Chapter 8

132 14 13
                                    

Blando's POV

"Chill lang guys, ok? Hindi naman kailangang mag-away at magsigawan eh. Rela------." may sasabihin pa sana si Yuan, kaso pinutol na ito ni Khloe.


" Chill? Relax? Sa tingin mo ba, makakarelax  pa ako kung nalaman kong patay na bestfriend ko?! Ha!?Brutal, Yuan brutal! Wag ka ngang magmarunong diyan! Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo alam pinagdaanan ko.Kung gaano kasakit dito oh!" iyak ni Khloe sabay turo sa kaliwang bahagi ng dibdib.



Natigilan naman si Yuan sa mga sinabi ni Khloe at biglang natahimik ang paligid. Nabasag lamang ito nang bahagyang tumawa si Yuan sabay taas ng dalawang kamay na nagpapahiwatig ng pagsuko.




" Fine, sorry. Just stay safe." at bigla na lang siya naglakad paalis.



"O Yuan, saan ka naman pupunta? Alam mo namang delikado, aalis kapa. Eh kung may mangyari sa 'yo?" pag-aalalang tanong ni Leigh.




Tumigil si Yuan sa paglalakad at nanatiling nakatalikod.



" Doon lang ako sa Teen Center tatambay. Wag kayong mag-alala, kaya ko sarili ko at kung may kailangan man kayo, punta lang kayo doon." sabay kaway niya paalis.


Pinuntahan naman ng iba si Khloe at binigyan ng tubig para mahimasmasan at upang maalalayan na rin dahil mukhang matutumba na siya.


Mayroon namang nasa tabi lang, umiiyak dahil sa sobrang takot at pagkabigla sa nangyari.



Hay. Hindi ba nila napapansin na ito ang gustong mangyari ng kung sino man samin?


O mas mabuting sabihin kong killer? Na nakikita niya kaming nag-aaway.


Siguro, sobrang saya na niya ngayon sa natunghayan niya kanina lang.



" Guys paano na 'to? Anong gagawin natin?" nanginginig na tanong ni Riane habang pinapakalma si Khloe na mukhang hindi mapakali.



"Kailangan talagang alamin  ko na kung sino may kagagawan ng lahat ng to. Hindi ko na hahayaang may mangyari o mapahamak pa sa amin, lalong lalo na siya. Kahit sa ganitong paraan lang man ay maipadama ko na sa kanya 'tong nararamdaman ko." bulong ko sa aking sarili.



Muli akong nabalik sa aking huwisyo nang may nagsalita.


"Isa lang naman ang solusyon dito eh, ang umamin. Yun lang." sabat ni Javier.



" So sinasabi mong isa satin ang pumatay kay Pau pau?" paghihinayang na tanong ni Tessa.



" Sang- ayon ako kay Javier. Yun lang naman kasi ang posible eh. Sa tingin ko." sabi ko.


" Pano ka naman nakasisiguro diyan, ha? O, baka naman alam mo na kung sino ang may kagagawan nito pero nag mamaang-maangan ka lang diyan. O di kaya'y ikaw mismo ang may gawa?" matapang na tugon ni Nosy na kay Javier mismo nakatutok ang dalawang mata.



"Isipin niyo nalang ang gusto niyong isipin, pero isa lang naman ang dahilan eh," at unti- unting inangat ni Javier ang mukha." Planado ang pangyayari. Marami kayong pwedeng paghinalaan. Pwedeng ako, ikaw, katabi niyo, o kahit ang itinuturing niyong kaibigan. Sarili niyo lang ang pwede niyong pagkatiwalaan." saad ni Javier.



Napaisip ako sa sinabing iyon ni Javier. Lalong lalo na sa sarili lang daw namin ang kakampi namin. At maaari daw malapit na kaibigan lang din namin ang may gawa?


Sandali lang, kung pagbabasehan ang mga sinabi ni Javier, maaaring tama ang hinala ko. Pero kailangan ko pa rin ng pruweba na magpapadiin sa kaniya.


You're NextWhere stories live. Discover now