Blare's P.O.V
Haaaaay ano ba namang traffic yan, ka-badtrip naman oh.
Papunta nako ngayon sa bahay dahil mamaya nang gabi ang dinner namin.
*Beeeep
*Beeeep
Juiceko manong, hindi ba niya nakikitang red pa ang stoplight? Hay naku!
30 minutes later....
"Oh anak andito ka na pala, kumain ka na ba?" bati ni mama.
"Ah, busog pa po ako ma akyat lang ako sa taas." sagot ko sa tanong niya.
Kiniss ko muna si mama sa pisnge at bineso si papa,bago umakyat sa kwarto ko.
Inopen ko nalang muna ang facebook ko, at hindi na ko nagulat ng bumugad sakin ang 890 friend request at 500 notification.
Hindi ko nalang ito pinansin. Scroll lang ako ng scroll ng may nahagilip ako.
Sheena Angelie is with Ella Riley, Allisha Marie and Blare Grace
3mins.Having fun with them @timezone...
|510likes|246commentsWow ah tinag pa talaga ako langyang babae to oh.
Inoff ko nalang ang cp ko at nahiga na sa kama. Pero narinig kong may kumakatok sa pinto.
"Anak, maghanda ka na papunta na dito sina Tita Joana mo."
Si mom?
Bakit ko siya napapanaginipan?
"Anak, magready ka na dyan!!"
Ano bang pinagsasabi ni mama, haaaay high blood pa din nga sya kahit sa panaginip ko.
"Blare Grace Mendoza! Bilisan mo na dyan papasukan na talaga kita."
Napabalikwas ako ng bangon pero hindi ko pa binubuksan ang mga mata ko, so hindi ko nga sya napanaginipan?
"Maaa, wait lang inaantok pa'ko," childish kong sigaw kay mama.
"Ahhh, kahit na sabihin kong nasa harapan mo na sila."
"Whaaaaa!? Jusme naman ma, makaayos na nga lang." sabay bangon.
"Hahahha, hintayan ka nalang namin sa baba sweetheart just be yourself na lang ha."
"K ma."
Nang natapos na kong mag ayos, tiningnan ko muna ang ayos ko, simple lang naman ako ngayon, 'just be yourself' nga sabi ni mama diba?
So simple lang naman ang ayos ko ngayon. Naka simpleng white dress na above the knee, Robyn dress sandals na black at Light make-up.
Diba? ganyan lang ka simple, ayoko namang magmukhang clown na pupunta sa bar eh.
Hayssst, heto na talaga habang pababa ako ng hagdan kabog ng kabog naman ang puso ko.
Wow. As in wow na wow mapapanganga ka nalang talaga ang ganda at gwapo pala nila mukhang 20 pa lang sila base sa itsura nila.
"Oh anak andyan ka na pala, eto pala sina Tita Joana at Tito Daniel mo," Juiceko si mama talaga palagi na lang akong ginugulat.
Parang may kamukha nga silang dalawa eh, ayy hindi hindi imahenasyon ko lang ata to.
Bigla akong niyakap ni Tita Joana.
"Hi iha napakaganda mo pala bagay talaga kayo ng anak ko."
"Ah hehe. Hi din po t-tita,"parang na aw-awkwardan pa nga ko eh.
"Aish, scratch that, my. My na lang tawag mo sakin okay." masungit na medyo natatawa na sabi ni m-my.
"Ok po, m-my."utal kong sabi.
Tinawanan na lang nila ako.
"Wag kang ma awkwardan samin iha. Dy na lang din itawag mo sakin." sabi ng asawa ni my.
"Ah ok po dy," sabi ko na lang.
"Ok, come dear Kiel is already waiting let's have our lunch na para makapag usap na din tayo." Singit ni papa.
Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko kung sino, napatigil na lang din sila ng tumigil ako sa paglalakad.
WTF?! Bakit, bakit siya pa?
Nang tumingin siya sa kinaruruuan namin our eyes met.
Samut saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Confused, sad, excitment, happy and...... broken.
"Blare?"
BINABASA MO ANG
Sweetest Revenge
Novela Juvenil[[HIGHEST RANK ACHIEVED #1 in TeenLife]] Imagine a world kung saan merong apat na babaeng palaban at amazona, at apat na lalakeng sikat at hinahangaan ng lahat.Magkakatagpo-tagpo ang landas at nang ikinasimula ng pagbago ng kanilang buhay. Nguni...