Chapter 20

919 36 0
                                    

Blare's P.O.V

It's our second day in camping, bukas na ang uwi namin, pero hindi pa rin ako pinapansin ni halimaw, ay ewan at bakit ba gusto ko siyang kinukulit ako haaaysst, ano ba ang nangyayari sa'kin? Huhuhu, marupok na ba ako?

"Okay guys, sabi ni prof. gawin niyo na lahat niyong gustong gawin dahil last day na natin dito. Ang gustong mag swimming magswiming na, o kahit ano pa gusto niyo. Have fun guys... " Saad ng class president namin.

Hmmm. Ano ba gagawin ko?

"Beshies, punta tayo sa may ilog, picnic tayo may mga natira naman kayong mga pagkain diba, ano game?" Beshie Riley.

"Game!" Sigaw naming tatlo.

Kinuha na namin sa loob ng tent ang mga kakailangan namin para sa picnic.

Nang dumating na kami, nilapag muna ni beshie Allisha ang pulang tela, at nilagay na namin ang mga pagkain at iba pang mga gamit.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag pipicnic ng may nagsalita mula sa likuran namin.

"Pwede ba kaming sumali sa picnic niyo?"

Paglingon namin sina halimaw pala.

"Sure!" sabay na sigaw ng tatlo.

Umupo na sila maliban na lang kay Drake na naglakad palapit sa malaking puno at umupo, kumuha ako ng isang chips at isang canned na coke at pumunta sa harap niya.

"Uhm ano.. sorry. Ito oh gusto mo?" tanong ko sa kaniya sabay pakita sa harap niya ng mga kinuha kong pagkain.

Ngunit hindi siya sumagot, kaya nilapag ko na lang sa tabi niya.

Naglakad nako ako patungo sa mga kaibigan ko at nagpaalam na babalik na lang muna sa tent.

Naglinis na ako ng sarili ko at nagpalit na rin ng pantulog, haay sana magiging okay na ang lahat teka nga bakit ba ako nagkakaganito, dapat isa akong maarte na nilalang at walang pakialam sa mga nangyayari, pero ngayon ano to.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at natulog na.

Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon.

*Stretch

Kinuha ko na ang susuotin ko ngayon sa bag, crop top na gray at maong shorts lang ang susuotin ko.

Naglakad na ako papunta sa cr, pagkatapos kong maligo at magbihis, bumalik na ako sa tent at sinuot ang snickers kong kulay puti.

Okay inhale, exhale.

"Rise and Shine mga panget, gumising na kayo!" Sigaw ko.

Hay salamat naman at gumising na sila.

"Hmmm good morning din bes, bait mo talaga." sabi sakin ng kaka-gising lang na si Allisha.

Kaya yun nagtawanan na naman sila, maski nga si Drake nagpipigil na ng tawa.

"Che mag ayos na kayo diyan, wala ba kayong balak umuwi? Diyan na nga kayo mga bwiset!" Sigaw ko sa kanila.

Keaga-aga nangsisira ng may good mood.

Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon