Blando's POV
Hindi ko na maisip kung bakit nangyari sa amin ito. Kalunos-lunos ang mga pangyayari at nabalot ng katatakutan. Hindi ko rin alam na may ganito palang pangyayari sa totoong buhay dahil nakikita ko lang ito sa mga pelikulang aking pinapanood.
Pagkatapos na malaman namin ang katotohanan na hindi pala siya ang killer kundi ginamit lang pala siya, natauhan kami at nilinis namin ang lugar na ito. Isinama na namin ang bangkay ni Pia sa mga naunang pang namatay. Gulat na gulat nga ako sa pangyayari, aba't ang talino ng killer at nalinlang niya kami sa mga plano niya. Ngunit patawad Pia sadyang di namin alam na ikaw pala iyon. Patawad.
"Tama na yan. Puntahan natin ang mga iba pang klase natin sa com lab." sabi ni Yuan.
"Sige tara na." pagmamadaling sabi ni Ignite.
Habang nasa kalagitnaan na kami sa aming paglalakad...
ang paligid ay biglang dumilim.
Third Person's POV
Pumasok na ang mga mag-aaral sa com lab. Napilitan lang sila sapagkat nag-iwan ng sulat ang killer. Nagtulakan pa ang ito kung sino ang magbubukas ng pinto at kung sino ang mauunang papasok dahil akala na naman nila, isa itong paraan para mahanap at malaman ang killer ngunit nagkakamali sila, ito pala ay isang patibong lamang.
Hinintay ng mga mag-aaral na mag play ang video sa computer.
"Guys, ayan na." sabi ni Don.
Nag play na ang video ngunit ito'y putol putol...
"Sira siguro gu-" putol na sabi ni Javier.
Naputol ang pag sabi ni Javier sapagkat dumilim ang paligid at nahaluan ng kakatakutan sa loob ng computer lab.
"Guys, wag kayong maingay. Hahanapin ko lang kung saan yung pintuan para makalabas tayo dito." sabi ni Arman.
Habang sinasabi ni Arman iyon nag-panic ang kanyang mga kaklase at nang nahanap na niya ang pintuan. Bigla nagbanggan ang mga mag-aaral at nag-uunahan na makalabas sa pintuan.
Naghiwalay hiwalay ang mga mag-aaral, nabulag sila sa mga pangyayari nang dahil sa dilim.
"Kate.. dito magtago tayo." sabi ni Riane sabay hila kay Kate.
"Arman dalian mo" pabulong na sabi ni Kristian.
"Gley bilis." sabi naman ni Nicole.
Samut-saring mga pag-uusap ang nagaganap. Ginagawa nila lahat para sila ay makatakas sa mala-impyernong lugar na ito ngunit sa pakiramdam ng iba ay bigo silang gawin ito.
"Leigh nasaan si Daphne?" Pabulong na tanong ni Aira. Subalit nang oras na iyon, papalapit na sana si Daphne kina Aira ngunit biglang may humila sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig.
Hindi na makahinga si Daphne kaya nawalan siya nang malay at nahulog siya sa bisig ng taong may kagagawan sa lahat ng ito.
Nagising na lamang si Daphne na nandoon na siya sa Science lab. Takot na takot siya sapagkat alam na niya na siya na ang susunod. Nag panic siya kung ano ang kanyang gagawin dahil sa halong kaba at takot na namumuo sa kayang isip at puso.
Dahil sa kawalan ng pag iisip bigla niyang nahablot ang baril at tinutok iyon sa kanyang ulo.
"Mas mabuti na 'to kaysa pahirapan pa ako." bulong niya sa kanyang sarili.
"Agad-agad? Excited ka ng mamatay. Bahala ka hindi kita pipigilan." tawang tawa na sabi ng killer.
"Walang hiya ka ikaw pala ang may kagagawan ng lahat na ito akala ko ikaw ang liligtas sa amin ngunit nagkamali pala ako, ikaw pala ang papahamak sa amin." sigaw ni Daphne.
"Tama na ang satsat, simulan na natin ang laro." sigaw naman ng killer.
Ngunit papalapit na ang killer nang...
biglang...
umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa Science lab.
"Wala palang kahirap-hirap." ngising sabi ng killer.
"Ang boring naman. Gawin kaya nating exciting." sabi niya sa kanyang sarili.
May kinuha siyang isang notebook ang minarkahan niyang X ang pangalan ni Daphne.
Lumakad na siya palayo at ng sandaling iyon lumiwanag ang buong kapaligiran.
Nagsimulang makahinga ng malalim ng bawat mag-aaral. Nagkita na rin sina Blando at ang iba pa niyang kaklase. Sobrang nag alala ang lahat dahil baka may isa na namang nawala. Binilang ni Arman lahat ngunit kumunot ang kanyang noo.
"Anong problema Arman?" tanong ni Nicole.
"Kulang tayo ng dalawa." sabi ni Arman. Nag isip ang iba kung sino ang mga nawala.
"Si Pia ang isa.", sabi ni Ignite.
Kwinento nila Ignite ang nangyari kay Pia sinabi rin nila na sila ang pumatay sapagkat akala nila ay killer talaga siya. Halo-halong ekspresyon ang bawat mag-aaral dahil iniisip ng iba na hindi mapagkakatiwalaan sina Ignite dahil sa ginawa nila. Ngunit may nagsalita...
"Omg! Guys, si Daphne." mangiyak ngiyak na sabi ni Riane. Pinatahan nila si Riane at bakas sa kanilang lahat ang kalungkutan.
"Guys, tama na kailangan na natin magmadali sapagkat tumatakbo ang oras at sa hindi inaasahan baka isa na naman ang mawawala. Kaya kailangan na natin kumilos." paliwanang ni Nicole. Tumango-tango ang iba.
Bumalik sila sa classroom at nagplano kung ano ang dapat gawin.
Someone's POV
Pagod na pagod na ako. Pagod na rin ako sa mga drama nila. Pahinga muna kahit sandali lang.

YOU ARE READING
You're Next
Mystery / ThrillerThe next scream that you will hear is might be yours. So be ready 'cause YOU'RE NEXT:)