Drake's P.O.V
Hanggang ngayon, di ko parin siya pinapansin.
Kahit anong ingay at tanong niya di ko sinasagot.
Aba, aba, aba. Doble kaya yung kasalanan niya sakin.
"Huy, nakikinig ka ba?"tanong niya uli.
Pero di ko siya sinagot o tiningnan manlang.
"Sabi ko nga, hindi."
Pfft. Napatawa nalang ako ng mahina, kahit kelan talaga tong babaeng to.
Nang narating na namin ang tuktok ng bundok, umupo at sumandal ako sa may punong kahoy sabay pikit ng mga mata ko.
"Drake." banggit niya sa pangalan ko.
"May problema ba tayo?" tanong niya.
"Wala." Seryoso kong sabi.
"Dahil ba to sa kahapon," sabi pa niya uli.
Oo. Kung alam mo lang, tss.
"Drake naman. Magbabagong taon na oh tas nag aaway pa tayo."
"Di naman tayo nag aaway,"sabi ko habang nakapikit pa din.
Ilang minuto na ang nakalipas at ang tahimik pa din. Kaya iminulat ko na ang mga mata ko.
At dun nanlaki ang mata ko. Nakaupo siya habang nakapatong ang kamay niya sa paa niya, habang ang ulo naman niya nakapatong sa kamay niya habang nakatingin sakin na luhaan.
Parang dinudurog ang puso ko pagkakita ko sa kaniya.
Kahit na gusto ko siyang yakapin di ko manlang magawa dahil alam ko, alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan ng pagiyak niya.
"Drake, please sabihin mo sakin kung may problema ba tayo. Dahil ako ang nahihirapan. Sawang sawa na'ko Drake. Sawang sawa na. Sabihin mo lang kong gusto mo nang matapos kung anong meron tayo!!"
Di ako makapagsalita. Can someone punch me right now, as in now.
"Tss.. Ayaw mo talaga. Sige pagbibigyan kita." sabi niya sabay takbo.
What the f*ck.
Bigla akong natauhan at dali daling tumakbo.
Kanina pako tumatakbo pero di ko parin siya nakikita.
Muntik na kong sumuko, not until I heard a sob.
Pagkatingin ko, nakita ko sa Blare na nakaupo sa tabing dagat.
Pinuntahan ko siya agad at yinakap patalikod.
"I'm so sorry, Love."
Tumayo siya at tinignan ako ng walang kahit na anong emosyon.
Niyakap ko siya pero nagpupumiglas siya.
"Shh. I'm sorry it's just that... Haaayst. I'm jealous okay. Tsk!"
Naramdaman kong napatigil siya.
"Kanino?" sabi niya.
"Seriously Blare," nag iinarte kong sabi.
"Sagutin mo nalang ang tanong ko."
"Haaayst fine... Kay John," sabi ko sabay yuko.
Maya maya, narinig ko nalang siyang napatawa ng malakas.
T*ng*na nakakahiya.
"Pag di ka tumahik dyan. Hahalikan talaga kita." sabi ko na nakangisi.
Kaya naman napatahimik siya bigla. Psh akala mo ah.
"Forgive me my love, but I will still do it."
Hinawakan ko ang bewang niya sabay lapit ng mukha ko sa kaniya
at dahan dahan siyang hinalikan.Ilalayo ko na sana ang mukha ko, nang hinawakan niya ang batok ko tsaka ako hinalikan. Napangiti ako ng malapad dahil sa ginawa niya.Naramdaman ko na mauubusan na ako ng hininga kaya ako na ang nagputol, niyakap niya ako at siniksik ang kaniyang sarili sakin.
"Pfft, wag kang mahiya, Love." sabi ko na tumatawa.
Di siya sumagot at hinampas ako sa braso.
"I love you, Love." sabi ko sabay halik sa noo niya.
"I love you too, Love."
And with that napangiti nalang ako. I really love this girl, and I am willing to sacrifice everything just for her.
BINABASA MO ANG
Sweetest Revenge
Fiksi Remaja[[HIGHEST RANK ACHIEVED #1 in TeenLife]] Imagine a world kung saan merong apat na babaeng palaban at amazona, at apat na lalakeng sikat at hinahangaan ng lahat.Magkakatagpo-tagpo ang landas at nang ikinasimula ng pagbago ng kanilang buhay. Nguni...