Someone's POV
Kasalukuyan kong tinatanaw ang babaeng naging dahilan ng masalimuot kong buhay. Ang babaeng iniidolo ko noong una palang na hindi ko inaakalang magpapabago sa pananaw ko sa buhay.
Maganda, maputi, itim na itim na mga hibla ng buhok at pati ang kaniyang mala anghel na mapupungay na mga mata, hindi ko ikakaila na maraming nagkakagusto sa kaniya.
Matalino siya, napakabait at higit sa lahat, mahal na mahal ako.
Yan ang impresyon ko sa kaniya. Ngunit hindi ko inaasahang ang pagtitiwala ko sa kaniya ay hahantong lang sa ganito.
Di bale, alam kong gagawa siya ng paraan.
Patuloy pa rin ako sa pagmatyag sa kaniya. Ang saya-saya niya, iniisip pa ba niya ako? Na mayroon pa siyang dapat asikasuhing mas importante kaysa diyan?
Nagulat ako nang mapagtanto ko ang sumunod na nangyari.
" Waaaggg! Tulong! Tulong, please tulungan niyo ako" rinig kong paulit-ulit niyang sigaw.
Sa huling pagkakataon ay nagtama ang mga mata namin, mga matang hihilingin mong huwag mo nalang sanang nakita.
Sabay bigkas nito ng salitang wala kahit isang gumawa.
"Tulong."
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at agad na nagising.
Nagpalinga-linga pa ako kung may taong nandirito, at kung sinusuwertihin nama'y, wala ang aking mga mahal na kaibigan.
Pinagpapawisan na naman ako nang dahil doon. Nang dahil sa panaginip na iyon.
Ang pangyayaring matagal nang nakalilipas na lubos kong ikinagalit at ikinalungkot.
Pero at the same time, masaya ako.
Oo ang saya-saya ko, dahil sa wakas ay nabuhay rin ako bilang normal na tao.
Bilang ako.
Third Person's POV
Walang humpay pa rin sa paghahanap sina Arman at Javier. Kahit na nakabalik na ang iba nilang kasamahan, ay patuloy parin sila sa paglilibot, nagbabakasakaling hindi pa siya nakakalayo.
Hindi nila sinunod ang bilin ni Blando na manatili lang sa silid dahil nag-aalala na sila sa kalagayan ng dalawang dilag, lalong lalo na si Arman.
May hinala man ito pero isinantabi niya lang muna ito at nagpokus sa paghahanap.
"Ano Vier, nakita mo?" hapong tanong ni Arman nang magkasalubong ang dalawa sa isang pasilyo patungong Principal's Office.
Nagpalinga-linga lang ang ulo ni Javier bilang tugon habang nakahawak sa dalawang tuhod na halatang napagod sa kakahanap.
"Wala talaga?" pag-uulit ni Arman.
"Wala talaga." diretsang sagot nito.
Halata ang pagkadismaya ni Arman at kasabay nito ang pagsipa niya sa isang bato at pagsapo sa kanyang ulo.
"Hannah, nasan ka na ba talaga? Bakit ka pa kasi lumalayo-layo pa sa amin, sa akin? Alam mo namang delikado eh, ano ba kasi yun ha?" iyak na tugon ni Arman.
YOU ARE READING
You're Next
Misterio / SuspensoThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)