Blare's P.O.V
*Krrriiiiiiinnngggg
*Booogssshhh
Aray! bw*s*t na alarm clock na yan.
"Bakit ba kasi palagi niyo ko ginaganyan tas pagnahulog nako di niyo naman ako kayang saluin, tss yan tuloy nasira na din kita," pagda-drama ko pa sa alarm clock ko.
Haaaay, maliligo na nga lang muna ako.
30 minutes later.
*Knock,knock,knock.
Ay butiki, phew akala ko kung ano na.
"Anak, naghihintay na fiance mo sa baba, kanina pa yun nandon," si mama pala.
Ay oo nga pala bago kasi sila umuwi kagabi, sinabihan niya ko na siya na maghahatid sundo sakin simula ngayon, o.a niya talaga pero siyempre hindi ko pa naman nakakalimutan ang pang iiwan niya sakin kagabi ha! Tingnan lang natin.
Monday ngayon kaya siyempre naka uniform ako, binun ko nalang din ang buhok ko at naglagay ng sunscreen polbo, mascara, brows, atsaka liptint, yan lang ka simple.
Pagbaba ko nakita ko siyang nakakunot noong nakatingin sakin, ano naman problema neto.
"Ah mom dun na lang po ko mag be-breakfast sa school bye po, bye dad," sabi ko sabay beso sa kanila.
Umuna na din akong maglakad palabas.
15 minutes later...
Wow lang ah, as in wow.
Tama ba namang babaan na lang ako ng ganon ganon?
Juice ko pow hahaha sige lang sigurado akong, hindi na siya ganyan mamaya hahahahaha.
"Oh beh, tulala ka dyan?"
"Ayy nak ng tipaklong Allisha naman oh," juiceko po aatakihin ako neto sa puso eh.
Hala, hindi ko pa pala nasasabi sa kanila ang tungkol sa arrange marriage baka anhin pako ng mga to eh.
"Ah als a-ano kase ang ano u-uhhmm---" bat bako na uutal.
"Alam mo besh, if it is about the arrange marriage, alam na namin kagabi lang sinabi ni Drake, nabigyan ko pa nga siya ng sampal hakhak." putol ni Sheena, at ang g*ga tuwang tuwwa pa sa pagsampal niya kuno kay Drake...
"Ako sabunot"
"Ako nga suntok eh"
Proud pang sabi ng dalawa. Kaya naman pala iwas siya ng iwas ng tingin sakin, baka ayaw ipakita ang kagagawan ng mga babaetang ito.
*Ms. Blare Grace Mendoza and Mr. John Roy, please proceed to the school gym both of you are badly needed." School speaker...
Ok eto na, wooh.
"Wish me luck gals."
"Okay besh, goodluck!"pahabol pa ni Riley.
"Again may we call on Ms. Blare Grace Mendoza and Mr. John Roy, please proceed to the school gym, both of you are badly needed. Thank you!"
Nang nakarating nako nagpractice na muna ako nakasabay ko pa nga si Roy sa paglalakad eh.
Ewan ko ba kung bakit kami pinaganito ni Ms.Principal.
Eh ang sabi lang naman niya is may guest daw ngayon kaya may program haysst.
Wooh, kaya ko to.
Drakes P.O.V
Bat naman kaya pinapunta si Blare at Roy sa gym.
"Oh, lover boy ayan kasi tatampo tampo ka, tas magseselos din tsk."
Oo alam nila dahil sinabi ko na sa kanila, hay sana nga pala hindi ko na sila sinabihan ang kukulit lang eh.
Mayat maya tumunog na naman ang school speaker.
"Ok students of KHU please proceed to the gym now,we have guests today,for this upcoming christmas,please cooperate,thank you!"
"Okay, class move move move, wag nating pahintayin ang mga guest natin."
Pagpasok at pagpasok namin, umupo na kaming apat malapit sa may stage so bale nasa likod kami nina blare? Wala pala siya sina sheena pala, ito kami oh.
S. T. A. G. E
|ms.principal| |teacher|
|sheena.| |riley.| |allisha|
|vince.| |alex. ||ash.|| ako|"Okay, students of KHU naisipan namin tong program nato para mapasaya ang ibang kabataan, well as you can see naman diba, dahil malapit nang magchristmas."Pag eexplain ni Ms.Principal.
"Okay wag na natin to pahabain, lets proceed to our intermission number, games, then kainan nana~ so lets welcome this two students as they give their intermission number " sabi pa ni Ms. Talaman, teacher namin sa math.
Oh sheez, biglang nagsigawan ang mga tao sa loob ng gym ng nakita nila ang magkahaw kamay nina Blare at Roy, p*ta ako lang dapat makakahawak ng kamay niyan eh.
"Hi fellow students, teachers, and for all the visitors and guests from St.Mary Church, we offer this song for all of you." sabi pa ni roy g*go.
Nagsimula ng tumunog ang music
Putspa, at may gana pa talaga siyang halikan si Blare sa pisngi, kanina pa talaga ako dito nagtitimpi, at eto namang mga katabi ko kanina pa ako nginingisihan.
Bala kayo dyan uuwi na lang ako wala naman nang klase eh, tsss.
BINABASA MO ANG
Sweetest Revenge
Teen Fiction[[HIGHEST RANK ACHIEVED #1 in TeenLife]] Imagine a world kung saan merong apat na babaeng palaban at amazona, at apat na lalakeng sikat at hinahangaan ng lahat.Magkakatagpo-tagpo ang landas at nang ikinasimula ng pagbago ng kanilang buhay. Nguni...