Chapter 17

85 11 24
                                    

Third Person's POV

Ilang minuto na rin ang nakalilipas nang mahimasmasan ang iba nilang kasamahan.

Nanatili sila sa lugar na 'yon upang makasiguro sa kanilang kaligtasan na sila'y sama-sama at upang maisagawa ang plano nila Santo.


Sa oras ding iyon, may napapansing mali si Don. May nararamdaman siyang hindi maganda. May kutob siyang, parangay kulang.



Naglibot ang kaniyang paningin sa kaniyang mga kasamahan. Nang matiyak niyang tama ang kaniyang kutob, dali-dali niyang tinungo ang pintuan at dumaan palabas nito.


"Wag naman sana." bulong niya sa kaniyang sarili na animo'y may hinahabol dahil sa bilis ng pagtakbo nito.


Hindi na niya napansin ang pagtawag sa kaniya nina Arman at Blando na halatang walang kaalam-alam sa kung ano ang balak ni Don.


"Hala si Don! Saan naman kaya yun pupunta?" nag-aalalang tanong ni Nosy.


"Oo nga! Kanina ko pa napapansing may inaalala siya." sabat naman ni Leigh.



"Hindi kaya hinan---" naputol ang sasabihin ni Javier nang biglang sumingit si Santo.

"I've found it guys. Yes! I'm so smart!" masiglang sabi nito.


Agad naman siyang nilapitan ng iba upang tignan kung tama nga siya.


"Ito oh, look. Na trace ko na yung pinanggalingan ng video at may nakita akong isang bluetooth na ka connect dito sa bawat computers. Pero, I'm not sure kung dito nga ba sa----" hindi na napatapos ni Santo ang kaniyang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto.


"Sorry guys. Kailangan ko talagang mahanap si Don." sabi ni Christie sabay sara ng pintuan.


Aangal pa sana si Hannah, ngunit wala na siyang magawa pa.


"Oh Kristian, aalis ka rin?" tanong ni Yuan.


Napahinto si Kristian sa paglalakad at dahan-dahang napaharap.


"Kailangan kong makasiguro na babalik siya, babalik si Christie. Makakababalik siyang ligtas at walang kagalos-galos." sabay alis niya.


Hindi na siya sinundan pa ng kaniyang kaibigan dahil ipinagbawal na ito ni Blando.


"Wala nang lalabas pa. Mag tiwala nalang tayo na makikita si Don at makakabalik sila ng ligtas." maawtoridad na sabi ni Blando.


"Uhm, ano guys? May balak pa ba kayong malaman ang nakalap kong impormasyon?" naglalarong tanong ni Santo.


Tinanguan lang siya ni Javier bilang tugon.

"Ang bluetooth ay nanggagaling malapit sa may Teen Center." deretsang saad nito.

Nagtinginan naman ang ilan sa kanila na parang nag-uusap gamit ang mga mata at akmang aalis na sila nang muling nagsalita si Blando.



"Sandali lang! Hindi dapat tayo magpadalos dalos. Kailangan nating pagplanuhan to nang maigi." sabat nito.

Muli silang nag-usap-usap upang siguraduhan ang kanilang plano.

Pero ang hindi nila alam ,


Nakikinig lang din pala ang killer sa kanilang binabalak.




Kristian's POV

Kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ko makita si Christie. Sana mali tong nasa isip ko. Sanang walang mangyaring masama sa kaniya.



Nandito ako ngayon sa building ng Senior High, na tiyak kong makikita ko na siya dito dahil dito kasi yung paborito niyang lugar tambayan.


Minsan nga nahuhuli ko siyang nakangiting nakatunghay isa dito sa mga silid-aralan.




Na parang may gustong- gusto talagang siyang makita.



Tinatanong ko naman siya kung sino ang tinitignan niya, pero hindi niya ito sinasagot at pinapaalis pa niya ako, istorbo daw kasi ako.




Pero kahit hindi niya sabihin, alam ko kung sino ang sinusulyapan niya.





At masakit para sakin 'yun. Kung alam niyo lang.



Sa araw-araw na magkasama kami, lagi niya na lang kinukwento sakin yung naranasan niya kasama yung iba.



Magkasama nga kami, iba naman yung nilalaman ng isip at puso niya.





"Saan na kaya yun? Sana ligtas lang siya." kanina ko pang bulong sa aking isip.



Papasok na sana ako sa isa pang classroom nang biglang may narinig akong nagsalita.


"Kristian! Sandali lang, hintayin mo ako!" tawag niya sakin sabay takbo sa aking paroroonan.




Siya lang pala. Akala ko kung sino na.




"Oh, anong ginagawa mo dito? " maangas kong tanong.



"Sinundan kita." tugon niya.




"Ikaw lang mag-isa?" tanong ko at tinanguan niya lang ako.


"Eh pano kung may mangyari sa'yo dito? Edi ako pa ang mapagbintangan." sabi ko.



Pinihit ko na ang pintuan papasok sa silid.




"Gusto mo ng tulong?" tanong niya sa likod ko.



"Alam mo ba kung nasan siya?" tanong ko pabalik.




"Alam na alam." mapaglaro niyang saad.



Ha? Ano daw?



Kinilabutan ako sa kaniyang pagsabi. Ngayon ko lang kasi siya narinig na ganyan magsalita.



Haharap na sana ako sa kaniya nang mangyari ang hindi ko inaasahan.



Bigla niya akong hinampas ng kung anong mabigat na bagay na naging sanhi ng pagdilim ng aking paningin.




Hindi ako makapaniwala na siya lang pala ang gumagawa ng kalunos-lunos na pangyayari sa aming buhay.




Kala mo kung sinong mabait.



Yun pala may maitim na balak sa aming pagsapit.

You're NextWhere stories live. Discover now