Author's Note: Please play the multimedia above para maramdaman lalo ang mga intense na pangyayari sa chap na 'to. Thanks!
-----------------------------------------------------------Yuan’s POV
“Di naman pala siya mahirap patayin. Pare-parehas lang silang duwag. Parehas lang sila lahat.” bulong ko sa aking sarili.
Tinahak ko ang landas kung saan patungo sila Javier dahil nakita ko kasi sila kanina. Ayaw ko nga munang patayin si Blando ngunit kailangan upang masundan ko sila sapagkat alam kong di kaya ng isa kong kakampi na patayin silang lahat.Sino kaya ang magandang unahin?
Haha. Alam ko na.
“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng sampu, magtago na kayo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam… sampu! Magtago kayong mabuti kung gusto niyong mabuhay. Let the games begin.” sabi ko na may halong tawa.
Tessa’s POV
Tumago ako sa ay likod ng silid-aralan namin. Kasama ko si Nosy na ngayo’y nanginginig na sa takot. Naghiwa-hiwalay kami sa sobrang takot.
“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, pagbilang kung sampu, magtago na kayo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam… sampu. Magtago kayong mabuti kung gusto niyong mabuhay. Let the games begin.” rinig kong sabi ni Yuan.
WAIT… YUAN?
Nosy’s POV
“Tess si Yuan ba yun? SIYA?” sabi ko na may pagtataka.“Boses niya yun. Siya nga.” sabi ni Tessa. “Malapit lang siya sa atin. Shhhh..” dugtong niya.
Tumahimik na ako ngunit may nagsalita ulit.
“Aba ang gagaling magtago nang mga 'to. Mukhang mahihirapan ako.”, natatawa niyang sabi.
Sumilip ako sa may bintana ngunit nakita kong papunta siya sa kinaroroonan namin ni Tessa.
Shit!
“Tess, papunta na siya dito. Anong gagawin natin?” mangiyak ngiyak kong sabi.“Shhh… tumahimik ka lang Nosy at magtago tayong mabuti.” mahinahon niyang sabi.
“Usog.” mahina kong sabi kay Tessa. “Usog pa.” dugtong ko.
Habang umuusog si Tessa, bigla niya nalang natapakan ang isang kahoy sa kanyang gilid. At nagtamo ito nang mahinang tunog ngunit alam kong narinig na iyon ni Yuan.
“Malapit na ako.” nakakatakot na sabi ni Yuan.Nakita ko ang kanyang anino na papalapit na sa amin. Pinagmasdan ko siya ngunit nakita niya ang mga mata ko na nakatitig sa kanya.
Shit!
Tumakbo siya papalapit sa amin ngunit nauna na kaming tumakbo. Maputik pa ngayon dahil sa malakas na pag-ulan kanina. Sadyang ang buwan nalang ang nagsisilbing ilaw namin habang tumatakbo.“Takbo, takbo pa. Maabutan ko rin kayo.” sigaw niya.
Hingal na hingal kaming tumatakbo ni Tessa at napalingon ako sa aking likuran upang tingnan kung sumusunod pa si Yuan ngunit wala na siya. Parang nabunutan ako nang tinik dahil doon. Lumuwang ang aking paghinga.
Tumago ulit kami sa napalaking puno sa pinakasulok nang paaralan. Nagpahinga kami saglit subalit may naramdaman akong masakit sa may bandang tuhod nang aking katawan. Napangiwi nalang ako dahil sumakit ito lalo nang binunot ko ang isang karayom na tumagos sa aking balat. Nakaramdam ako nang panghihina. Natigilan si Tessa at naghanap siya sa gilid namin ng dahon at lubid pangharang dito dahil sa sobrang pagdurugo nito. Sa tingin ko ay may lason ang mga karayom na ito kaya ay unti-unti na akong nanghihina.
Yuan’s POV
Inisahan ako nang dalawang iyon. Ang bibilis tumakbo.
“Naisahan ka na naman.” salubong na bati ng kakampi ko.“Hindi ah, mabuti at nasentro ko sa tuhod yung isa kaya nanghihina na yun sa ngayon.” hambog kong sabi.
“May utak ka rin pala.” sabi nito.
“Aba syempre ano akala mo sakin tanga? Hindi porket ikaw ang may pasimuno nito, ikaw lang ang pwedeng makagawa nun." suhestiyon ko naman.
“Sinabi mo pa.” sabi niya na may halong tawa. “Maaasahan ka talaga.”, dugtong niya sabay tapik sa balikat ko.
“Nga pala, saan yung iba?” tanong ko.
“Wag munang aalahanin yun, mag pokus ka muna sa dalawa.” sabi nito.
“Sabi mo eh.” tugon ko.
“Bilisan mo. Lampasuhin mo na yung dalawa.” sabi nito.
Napatango nalang ako at naghiwalay na kami nang landas.
Javier’s POV
“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, pagbilang kung sampu, magtago na kayo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam… sampu. Magtago kayong mabuti kung gusto niyong mabuhay. Let the games begin.” sabi ni Yuan.
Tama nga ako, di makakapagtiwalaan ang isang to. Boses niya yun panigurado ngunit alam kong malayo ito ngunit rinig na rinig dahil sa malakas na pagkasabi nito. Akala niya maiisahan niya ako pwes di ako madaling lokohin.“Teka, saan pala si Blando?” tanong ko sa aking sarli.
Baka ano na ang nangyari dun. Ang alam ko sabi ni Don sinundan daw ni Blando si Yuan. Bakit andito si Yuan ngayon di kaya ay pinatay na siya ni Yuan?Ito ang tanong na hindi ko masasagot.
Don’s POV
Nakahiwa-hiwalay kami nang dinaanan. Nalulungkot ako at baka may mawala na naman sa amin.
Habang lumalakad ako upang makaupo sa puno. Bigla nalang akong may naapakan. Mga Bangkay.
Mga Bangkay nang mga kaklase ko. Pilit kong tinatakpan ang aking bibig ng kamay upang di ako makagawa nang tunog na ikakapahamak ko. Kahit mahina mang tunog alam kong maririnig iyon ng killer. Malakas ang kanyang pandinig.
“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, pagbilang kung sampu, magtago na kayo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam… sampu. Magtago kayong mabuti kung gusto niyong mabuhay. Let the games begin.” sabi nnang pamilyar na boses.
Teka… YUAN?Dali-dali akong tumago upang di niya ako makita kahit alam kong malayo pa siya sa akin. Nasisiguro ko lang na ligtas ako kaya siniksik ko ang aking katawan sa may pader.
Sumilip ako nang bahagya at tiningnan kung si Yuan nga ang nagsasalita kanina. Shit. Siya nga.
Bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa kaba at nahirapan na akong makahinga.
YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)