Third Person's POV
Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa ang mga natitirang estudyante. Lalo na't wala silang kaalam-alam kung ano na ang nasapit ng dalawa nilang kasamahang hanggang ngayo'y nawawala parin.
Hindi rin nila alam kung ano ang dapat maramdaman.
Mayroong natatakot, kinakabahan, nalilito, nag-aalala, nanlulumo, at siyempre, may nasisiyahan.
Oo. May nasisiyahan sa tuwing may nakikitang nagdadanak na dugo na pagmamay-ari ng iba't ibang estudyante. Nasisiyahan sa tuwing may magmamakaawa. Nasisiyahan sa tuwing may napapatay.
Pero hanggang ngayon ay wala pa rin kahit isa sa kanila ang nakatitiyak kung sino nga ba ang gumagawa nito sa kanila.
Wala nga ba? Wala nga ba silang alam?
O sadyang nananahimik lang din para makaligtas?
Ngunit kahit anong gawin nilang paraan para makaligtas ay hindi sila magtatagumpay dahil simula't sapul palang, sila na mismo ang gumagawa ng paraan para mapalapit sa panganib.
At kahit anong balak nilang malutas ang trahedyang ito ay hindi nila iyon magagawa dahil hindi nila pinapansin at binibigyang halaga ang mga iniwang bakas ng salarin.
Ilang oras na ang nakalilipas nang bumalik na sina Arman at Javier sa silid kung saan pansamantalang nanatili ang kanilang mga kasamahan.
Hanggang ngayo'y naghihinayang pa rin sila kung ano nga ba ang sapat na dahilan kung bakit ito nangyayari sa kanila.
Kadahilanang mahirap isipin na dahil lang doon ay nakakaya niyang patayin ang mga kasamahan niyang itinuring siyang kaibigan, maging kapatid at karamay.
Ngunit para sa kaniya, nakikita niya lang itong isang malaking palabas.
Blando's POV
Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mga mata.
Nakakainis naman eh! Hindi ba nila pinatay yung ilaw?
Pero sa pagkakatanda ko, in-off naman ito ni Nicole.
Gumising nalang ako at bumangon mula sa pagkakahiga. Nagulat nalang ako nang napagtanto kong sinag ng araw ang ilaw na inakala kong galing sa bombilya.
"Umaga na pala," bulong ko sa hangin.
Tinitigan ko naman ang aking mga kasamahan na hanggang ngayo'y natutulog parin.
Ngunit mukhang may kulang. Nasan si------
"Buti naman at may gising na." sulpot niyang sabi.
Sabi na nga ba eh.
Hindi ko siya sinagot at pinagmasdan lang siyang binubuksan isa-isa ang mga locker.
"Hindi mo ba sila gigisingin?" Sabi niya pa habang patuloy lang sa pagbubukas.
"Mamaya na, mukhang napasarap tulog nila eh," sagot ko habang sinisilip ang nasa labas.
Grabe. Hindi ko lubos mawari na napagdaanan namin 'to.
Kumakailan lang ang saya-saya pa namin, ngunit anong nangyari? Bakit nagkaganito?
"Mukhang mga anghel diba?" rinig kong wika niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.
Nakasulyap lang ito sa mga natutulog naming kasamahan na mukhang may iniisip.
Oo nga, ang himbing-himbing ng tulog nila. Kung walang nangyayaring ganito sa amin, hindi ko aakalaing may pinagdadaanan ang mga ito.
Ang aamo nga ng mga mukha.
Mga mukhang paniniwalaan mo talaga. Mukhang bibigay sayo ng pag-asa. Mukhang hindi mo magagawang pagbintangan. Mukhang hindi mo inaasahang gagawa ng kagimbal-gimbal na pangyayari.
"Mukha nga lang," rinig kong dugtong nito.
Naintindihan ko siya. At tama nga si Javier. Maaari kaming linlangin ng isa sa mga ito. Pero hindi ko sigurado kung sino sa mga ito ang kaaway o kakampi.
Glea's POV
"Pumili na kayo ng gustong niyong makasama. Basta bawal ang mag-isa para makasiguro tayo." dugtong pang paalala ni Blando bago tuluyan nang naghiwa-hiwalay.
Kasama ko si Nicole, habang sina Blando at Yuan naman, Ignite at Javier, Riane at Kate, Nosy, Cherry at Andy, habang sina Arman, Tessa at Kris Anne ang magkakasama.
Napagplanuhan naming maghiwa-hiwalay nalang upang mapadali ang paghahanap ng lagusan, tutal maliwanag na rin naman, sapat para makita ang anumang mahahalagang pangyayari at bagay na maaari naming magamit.
"Uy Glea, wag ka ngang dikit ng dikit sa akin. Ang init init na nga eh." singhal niya habang ako'y nagmamanman lang sa aming paligid.
"Kasalanan ko bang matakot ako? Siyempre kinakabahan rin ako, malay ba nating nandito lang siya ngayon," pabulong kong sabi sa kanya habang patuloy lang sa paglalakad.
"Sige Glea, takutin mo pa sarili mo. Ano ka ba, kailangan pa nating maghanap ng daan palabas. Kaya tara na." sabi niya habang may sinisilip.
Sinilip ko rin kung ano ang pinagmamasdan niya sa isang silid.
Wala namang kakaiba sa loob. Mga silyang nakatambak sa bandang likod, pisarang may iba't ibang nakasulat na mukhang nakalimutan linisin, mga lockers na may mga desenyo. 'Yon lang naman.
Ngunit may kakaiba sa bawat silya na mayroon dito.
Dahil may nakalaylay na mga telang itim sa lamesa nito. Telang may pinta.
Pinta ng dugo.
Tela? Tela pa talaga ang ginamit niya ah.
Alam kong dugo dahil sa pagkakaiba nito sa ordinaryong kulay ng pulang pinta.
At dahil sa pagiging artist ko, natutunan ko ang ibang klaseng pagpipinta. At sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi ito ipininta.
Mukhang nanggaling ito sa mga pagbahid ng dugo sa tela na nagiging abstract.
Maganda sana ngunit sigurado akong galing ito sa mga kasamahan kong pumanaw na.
Papasok sana ako nang biglang pinigilan ako ni Nicole.
"Huwag kang papasok. Delikado." madiin niyang bigkas.
Naintindihan kita Nics, ngunit kailangan kong gawin ito. Baka may makuha akong ebidensiya sa loob. Baka may naiwan siyang bagay na makapagtuturo sa kaniya.
Hindi natin alam, malay mo.
Ngunit bibitaw pa lang sana ako sa pagkakahawak sa akin ni Nicole nang biglang may narinig kaming kaluskos ng mga damo.
Lilingon na sana ako sa pinanggalingan ng ingay ng biglang may sumunod pang nangyari na lubos kong ikinahina.

YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)