Riane's POV
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang karumaldumal na nangyari sa kaibigan kong si Daphne. Alam kong may nangyari nang masama sa kanya.
Pati rin si Kate ay tulala dahil sa pangyayaring iyon. Parang kailan lang buong-buo pa kami at masaya.
Walang puso ang pumatay sa kanya.
Magbabayad siya.
Someone's POV
Magaling, magaling, magaling. Ang galing ko talaga. Akalain mo 'yon, nakapatay lang naman ako nang isa sa mga mahahalagang kaklase ko.
Hindi pa nila napansin yung pagpatay ko sa kanya, pagsineswerte ka talaga.
Unfairness, ang talino ni Daphne ha. Pinatay niya lang naman yung sarili niya, ayaw niya sigurong pahirapan ko siya pwes nagkakamali siya.
Humugot ako ng isang matalim na kutsilyo galing sa aking koleksyon at pinagtataga ang katawan ni Daphne.
Pinagpuputol-putol ko na rin para mas exciting at mas bloody.
Uhm, sarap naman. Akala mo Daphne ha, bago ka tuluyang mamatay, papatayin pa kita ng papatayin. Double dead ba.
Sige, tutal may awa naman ako, nilapag ko na ang kutsilyong hawak ko at mabilis na itinago.
Mabuti nga may apron ako para hindi madumihan yung damit ko.
May laro pa pala akong ipapakita sa mga mahal kong kaklase.
"Sige Daph, una na ako. Bye." tugon ko na may ngiti sa labi bago umalis.
Mga tanga naman yung mga kaklase ko 'no? Hindi ba nila ako hinahanap? Natural naman kasi diba, busy sila sa kakahanap sa killer, andito lang naman oh. Buksan lang nila yung mga pesteng mata na 'yan.
Nang makabalik na ako kung saan sila naroroon, pasimple akong nakisiksik at pinundot ko ang button para umandar na ang aking nirecord na boses.
Ready for the play.
"Good evening classmates. Ready na ba kayo? Pero kahit ready or not ready, mamamatay pa rin naman kayo. Umasa nalang kayong maganda yung pagkapatay ha. Wag kayong mag-alala, gagalingan ko. Please cooperate with me and proceed to the com lab. Please. " sabi ko sa nirecord kong mga salita. Pinalitan ko lang naman yung boses ko para hindi mahalata.
"Uy, ano kaya yung plano ng killer?" tanong ko kay Glea.
"Hindi ko rin nga alam pero mas mainam na pumunta tayong com lab para makita kung ano ang nais niyang iparating. Wag lang tayong maghihiwalay ha. " sabi naman ni Nicole na isa sa mga tatapusin ko rin. Malapit na. Humanda siya.
Naglakad papuntang com lab si Nicole at sinundan naman ng lahat.
"Tingnan lang natin kung di kayo makilabutan. " bulong ko sa aking sarili sabay ngisi at pumunta sa direksyon nina Nicole.
Pagkarating namin ng com lab ay biglang magbukas ang projector at nagplay ang isang video.
Naaayon talaga lahat sa plano ko.
Makikita sa video si Pia na nasa isang upuan at ito'y nakatali ang mga paa at kamay. Nilagyan ko nalang din ng tape ang bibig baka kasi pumalag pa.
"Hala! Anong ginawa niya kay Pia? " tanong ni Glea.
"Baka bago aksidenteng napatay nina Ignite si Pia ay pinahirapan pa ito ng killer?" may pag-aalalang tugon ni Riane.
Walang sumagot sakanya dahil tutok na tutok ang lahat sa inihanda kong palabas para sa kanila.
Humugot ako ng kutsilyo sa video at dahan-dahang inalis ang tape sa bibig ni Pia gamit nito. Nakaramdam ito ng sakit dahil sa talim ng kutsilyo.
Bigla na lamang itong nagsisisigaw dahilan kung bakit ako kumuha ng sinulid at karayom. Ang ingay kasi eh. 'Yan ang napapala ng mga maiingay, dapat tinatahi ang bibig.
Ang saya nito.
Dahan dahan kong tinahi ang bibig ni Pia habang ito'y dumudugo. Puro galos at pasa na rin siya.
Dahil sa magaling siyang sumayaw, binali ko ang buto niya sa kamay at ginuhit-guhitan pa ang kanyang paa.
Sinaksak ko ang kanyang tagiliran at idiniin ko pa para mas maganda.
Pero sa tingin ko, kaya niya pa namang humingi ng tulong kung sakali.
Muling akong nagsalita sa video.
"Ito. Itong babaeng 'to ang isa sa mga hadlang sa plano ko. Kayong lahat ay hadlang sa plano ko kaya papatayin ko kayo isa-isa, brutal kung brutal at laro kung laro. Umaga man o gabi, may mamamatay at mamamatay. " tugon ko sa video bago naputol ito.
Hay salamat! Kaunti nalang at mauubos na sila.
Goodbye my dear classmates.
Umalingawngaw ang napakalakas na pag-iyak ng mga kaklase ko sa loob ng com lab.
Habang ako eto, nakikisali rin sa kanila pero hindi ko maiwasang ngumisi.
"Walang awa siya! Walang awa ang pumatay kay Pia. " sabi ko na mukhang mangiyak-ngiyak nalang din.
"Magbabayad siya. Hindi ko hahayaang may mamatay pa. Kaya simula ngayon, ang sarili lang natin ang dapat pagkatiwalaan. Dahil kung minsan, nasa tabi mo lang siya. Isa lang sa loob ng laboratoryong ito. " tugon ni Javier na hindi makapaniwala sa hirap na dinanas ni Pia.
"Papatayin ko siya. Papatayin ko ang lahat ng pumatay sa mga kaklase natin. Wala siyang awa! Mamatay na siya. " umiiyak na sabi ni Hannah.
Sige patayin mo kung mapapatay mo. Subukan mo lang, uunahin kita.
"Tama na Han, hahanapin natin kung sino man ang pumatay sa mga kaklase natin. " utas ko sabay hagod sa likod ni Hannah.
Tumango naman siya.
Ang galing kong umarte.
Malapit na talaga. Malapit na kayong maubos.
Sa larong ito, kayo ang unang-unang mamamatay. Kayo lang ang mamamatay at ako ang papatay sa inyo.
YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)