Chapter 7

146 17 16
                                    

Pauline's POV

Nandito kami hanggang ngayon sa paaralan dahil hindi pa natatapos ang aming proyekto.


Madilim-dilim na rin at baka wala kaming masakyan pabalik.


Naglalakad ako sa corridor kasama sina Khloe at Leigh upang tumungo sa covered court dahil doon ang lahat ng classmates namin.



Parang.....

Parang....

May nakalimutan ako.



"Uy, alah! Naiwan ko yung cellphone ko sa room. " May pag-aalala kong sabi kina Leigh at Khloe.


"Sabi ko naman kasi sayo diba kung may nakalimutan ka o wala? Sagot mo wala. " Paggalit na sabi ni Khloe dahil nakakalayo na rin kami sa aming classroom.



"Paano yan Pau? " Tanong ni Leigh.


"Mamaya mo na kasi balikan. " Dugtong naman ni Khloe.



"Eh hindi. Baka nagtext dun si mama. Jusko naman. " Sagot ko.



"Sige sige,  balikan mo nalang dun. " Saad ni Leigh.



"Natatakot ako. Khloe pasama oh. " Sabi ko sabay yugyog sa balikat ni Khloe.



"Pau please lang, pagod na ako ngayon oh. " Tugon ni Khloe na parang naiirita.


"Grabe naman 'to. Bahala na nga. " May pagtatampo kung sabi.



"Sige Pau, sumunod ka agad dun ha. Bilisan mo. " Sabi ni Leigh.



Tumango nalang ako habang tumalikod sa kanila, sabay nang pagtalikod nila sa akin.



Tinahak ko ang daan pabalik ng aming classroom. Mas lalong tumahimik ito dahil sa ako na lamang ang tao dito.


Mas mabuti pa kaninang tatlo kami para mas maingay ingay naman.



Nakakatakot talaga dito. Kung hindi lang talaga mahalaga sa akin yung cellphone ko, hindi ko na 'yon kukunin. Magdadrawing pa ako ng anime mamaya dun. Excited na ako.



Sa pagbukas ko nang nakasaradong pintuan ng room, nakakapanindig balahibo talaga. Shocks! May multo ba dito?



Sa paghahanap ko ng aking cellphone, parang may tao yata sa labas.



"Nako Khloe! Wag mo nga akong takutin. Di mo rin pala ako matiis 'no. " Sabi ko na may halong tawa.



Nawala ang mga ngiti ko nang wala man lang tumugon sa mga sinabi ko.



"Nako Khloe, humanda ka talaga sa 'kin mamaya." Dugtong ko pa.



Ang galing talaga ni Khloe ah. Natakot ako ng konti dun. Konti lang naman.



"Yes! Ayun. " Masigla kong sabi dahil nakita ko na ang cellphone ko.


Ngunit may natabig akong kape sa gilid nito dahilan kung bakit natapon.


"Hala! Pagminamalas nga naman. "Sabi ko sa kawalan.



Pumunta muna ako ng cr upang humanap ng basahan sa natapong kape. Sigurado akong kay Santo talaga 'to.



Ayan tuloy ang lagkit lagkit na nung kamay ko.


Hinugasan ko muna ang nakita kong basahan at habang ginagawa iyon, parang may naglalakad sa likod ko.



Sa paglingon ko, nagulat ako. Siya lang pala.



"Uy! Ikaw lang pala, ginulat mo ako. " Sabi ko sabay hawak sa dibdib dahil sa sobrang nerbyos.



Ngumiti nalang siya nang nakakapangilabot. Minsan talaga, weird talaga to.



"Pwede patulong magpunas? " Tanong ko sa kanya.


"Ayoko. " Mariin niyang tugon.


"Ay grabe ka ha." Di makapaniwala kong tugon.


"Joke lang, akin na nga yung basahan. " Sabi niya sabay abot ko sa kanya nito.


"Salama---" Hindi na ako nakapagsalita pang muli dahil sinakal niya ako gamit nito.


"Aray! Ano bang gina---" Kinaladkad niya ko patungong cr at duyon sinabunutan at inuntog sa pader.


Naduling yata ako at hindi na ako nakapaglaban pa. Ang sakit.



Ang sakit na ng ulo ko dahil sa pag-untog niya sa akin ng maraming beses.


May hinugot siyang patalim at sinaksak ito sa tagiliran ko at tinusok niya ito sa iba't ibang parte ng aking paa.



Kasabay pa nito ang pagtatadtad niya ng saksak sa aking katawan hanggang sa bahagi nitong nakapagpatulog sa akin habang buhay.



Someone's POV

Ang saya. Ang bango ng dugo ni Pauline. Ang hirap palang patayin ng babaeng ito, masyadong palaban.



Hinugot ko na ang kutsilyo ko sa bandang puso ni Pauline. Ang saya talaga.



" 1 down. 31 to go." Bulong ko sa aking sarili sabay paghalakhak ng nakakapangilabot.



Dali-dali na akong nagbihis at bumalik sa covered court kasi baka hinahanap na nila ako doon.


Ang saya nito.





Riane's POV

"Kate, nauuhaw ako. Pasama naman sa classroom oh." Sabi ko kay Kate na halata ang pagtutuyo ng aking lalamunan.


"Sige, nauuhaw na rin ako. " Pagsang-ayon niya sa akin.



Tumungo kami sa classroom. Habang naglalakad kami napansin kong madilim na nga. Kailan kaya kami makakalabas dito?


Binilisan namin ni Kate ang paglalakad dahil sa sobrang uhaw.


Nang makarating kami sa room, laking gulat namin sa nangyari kay Pauline. Ano to? Bakit ganito?


Brutal. Brutal talaga ang nangyaring ito.

You're NextWhere stories live. Discover now