Chapter 39

780 30 0
                                    

Riley's P.O.V

Haaaay, salamat naman at sabado ngayon, tsaka sem-break na din pala namin...

Eh sembreak nga namin, pero etong beshie namin parang tanga lang, eh pano kasi pagbalik niyan galing sa bahay nila parang wala sa sarili ,eh ayaw naman niyang sabihin samin kung anong nangyari.

"Blare naman kumain ka na nga, ilang araw ka ng nagmumukmuk dyan mukhang gusto mo atang pakasalan yang kwarto mo!" sigaw ni Beshie Allisha.

"Sige."

Kita niyo na, yan na nga lang isasagot pero hindi naman lumalabas.

"Riles kunin mo nga yung susi don sa sala," baling sakin ni Allisha.

Kaya kahit na tinatamad ako, sinunud ko na lang siya iba pa namang magalit yan at isa pa nag aalala na din naman kasi kami kay beshie Blare.

Blare's P.O.V

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito, andito kasi ako sa sahig sa corner ng kwarto ko, nagmumukmok.

"Oh my goodness, besh what are you doing there,why are you nakaupo diyan sa floor at why are you crying, what happened ba kasi, Oh my goo....."

Hindi natapos ni Sheena ang sasabihin niya ng takpan ni Riley ang bibig niya.

Pero bakit ganon, pinipilit kong ngumiti pero ang kalabasan ay iiyak din naman ako.

Hindi ko namalayan na yakap yakap na pala ako ni Riley.

"Besh, tahan na."

"Blare, andito kami huwag mong sarilihin ang problema mo, makikinig kami." sabi din ni Alissha sabay yakap din sakin.

"Besh, sabihin mo samin ano bang nangyari nang nandun ka sa bahay niyo umamin ka ah."

"A--ano kasi..."

FLASHBACK....

*Yaaawn

Haaaaay napasarap ata tulog ko.

Naabutan ko ang dalawa kong bruhildang kapatid ng bumaba ako sa hagdan.

"Hi ate," sabay na sabi nila, kaya nginitian ko nalang sila.

"Oh, mga anak dinner is ready~ tara kain na tayo." Si mama talaga.

Habang kumakain kami biglang tumikhim si papa.

"Aheeem, ah anak meron sana kaming sasabihin ng mama mo."

Kahit na parang kinakabahan ako ngumiti pa rin ako.

"Ah, sige lang ma, pa. Ano po yun?" Tanong ko.

"Ah, kasi anak huwag kang magalit ah, kasi ang kompanya natin na bankrupt na, at kaylangan natin ng malaking halaga para mapagamot ang kapatid mong si Angelica sa U.S at isa lang ang paraan para mapagamot siya anak."

Tinignan ko muna si Angelica bago sila tanungin. May sakit kasi ang kapatid ko, ang pangatlo samin meron siyang heart disease.

"Ano po ba yun ma gagawin natin lahat para mapagamot lang siya..."

"Ah kasi anak pina- arranged marriage ka namin sa panganay na anak ng kapartner nating kompanya."

Bigla kong nabitawan ang kutsara at tinidor ko.

"Anak pwede pa naman tayong umatras...."

"Ma! Hindi okay lang, kung yan ang paraan para mapagaling si ica, okay lang po tapos na po kong kumain, excuse me," sabi ko sabay takbo pataas ng kwarto ko.

Pagkarating ko sa kwarto ko, I throw all the things that I can see in my room.

'Aaaaaaaaaah, bakit pa dapat na mangyari to sakiiiiin' sigaw ko.

I'm about to throw my pillow ng bumukas ang pinto ng kwarto ko, alangan naman ang sahig diba?

Si ica pala, short for Angelica.

"Oh ica ano pang ginagawa mo sa room ni ate, you have to sleep na anong oras na oh atsaka.." napatahimik ako bigla ng yakapin ako ng kapatid ko sa bewang, taga bewang ko lang naman kasi siya eh.

"Ate, are you mad at me? Dahil you already have to get married because of me," naaawa na talaga ako sa kapatid ko, she dont deserve to have this stupid heart disease.

"No, ate is not mad at you, come ihahatid na kita sa room mo ha?"

Kinaumagahan, pinirmahan ko na lang ang papers, para sa arranged marriage.

Haaaay, gagawin ko to para sa kapatid ko.

END OF FLASHBACK....

"Shhhhh, besh andito lang kami para sa'yo."

"At may dinner pala kami bukas, at bukas ko din daw mame-meet ang kapartner ng kompanya namin at ang kanilang panganay na anak tch,"pahabol ko pang sabi sa kanila.

Pero imbes na magsalita sila, yinakap na lang nila akong tatlo aalam talaga nila kung pano ako icocomfort.




Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon