Chapter 20

95 11 43
                                    

Third Person's POV

Halos nakasampung oras na silang namamalagi sa kanilang paaralan na kung saan nangyari ang karumal-dumal na pagpatay sa kanilang labingtatlong kasamahan.

Hanggang ngayon ay palaisipan parin para sa kanila kung sino nga ba ang tunay na salarin at kung ano ang rason niya kung bakit niya ito ginagawa.

Kaya itinuloy nina Paul ang kanilang plinano na pumunta sa sinabing lugar kung saan natrace ang kuta ng killer, pero ang pinagtatakhan nila ay ang hindi pagbalik ni Santo.

Ang iba naman sa kanila ay piniling manatili sa kanilang silid upang makapagpahinga, at para narin makasiguro sa kanilang kaligtasan.

Dahil hindi nila alam kung kailan at saan aatake ang killer. At kung sino sa kanilang natitira ang isusunod nito.

"Mag-ingat kayo ah, kung may mapansin man kayong kahina-hinala, agad niyo itong ibahagi sa iba para maalarma sila." pagpapaalala ni Ignite.

"Wag niyo kaming alalahanin, kayo ang mas mag-ingat. Baka hindi niyo alam, nasa likod niyo na pala ang salarin at, sinaksak kana." sabi ni Javier na may halong pagbabanta.

Natakot naman ang ilan sa kanila at parang ayaw na umalis dahil sq kilabot na dulot ng mga sinabi ni Javier.

Ngunit ang ilan sa kanila ay parang tumalim ang titig at meron ding tumatawa sa kaloob-looban.

"Oh siya, aalis na kami. Asahan niyong babalik kaming may natuklasan." saad ni Paul.

Sumunod naman sina Yuan, Ignite, Nicole, Glea, Cherry, Andy at Nosy.

Habang ang natira ay nasa silid lang, nagdarasal ng taimtim para nagabayan sila.


Andy's POV

"Oh siya, aalis na kami. Asahan niyong babalik kaming may natuklasan." sambit ni Paul.

Naku, naku, naku naman. Pagminamalas nga naman oh! Badtrip. Kainis!

Hindi kasi dapat ako sasama sa mga 'to, kaso itong si Nosy pinilit ako, kasi daw baka may maitulong siya. Tapos tinanong ko naman kung bakit kailangan pa namin ni Cherry sumunod. Eh para daw icheer siya. Tsk.

Habang naglalakad kami patungong teen center, may naramdaman akong ibang tao maliban sa amin.

Parang may nagmamasid sa amin na hindi ko maintindihan, parang malapit lang siya.

Pero hindi ko yun sinabi sa kanila dahil baka pati sila eh matakot pa.

Nabalik ako sa aking sarili nang makarinig ako ng kakaibang tunog, tunog na nagpanindig sa aking mga balahibo.

Pintuan lang pala. Pero bakit ganun, iba ang epekto sa akin? Parang may masama akong kutob sa mangyayari.

"Guys, eh kung bumalik nalang kaya tayo? Baka patibong na naman to." pabulong na sabi ni Nicole.

"Ano ka'ba Nics? Nandito na tayo oh. At huwag kang mag-alala, akong bahala sa inyo." concerned na sabi ni Paul.

Hindi lang pala ako ang nag-iisa na nakapansin. Akala ko napapraning na ako dahil sa mga naiisip ko, buti nalang sumabat si Nicole. Pero, tama bang pumasok kami dito?

Paano kung nang dahil dito eh,

May mawawala na naman,

Magbabalik ang hindi inaasahan,

O pwede ring may mamamatay ulit sa amin.


Someone's POV

Damn it! Hindi dapat siya sumama dito! Baka ano pang mangyari sa kaniya! Ang tigas talaga ng ulo!

You're NextWhere stories live. Discover now