Blare's P.O.V
Tatlong weeks na simula nung umamin ako sa kaniya at tatlong weeks na nililigawan niya ako ule.
Pero ngayon? Sobraaang cold ng treatment niya sakin pati nga mga kaibigan ko tudo iwas sakin, ewan ko sa kanila, hindi naman ako germs diba?
At ito pa ang mas masakit, birthday ko ngayon at wala man lang maski isa sa kanila ang bumate sakin.
Well, nandito ako ngayon sa eskwelahan naglalakad MAG-ISA sa hallway.
----LUNCH BREAK----
Hindi na ako pumunta pa sa cafeteria para kumain, instead naglakad ako at nang nakaramdam ako ng pagod umupo ako sa isang bench na malapit lang sa puno.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, pero nagulat ako ng someone covered my eyes with his/her arms, hindi ko naman kasi alam kung lalake o babae.
Kaya ang ginawa ko siniko ko ang taong tumakip sa mata ko. Susuntukin ko na siya sana, kaso nang makita ko kung sino napayakap na lang ako agad sa kaniya pero siyempre na shock pa rin ako.
"Arayy, ang sakit nun ha? Na miss mo ba ko mine?" sabi niya habang natatawa.
Kumalas nako sa pagkakayakap sa kaniya.
"Sorry, naman kelan ka nakabalik?" tanong ko.
"Wow, mine ang saket ha wala man lang bang I miss you, Okay ka lang?" pag iinarte niya sabay hawak sa kaliwang dibdib niya na parang nasasaktan.
"Hahaha, abnoy ka talaga, bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko.
"Abno ka ba naman mine dito na kami mag-aaral."
Natigilan ako sa sinabi niya, wait ibig sabihin?
"Andito din sina Carlo," gulat na tanong ko sa kaniya.
"Hahaha, Oo mine--- ayyy wait" sabi niya sabay talikod.
"HAPPY BIRTHDAY MINE!" Sigaw niya.
Nagulat na lang ako ng naglabasan silang lahat, sina besty, ang tatlong ugok, at ang tatlo pa naming childhood friends kasama na rin si mine.
Hooy, readers, wag kayong ano, bestfriend ko lang yang si mine, simula pa nung bata kami, pero parang may kulang.
Saan kaya yong alien na yun?
BINABASA MO ANG
Sweetest Revenge
Teen Fiction[[HIGHEST RANK ACHIEVED #1 in TeenLife]] Imagine a world kung saan merong apat na babaeng palaban at amazona, at apat na lalakeng sikat at hinahangaan ng lahat.Magkakatagpo-tagpo ang landas at nang ikinasimula ng pagbago ng kanilang buhay. Nguni...