Chapter 28

87 10 117
                                    

Nicole's POV 

Alam kong mali ang ginawa ko na kumampi sa killer pero para lang din naman yun kay Glea, sa kaibigan ko. 

Mali na kung mali, pero gagawin ko yun para makaligtas ako kahit hindi makaligtas ang iba. Masama man ang plano kong ito pero mas mahalaga pa rin yung sarili kong kapakanan kaysa sa kanila.

Traidor na kung traidor ngunit wala na silang magagawa, buo na ang desisyon ko.

Pinalaya ako ng killer kasabay ng pagkampi ko sa kanya. Alam kong masama pero kung hindi ko yun gagawin, baka ako rin ang mamatay. Ayoko nun. 

Iniwan ko nalang si Glea doon kasi siya na daw ang bahala sa bangkay. Huling sandali kong nakasama ang bangkay ni Glea bago ko ito tinalikuran sa huling pagkakataon. Masakit, ang sakit sakit pero kakayanin ko.

Bumalik ako na parang balisa sa aking mga kaklase, sana'y hindi nila mahalata na peke lang ito.

"Guys! Patay na si Glea! Wala na siya, " hagulgol kong tugon.

"Ha?! Paano? Anong nangyari, Nicole?" psh, ang daming tanong ni Arman. Kahit kailan talaga ang hirap takasan ang nga 'to eh. 

"Iniwan ko lamang siya saglit at sa pagbalik ko, patay na siya, wala na si Glea, " paulit-ulit na nasa isip ko yun. Parang mababaliw na yata ako. Mas maigi na yun para di ko maramdaman ang sakit dito sa dibdib ko. 

"Inuunti unti na tayo ng killer. Wag na tayong lalayo sa isa't isa, pakiusap lang. Ayokong may mapahamak pa, ayokong may mamatay na naman. Ilang oras na lang at makakalabas na tayo dito kaya magtulungan tayong lahat," pursigidong wika ni Ignite sabay tingin kay Kate.

"At ikaw, wag kang mawawala sa tabi ko ha. Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka, " pabulong na wika nito kasabay ng pagyakap niya kay Kate.

Bilang na ang mga oras niyong lahat. Mamatay na kayo. Ako lang ang makakaligtas at siya.

"Natatakot na talaga ako," tugon ni Tessa. 

"Huwag kayong matakot, nandito naman ako, " matapang na tugon ni Arman. 

Tignan natin kung saan pupunta ang pagiging matapang mo Arman sa oras na malaman niyo kung sino ang killer. 

Maswerte pala ako eh, na-extend pa ang buhay ko dahil dun. Muntikan na talaga. 


Ignite's POV 

Pagkatapos ng pangyayari tungkol kay Glea ay pinuntahan namin iyon. Sama-sama kaming tumungo doon at makukumpirma ko na isa sa mga kasama ko ngayon ang killer dahil walang umaatake, walang nababawasan sa amin. 

Nagmasid masid ako sa aking palagid at pinasadahan ng tingin ang bawat isa sa amin. Lahat kami ay tutok na tutok sa bangkay ni Glea ngunit pagkapunta namin sa lugar ay wala na ito. Baka nalinis na ng killer, ang bilis niya. 

Hindi nalang namin pinansin iyon at bumalik na sa nilipatan naming silid. Hindi ko maipagkakailang natatakot din ako sa mga susunod na mangyayari ngunit may dahilan ako kung bakit kailangan kong magpakatatag, ang babaeng nasa tabi ko ngayon, si Kate. Tinignan ko siya kasabay ng pagtingin niya sa akin at ngumiti kami sa isa't isa.

Itong babaeng 'to ang poprotektahan ko hanggang sa huli. Kahit ako pa ang mapahamak, kahit ako pa ang mamatay. 

"Nite, cr muna kami ni Riane ha. Doon nalang malapit sa stage kasi hindi mabuksan yung cr dito eh," sabi ni Kate na parang ihing-ihi na talaga.

"Sige pero sasamahan ko nalang kayo at baka may mangyari pa." 

Sabay kaming tatlo na tumungo sa cr at dahil iisa lang ang silid, si Riane nalang muna ang nauna. Mabilis lang na oras iyon at nakalabas na din siya habang si Kate naman ang susunod. 

You're NextWhere stories live. Discover now