin? Pero kahit papaano ay baka makatulong ito sa amin. 

K A N D I L A                K A N D I L A          

K A N D I L A                 K A N D I L A 

"Sandali nga." dahan-dahan kong sabi sabay ng pagkunot ng aking noo. 

May naalala akong isang bagay

You're NextWhere stories live. Discover now