Someone's POV
Hay nako, walang kwenta pala yung pagbalik ko kung saan ang mga mahal kong kaklase ngayon. Palaging si Santo nalang ang hinahanap.
Tinuluyan ko na sana silang dalawa ni Kristian. May pahanap-hanap pa kasing nalalaman.
Tingnan lang natin kung saan pupunta ang paghahanap mo.
Dahil sa abala ang aking mga kaklase sa paghahanap sa nawawalang si Santo at mga bagay na itinuro sa kanila nito upang matuklasan ako, ang killer, ay nagkaroon ako ng paraan upang makakilos at makabalik sa library.
Dali-dali akong naglakad habang nililingon sila at sigurado naman akong walang nakapansin sa akin.
Malapit na talaga at kamatayan niyong lahat.
Nang makarating ako ng library ay mabilis kong tiningnan kung ano na ang sitwasyon nina Santo at Kristian.
Talagang magbestfriend nga kayo. Parehas kayong uto-uto at matigas ang ulo. Ngayon katapusan niyo na.
"Ikaw Kristian, sayang naman kung mamatay ka ng maganda pa rin ang mukha, ano? Sige, pagandahin pa natin nito. " sabay kuha ko sa isang mumunting kutsilyo.
Hihilapin ko lang naman ang mukha ni Kristian.
"Masyado ka kasing pabida, ayan tuloy wala nang magliligtas sa Christie mo." sabay taas ko ng kutsilyo upang hilapin na sana ang mukha niya subalit may bumato sa akin ng libro.
"Aray! " sabi ko sabay hawak ng aking ulo.
Sigurado akong si Santo yun.
Humanda ka sa akin ngayon.
"Santo, Santo, Santo, bakit mo ako binato ng libro? Alam mo bang lalo akong nagagalit pagbinabato ako!" pasigaw kong sabi habang nanlilisik na ang mga mata ko sa galit.
"Ngayon, imbis si Kristian ang uunahin ko, magdasal ka na kasi nagbago na ang isip ko. Walang hiya ka!" Pasigaw kong sabi.
"Magkatayan na pero hindi ako magpapatalo sa 'yo." gigil na tugon ni Santo.
"Sige, tingnan lang natin kung aabot ka pa ng sampung minutong buhay. Bye Santo." sabay kaway ko sa kanya at paghagis ng kutsilyong hawak ko dahilan kung bakit napunta ito sa gitna ng kanyang ulo.
Talaga palang ang tigas ng ulo nito. Hindi manlang umabot sa mata ang hiwa.
Unti-unting humandusay sa sahig si Santo. Akala niya 'yan lang ang kanyang sasapitin, pwes, maling mali siya.
Pinagtataga ko pa si Santo sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Binuhos ko na ang buong lakas ko sa pagtaga nito.
Bukas pa ang kanyang mata kaya nakaisip ako ng paraan upang tanggalin ito.
'Yan ang napapala sa mga taong humahadlang sa plano ko, namamatay agad.
Habang pinagtataga ko ang katawan niya, may sumakal sa akin.
"Aray, bitawan mo ako!" sigaw ko sabay hawak sa kamay niya.
Mas lalo pa niyang hinigpitan. Pero hindi ako magpapatalo.
Akala niya ha.
Binunot ko ang isa ko pang kutsilyo at sinaksak siya sa tiyan. Diniin ko pa ng diniin para siguradong patay agad.
"Muntikan na 'yon ha." sabi ko na hingal na hingal kasabay ng pagpunas ko sa aking pawis.
"Wala kayong kwentang dalawa. Parehas kayong mahihina. Muntikan niyo pa akong patayin." sabi sabay hilap sa mukha ni Kristian hanggang sa di na siya makilala.
"Bagay sa inyo 'yan. Mga pakialamero kayo." sabi ko na hindi pa rin maalis ang pagkatakot ng kaunti at pagkagalit.
Sinipa-sipa ko sila bago inayos ang aking sarili upang bumalik na doon sa aking mga kaklase.
Pesteng mga 'yon. Muntikan na akong mapatay.
"Hindi ko na hahayaang may humadlang pa sa plano ko. Ako. Ako lang ang magwawagi sa larong ito. Ako lang." ani ko habang naglalakad sa may hall way papunta sa aking mga kaibigan.
"Muntik na talaga, mabuti nga marami akong kutsilyo." ang galit kong mukha ay napalitan ng ngisi.
Ready na akong suotin muli ang aking maskara sa pagharap ko sa aking mga kaibigan.
"Saan ka nanggaling?" tanong ni Kate.
Pinatay ko lang naman ang mga kaklase mo.
"Ah eh, may kinuha lang ako sa bag ko." sabi ko sabay ngiting pa-inosente.
Tumango siya sabay pagtalikod ko at ngumisi ng pagkagalak.
YOU ARE READING
You're Next
Misterio / SuspensoThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)